33

1296 Words
Meaghan's POV Nakasakay na kami ngayon sa isang medyo may kalumaan na medium van. Nasa passenger seat ako samantalang si Logan ay katabi ko bilang driver. Ang doktor at si Nurse Aaliyah ay nasa likuran, kasama si Kiel na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "We have approximately 8 more hours to travel from here to Cardona. But due to Kiel's condition right now, we have to travel fast. Do you know any place or something where transportation is faster?" tanong ni Logan habang bahagyang sumisilip sa side mirror. Napatahimik naman sila sa likod na waring nag-iisip. Napalingon ako nang biglang magsalita si nurse Aaliyah. "Have you heard about the Helipad in Samal, Bataan?" dagdag tanong ni nurse Aaliyah dito. "We need to go there, maybe they have back ups in there. We need to hitch in their vehicle to arrive at four times faster rate," dugtong pa nito. Agad kong binuksan ang storage sa harap at inilabas ang isang mapa. "Based on the sign board we passed by a while ago, we're currently here in Samal so about 5 kilometers from here then we'll be at that Helipad your talking to," ani ko habang itinuturo ang mga rutang dadaanan namin. "Sounds good, but I think we really need to get out of this hell place real quick," pirming saad nito habang tingin ng tingin sa side mirror. Dahil sa pagtataka ay sinilip ko rin ang tinitingna nya at bumungad sa akin ang isang hindi kanais nais na tanawin. "What the hell are those?!" sigaw ko na ikinagulat naman ng mga nasa likod. Sinilip rin nila ito at tila nagulat sa nasaksihan. "Sprinters! What the hell are they doing here?!" gulat na sagot ni Doc Martin. Nahalata nito ang nagtataka naming tingin kung kaya't nagsalita mulit ito. "Sprinters are zombies that runs very fast, like that of an athlete. But since they are mutated, those shits can run faster and reach us in no time!" paliwanag nito. "Logan! Drive faster! Their already near us!" sigaw nito. Agad namang umayos ng upo si Logan at inapakan ng mahigpit ang pedal. "Fasten your seat belt guys!" utos nito. "Let the fcking marathon begin!" at sinimulan na ngang paharurutin ang sasakyan. Makalipas lamang ang higit sampung minuto ay wala ng sprinters ang nakasunod sa amin. At mula sa aming pwesto ay tanaw na tanaw na ang hinahanap namin. Ang Helipad. May mga nakatambak na small aircraft dito. Ang ilan ay mukhang bagong bili ngunit madumi na dahil sa tagal na walang nag maintain. "We're here, tara na at nang makaalis dito," untag ko at kusang bumaba ng sasakyan. Pipigilan pa sana ako ni Logan ngunit huli na ang lahat. Napunta sa aming direksyon ang atensyon ng mangilan ngilang zombies dito sa lugar. Agad naalerto ang mga ito at napasugod sa aking direksyon. Mabuti na lang at nasa gilid ko lang ang katana na lagi kong gamit at agad isinaksak sa unang lumapit sa akin. Napaungol ito sa sakit bago ko tuluyang tinagpas ang ulo nito. Nagpagulong gulong ito papunta sa mga kasamahan nya na tila naguluhan sa nakita. Mas nagalit ang mga ito at mas naging agresibo kung kaya't sabay sabay ang pagsugod ng mga ito sa akin. Kaliwa't kanan ang pag tadyak at sipa ko dito, maging ang pagsuntok bago ko paghiwa hiwain ang mga parte ng katawan nito. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at pag putok ng baril sa mga ito. Daglian ko silang sinilip at nalaman na si Logan pala ito. Mas dumami ang zombie patungo sa aming direksyon kung kaya't hinila ko si Logan at sabay kaming tumakbo palayo. "We can't fight them all at once, let's split ways and just meet up at the gates okay?" utos ko dito. Tumango lamang ito at nagsimulang tumakbo patungo sa kabilang direksyon. Nahati ang humahabol sa amin kung kaya't mas mabilis ko lamang ang mga ito na naitumba. Pagkatapos kong sipain sa mukha at saksakin patalikod ang huling zombie na kaharap ko ay ibinalik ko na sa sukbitan sa aking gilid ang madugong katana. Agad akong bumalik sa puwesto upang tingnan ang nangyayari at tumambad sa akin ang doktor na muntik ng kagatin ng zombie. Tulak tulak ni nurse Aaliyah ang wheel chair nito. Dahil sa nangyari ay agad nya itong kinabig papalayo at binigyan ng front kick ang kaharap nito. Agad nyang kinuha ang baston ni Doc Martin at pinaghahampas sa umaatake sa kanila. Sa lakas ng kanyang pagkakahataw ay napapaupo ang zombies o di kaya ay sumasabog ang mga ulo nila dahil sa lakas ng tama dito. Nagkalat ang dugo sa buong pwesto nila kung kaya't tumakbo na ako upang tulungan sila. "Okay lang ba kayo?" tanong ko dito habang hinihila ang aking katana palabas ng patay na katawan ng aking kalaban. Nadukot ko mula rito ang kanyang puso na ngayon ay nangingitim na. Napailing na lang ako at inihagis ito sa likuran ko. "Hey watch out!" Nagulat ako sa biglaang sigaw na iyon at hinarap ang may-ari ng boses nito. Si Logan. Si Logan habang puno ng mantsa ang suot nitong coat dahil kumalat ang inihagis kong puso rito. Napapunas pa ito ng pisngi dahil natalsikan ito doon. Lumapit ako sa kanya ang ipinunas ang aking panyo tungo sa gilid ng labi nito kung saan may natira pang dugo. Tila natigilan ito sa aking nagawa, maging ako kung kaya't napaiwas ako ng tingin at dumiretso pabalik kila Nurse Aaliyah. Tiningnan ako nito ng nanunuksong tingin na inirapan ko lang kasabay ng pag iwas ng tingin dito. Agad kong binuksan ang pinto sa likod at tumambad sa amin ang walang malay na si Kiel. "Ililigtas ka namin Kiel, wag kang bibitaw...." Nakasunod na rin si Logan sa aking puwesto at iniusog ako ng kaunti. "Move, let's get going," sabi nito sabay lipat kay Kiel sa stretcher na dala dala namin. Siya na rin ang nagtulak nito papunta sa gate habang tulak naman ni Nurse Aaliyah ang doktor. Napailing na lang ako sa nangyayari. Sino bang sunod na itutulak? Biglang lumabas sa aking isip si Benj. Napailing na lang ako habang malungkot na ngumiti. 'We're almost done Benj, bakit ka bumitaw?' Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi at sumunod na diretso sa kanila. Naabutan ko silang nakatingin sa isang may katamtamang laki na helicopter. Mukhang kasya naman kaming lima dito kaya't hindi ko alam bakit sila nakatigil. "Anong problema guys?" tanong ko sa mga ito. Tiningnan lang nila ako na tila nag-aalala. "Does anyone here knows how to fly this thing?" Tanong ni Doc Martin habang nakaturo sa sasakyan. Katahimikan ang namayani sa lahat. Bakit nga ba hindi ko naisip yon? Sino ba naman sa amin ang marunong dito diba? Nilibot ko ang tingin at napansin ang katabi kong si Logan na ngayon ay tulala lamang na nakatingin sa helicopter, kasabay ng isang malakas na pag buntong hininga na naging dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang iba. "I do," maiksing sagot nito. Nagulat ang lahat, maski ako sa rebelasyon niya. "Paano? Bakit? Kailan?" naguguluhan kong tanong. Ang tagal na naming magkakasama ngunit hindi ko man lang alam na marunong pala siya nito. 'At bakit nya naman sasabihin sayo Meaghan? Ano ka ba nya?' Sabi ng isang bahagi ng utak ko. Naipilig ko na lang ang ulo sa naiisip at ibinalik ang tingin sa kanya, inaantay ang paliwanag nya. Nagbuntong hininga muna ulit ito bago sumagot. "I studied at an aviation school in Shanghai, China for around 2 years. My father enrolled me there because he wanted me to be like him." Nagulat ako ng bigla ako nitong tiningnan ng direkta sa mata. "My dad is an air force official, and just like your father, he served te country by being in the military."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD