5

1953 Words
IMINULAT ni Bornok ang kanyang mga mata at naaninag niya ang maputing kisame sa itaas niya. Ramdam niyang tila nakahiga siya sa isang malambot na bagay. Sandali pa siyang napahawak sa kanyang noo at parang inisip kung ano ba ang nangyari. Sandali rin siyang napahikab habang nag-iisip nito. “Patay na siguro ako…” Naalala ni Bornok na siya nga pala ay binugbog at wala nang nakakita sa kanya. “Pero nasa langit ba ako?” Natatawa na lamang siya sa kanyang sarili. Paanong ang isang tulad niyang mahilig magmaryang-palad ay sa langit mapupunta ang kaluluwa? “Dapat yata ay sa impyerno…” Parang natatawa pa rin siya hanggang sa napalingon siya sa kanyang kaliwa at dito na siya napabangon nang mabilis sa nakita. Isang mukha ng babaeng may maamong mukha na mahimbing na natutulog ang kanyang nasilayan. Nasa ilalim ang kanilang katawan sa iisang kumot at napalunok siya ng laway dahil naka-bra at panty lang ito nang silipin niya. Pagtayo niya ay nakita niyang naka-shorts lang siya. Mabilis ngang kumabog ang kanyang dibdib. Napatingin siya sa kanyang sandatang nasa loob ng kanyang suot. “Virgin pa ba ako?” Pero naisip niya, paano siya mapupunta sa ganito kagandang babae? Nasa loob ba siya ng isang hotel? O motel? Gulong-gulo ang isip niya lalo na nga nang bumalikwas ang nakahigang babae na naging dahilan upang makita niya nang maayos ang malusog nitong dibdib na napapaibabawan ng puting cotton na bra sapagkat bumaba ang kumot na nakataklob dito. Napalunok siya ng laway dahil ngayon lang siya nakakita nang ganito. Madalas kasi ay sa mga videos at pictures lang siya nakakakita. “Patay na siguro ako… At ito ba ang langit?” tanong niya sa sarili na biglang napalingon sa likuran niya kung saan ay may isang salamin. Muli na namang nabigla si Bornok nang may makitang ibang tao sa salamin. Alam niyang hindi siya ito dahil gwapo ang nasa salamin at may maganda ang pangangatawan. Parang isang artista ang datingan nito at nang gumalaw siya ay gumalaw rin ang nasa salamin na lalo niyang ikinagulat. Dito na nga lumapit si Bornok at sa pagharap niya nang malapitan sa salamin ay parang ayaw niyang maniwala sa kanyang nakikita. “A-ako nga ito…” Dumila, kumindat at nag-flex pa ng muscles ang binata at ito rin ang ginagawa ng nasa salamin. Hindi nga niya maisip kung paano naging ganito ang kanyang itsura. “Patay na ba talaga ako? O baka panaginip lang ito?” Patuloy pa si Bornok sa paggalaw sa harapan ng salamin at napapangiti na lamang siya sa bago niyang itsura. “Ang pogi ko ah…” Nag-pogi sign pa nga siya sabay kindat sa imaheng nasa salamin. “Panaginip lang ang lahat…” Napapitlag si Bornok nang may isang boses ng babae ang nagsalita sa kanyang tabi. Nakita rin niya ito sa salamin at kitang-kita niya ang ka-sexy-han ng katawan nito lalo’t naka-bra at panty lang ito. Napaatras si Bornok at nakangising nakatitig sa kanya ang babaeng kanina ay nakahiga sa kama. “S-sino ka? At sigurado ka? Panaginip lang ito?” “May ginawa ba tayo? Kinuha mo ba ang virginity ko?” Napapikit na lamang ang babae habang nililinis ang kanyang kabilang tainga gamit ang daliri. Ipinakita niyang para siyang narindi sa mga tanong ng lalaking nasa harapan niya. “Ako si Trixie, at sa totoo lang ay dapat ay patay ka na. Kaya dapat ay magpasalamat ka sa akin lalaki!” wika ng dalaga na nakapamaywang na nang sabihin iyon. Wala rin siyang pakialam kung nakabuyangyang sa harapan ng binata ang kanyang magandang katawan. “H-huh? P-paano? Ano ito magic? Tsaka kung panaginip ito? Paggising ko, ganoon na uli sa dati ang itsura ko?” tanong pa ni Bornok at si Trixie ay lumapit sa kanya at pinasadahan ng daliri ang kanyang matipunong dibdib. Parang kinilabutan si Bornok sa nangyaring iyon. Napalunok siya ng laway dahil napakalapit sa kanya ng dalaga. “Ganoon pa rin sa dati ang magiging wangis mo… Pero, iba ka na kumpara sa ibang mga mortal dahil nasa iyo na ang kapangyarihan ko.” Naglakad papunta sa likuran niya si Trixie at patuloy pa rin ito sa paghagod sa katawan ng gwapong Bornok. “K-kapangyarihan?” tanong ni Bornok na muling napalunok ng laway dahil tila may nagigising na ahas sa loob ng kanyang short dahil patuloy pa rin sa ginagawa nitong paghagod sa balat niya ang babaeng kasama niya. Nabigla si Bornok nang may malambot na kamay ang dumakma sa kanyang nagigising na sandata. Parang kinilabutan siya sa nangyayari at naramdaman niya ang malambot na dibdib ng babaeng kasama niya sa kanyang likod. Gusto sana niyang pigilan ito, pero gusto niya ring maranasan ito. Lalong humindig ang kanyang alaga at kasunod noon ay ang pagtawa ng babaeng kasama niya na biglang lumayo mula sa kanya. “Ang kapusukan ng isang birhen. Gustong-gusto mo na bang maranasan ang sarap na hatid ng pakikipagtalik?” ani Trixie na naglakad na muli sa kanyang harapan. Parang nahiya tuloy si Bornok dito dahil pinapatakam lang pala siya nito. Bigla tuloy lumambot ang nagising niyang alaga dahil sa hiya. “Ang kapangyarihan kong makarating sa panaginip ay nasa iyo na… at alam mo ba ang nagagawa nito? Ito ay ang punan ang kagustuhan ng isang tao sa pakikipagtalik. Maaaring sa isang birhen, o sa isang may karanasan na. Sa oras na mahawakan mo siya ay pwede mong puntahan ang kanyang panaginip sa oras na ito ay matulog. Ikaw ang pipili at ikaw ang magdedesisyon kung gusto mong gawin ito sa taong nais mo. Tandaan mo, dahil nasa panaginip ka… Walang bawal sa iyo at ikaw pa rin ang magdidikta ng mga kilos mo.” Parang naguluhan si Bornok sa kanyang narinig mula sa dalagang ito. Ni hindi nga siya sigurado kung totoo ba talaga ito o hindi. Hindi naman daw ito pelikula, dahil sa pagkakaalam niya ay sa mga palabas lang may mga ganitong pwedeng maganap. “Hindi nga? Totoo?” naitanong na lang ni Bornok at napatingin sa kanya habang nakangiti ang babae. “Gusto mong malaman?” Tumango si Bornok at pumitik sa hangin ang mga daliri ng babae at dito ay nagdilim ang paligid at nahulog sila sa kawalan. ISANG malalim na paghinga ang nagawa ni Bornok nang magmulat ang kanyang mga mata. Madilim pa ang paligid at parang sumakit ang kanyang ulo matapos iyon. Naririnig na nga niya ang tunog ng mga dumaraang sasakyan sa hindi kalayuan. “Panaginip nga lang iyon,” natatawa niyang sinabi sa sarili at mabilis siyang tumayo. Nabigla na rin lamang siya nang maramdamang okay siya. Sa pagkakaalala niya ay nabugbog siya, pero nang hawakan niya ang kanyang katawan ay wala namang masakit dito. Hindi na rin niya maramdamang pumutok ang kanyang labi at parang okay na okay siya. Ramdam din niya ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanyang katawan. Napatingin siya sa oras sa kanyang keypad na phone at nakita niyang alas-syete pa lamang ng gabi. Ibig-sabihin ay hindi pa siya ganoon katagal na nakabulagta rito. Ibig-sabihin, totoo ba ang nangyari sa kanyang panaginip? Na may babaeng nagligtas sa kanya? Napalunok siya ng laway at nang tingnan niya ang kanyang pinagbagsakan kanina ay isang nakabulagtang babaeng nakasuot ng maruming damit ang kanyang nakita. Ibang-iba ito sa nakita niya kanina sa panaginip niya. Mukhang isa raw itong pulubi rito sa bayan. Parang kinabahan siya at dito ay nilapitan niya ang babae at tinapik ang marungis nitong pisngi. Natutulog ang babaeng iyon at tumayo na siya muli. Balak na sana niyang iwanan ito, pero naalala niya ang sinabi ng babae sa kanyang panaginip. Iniligtas daw siya nito, at kung totoo iyon… Napailing si Bornok at marahang itinayo ang marungis na babae. Inalalayan niya ito at buong-lakas na isinampa sa kanyang likuran. Kung ito man raw ang babaeng nasa kanyang panaginip ay dapat niya itong tulungan. Ang pagkawala ng kanyang mga sugat at sakit ng katawan ay isa nang malaking tanong sa kanya. Kaya kung totoo ngang may kapangyarihan ang babaeng pasan niya ay kailangan lang niya itong tulungan. Nakasampa na ang babae sa kanyang likuran at pagkatapos noon ay naglakad na siya pauwi. Paglabas niya sa may kalsada ay may mga ilang dumaraan ang nakakita sa kanya. Nakita niya ang pagbubulungan ng ilan sa mga ito at alam niyang may sinasabing hindi maganda ang mga ito sa kanya. “Grabe si Kuya… Pati pulubi…” “Okay na iyan… kaysa wala…” Natatawa na nga lang ang mga nakakita kay Bornok. Pero kagaya ng nakagawian niya… Wala siyang pakialam sa mga ito. Mahimbing namang natutulog ang babaeng nasa likuran niya at nang imulat nito ang kanyang mga mata ay nagulat siya sa nakita. May isang lalaki ang ngayon ay buhat-buhat siya. Gusto niyang magsalita, pero hindi niya magawa dahil nanghihina siya dulot ng kanyang ginawang pagsasalin ng kapangyarihan kanina. Ni wala nga siyang lakas ng katawan na pigilan ang lalaking may buhat sa kanya kung saan man ang punta nito. Makalipas ang kalahating oras na paglalakad ay nakarating si Bornok sa kanyang tinitirahan. Nilakad niya ang maliit na eskinita at mabilis na napukaw ang tingin ng mga taga-roon sa kanya. “Wow! Girlfriend mo Bornok? Okay iyan!” natatawang winika ng mga nag-iinuman. “Ayos ka talaga Bornok. Mukhang aampon ka ng pulubi ah,” sabi naman ng mga tsismosa na nakatayo sa may tindahan. Pagdating niya sa compound na kanyang tinitirahan ay nakita siya ng matandang babaeng nagmamay-ari nito. Nginitian niya kaagad ito. “Lola, pwede po bang ipasok ko siya sa loob? Iniligtas niya po kasi ako,” wika ni Bornok na makikitang hinihingal sa malayong paglalakad niya. Pumayag naman ang may-ari ng bahay, lalo pa’t sa lahat ng kanyang mga borders ay ang binata lang ang pinaka-good payer. Nang dumaan na nga si Bornok sa harapan ng mga nakatira rin dito ay kanya-kanya ng layo ang mga ito. “Ano ba iyan Bornok? Bakit nagdala ka rito ng pulubi?” bulalas ng isang lalaki na may hawak na yosi. “Hoy! Bornok! Ano iyan? Pagpaparausan mo lang ano?” ani naman ni Emily na nakasuot ng revealing na sando na red. “Iww!” ani naman ni Carlene na kasalukuyang nagbe-vape. Isang tawanan naman mula sa isang lamesa ang narinig pa ng binata. Iyon ay ang mga lalaking borders na kasalukuyang nag-iinuman. “Support lang kami sa iyo Bornok… Ibigay mo virginity mo riyan. Mas maganda, paliguan mo muna…” “Pero pwede rin namang ‘wag na. Si Bornok pa… Manyakis din naman!” Nagtawanan ang lahat nang marinig iyon. Si Bornok naman ay dumiretso sa loob ng kwarto niya at maingat na inihiga ang babaeng pulubi. Napaupo na nga lang siya dahil sa pagod at ramdam na ramdam niya ang panghihina dahil sa layo ng kanyang nilakad. Pero hindi siya kailangang magpahinga kaagad. Matapos niyang magpalit ng damit ay mabilis siyang kumuha ng lalagyanan ng tubig at malinis na towel. Lumabas siya at kumuha ng tubig. Nilagyan din niya ito ng mainit na tubig upang maging maligamgam. Mabuti na nga lang at may laman ang maliit niyang thermos. Umupo siya sa gilid ng nakahigang babaeng kayrumi ng suot at mukha. Nakapikit ito at wari’y tulog pa rin. Matapos niyang pigain ang basang towel ay sinimulan na niyang linisan muna ang mukha ng babaeng iyon. Habang unti-unti nga niyang natatanggal ang amos nito ay unti-unti rin siyang kinakabahan. Dito ay tumambad sa kanya ang malinis na mukha ng babae at naalala niya ang babaeng nasa kanyang panaginip kanina. Ito ang babaeng iyon! Napalunok siya ng laway at parang nahiyang linisan ito dahil kung ito nga talaga ang babaeng nakita niya sa panaginip… Isa lang ang ibig-sabihin nito… Kasama niya sa loob ng kanyang tinutuluyan ang isang magandang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD