DAY 13. Naguguluhan pa rin nga si Bornok sa ikinwento sa kanya ng dalawang babaeng kasama niya sa loob ng kwarto pagkagising niya. Nagsisisigaw raw kasi siya na parang binabangungot. Naitanong na nga lang niya na paano raw siya babangungutin ay may panaginip siyang dinalaw? Isang sexy at quality ang katawan na babae ang kanyang natikman doon, na hindi na lang niya sinabing si ma’am Suzette ito. Tinulungan lang naman daw niya itong maging masaya. Iyon ay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang taglay. “Sigurado ka ba na ayos ka lamang Bornok?” tanong pa ni Trixie at siya nga ay tumayo at nag-flex pa ng muscles dito sa bisig para magyabang. Seryoso pa nga sa kanyang nakatingin si ma’am Mira niya at napangiti siya rito dahil parang may ibig-sabihin ang titig nito. “T-trixie? Baka