PROLOGUE
Ang Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino ay puno ng kinang at karangyaan. Ang kristal na chandelier sa kisame ay kumikislap sa ilalim ng mainit na ilaw, habang ang buong venue ay napuno ng iba’t ibang napaka-eleganteng dekorasyon – white and gold floral arrangements, towering candelabras, at isang grand stage kung saan tumutugtog ang live orchestra.
Ang mahogany dance floor sa gitna ay nagpapakita ng isang napakahalagang okasyon na magaganap ngayong gabi.
Lahat ng mata ay nakatutok kay Avielle Venize “Vielle” Contreras, ang debutante ng gabing ito. Nakatayo siya sa gitna, suot ang kaniyang custom-made Elie Saab champagne gold ball gown, na may intricate beading at soft feather details na mistulang lumulutang sa bawat galaw niya. Pero kahit gaano kaganda ang gabi, may isang bagay, o isang tao, ang kulang.
"Girl, cheer up naman!" bulong ni Lily Eshtrin Makhalov, ang isa sa matalik niyang kaibigan, habang iniaabot ang champagne glass ni Vielle. "Ang bongga ng party mo! Nandito tayo sa Solaire, naka-Elie Saab ka, tapos may mga celebrity guests ka pa! Ano pa ba ang kulang?"
Napangiti si Vielle, pero bumuntong-hininga. Alam niya kung anong kulang, o kung sino.
Si Axton Aguilar.
Hindi siya sumipot.
Nagpadala si Axton ng regalo, isang napaka-luxurious na Patek Philippe Grand Complications watch, encrusted with diamonds, na may engraved initials ni Vielle sa likod. It was an heirloom-worthy piece, something na hindi basta-basta ibinibigay kung kanino lang. Pero kahit gaano ito kaganda, hindi iyon ang gusto niyang matanggap. Gusto niyang makita si Axton mismo.
Sino nga ba si Axton? Axton Aguilar is the twin brother of Ayanna Aguilar. Siya ang panganay ng CEO ng MBS Network na si Marco Del Mundo Aguilar.
Vielle had a crush on him since she was ten years old. Same with Lily who has a crush on Charlie Ty. Pareho sila ng kalagayan, mukhang hindi sila napapansin ng mga lalaking gusto nila, dahil nga isang nakababatang kapatid lang yata ang tingin ng mga ito sa kanila.
Inikot ni Vielle ang tingin sa buong ballroom. Kahit pa napapaligiran siya ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at piling VIP guests, hindi niya mapigilang madismaya. Ang pangalan ni Axton ang nakasulat sa invitation bilang last dance niya sa 18 roses. Pero wala siya rito.
“Mabuti ka pa nga kasi pumayag si Kuya Charlie na maging last dance mo sa debut mo. Samantalang ak–”
“Shh, Vielle. Please don’t mention that! Mamaya marinig ka ni Ayanna!” saway ni Lily sa kaniya.
Kumunot naman ang noo ni Vielle. “Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Ayanna na gusto mo rin si Kuya Charlie? You’re best of friends, maiintindihan niya iyon!” sagot pa ni Vielle.
Ngunit mabilis at sunod-sunod na umiling agad si Lily. “No way! I won’t ever hurt Ayanna’s feelings. Alam natin pareho kung gaano niya kamahal si Kuya Charlie, kaya please lang… huwag na nating pag-usapan ‘yan!” mariing pahayag ni Lily.
“Oh, my gosh! Ewan ko sa ‘yo! I think Ayanna will be hurt more if you’re keeping a secret from her!” sabi pa ni Vielle. “Besides, feeling ko, ikaw naman talaga ang gusto ni Kuya Charlie, eh.”
“Stop, Vielle, please! This is your day, and your moment. Kaya lahat ng atensyon ay dapat sa iyo lang, okay?” pagbabalewala pa ni Lily sa sinasabi niya. Halata ang kaba sa mukha nito.
Pagkatapos niyon ay nagsimula na ang debut party ni Vielle. May ilang preliminaries lang ngunit para siyang lutang at wala sa sarili. At kahit noong magsimula na ang 18 roses dances ay halos napipilitan na lang siyang sumayaw at ngumiti.
Ang Daddy Ramvince niya ang kaniyang first dance. The first man that ever truly love her unconditionally.
“Happy birthday, my Avielle! Hindi ko pa rin matanggap na dalaga na ang baby ko. Kung puwede lang sana ay maging baby ka na lang habang buhay, my love!” malambing na pahayag pa ng Daddy niya kanina.
“I love you, Daddy! I will always be your baby, Dad! I am so lucky to have a father like you… I am beautiful because of you! We look identical right? I am your female version!” buong pagmamalaking bulalas pa ni Vielle.
Agad namang natawa si Ram. His heart is full of love for his daughter. Ang unang bunga ng pagmamahalan nila ni Bel. Looking at his daughter was reminding him of how beautiful his life was until now.
“I love you, too, baby! Malapit ka nang mag-college… sana dito ka na lang sa Pilipinas mag-aral,” hiling ni Ram sa anak.
“Dad, napag-usapan na po natin ‘to, ‘di ba? I want to study music in New Zealand or Switzerland, right? So please…” patuloy na paglalambing pa niya sa Daddy niya.
Muli ay mahina namang natawa at tumango na lang ang Daddy niya. Vielle’s first love, in life aside from her family, is art and music. Nagtataglay siya ng isang napakagandang boses, at sa edad niyang 18 ay limang iba’t ibang instrumento na ang kayang-kaya niyang tugtugin.
Dumating na ang 17th rose dance, at pababa na ang countdown sa huling sayaw.
So, wala talaga siya… sigaw ng maliit na bahagi ng utak niya, na sumugat naman agad sa puso niya. She wanted to cry and scream, but she opted herself not to do so.
Ayaw niyang mag-alala ang mga magulang niya, at ang mga taong naririto na ang tanging nais lang ay maging masaya ang buong selebrasyon. Mamaya na lang siya mag-e-emote, kapag wala nang makakakita.
Ngunit bago pa matapos ang musika, isang biglang hindi inaasahang bulto ang lumitaw sa gilid ng ballroom.
Tila nag-slow motion ang mundo ni Vielle nang makita niyang bumukas ang malaking double doors. Lahat ng ilaw ay tila nakatuon sa isang pamilyar na pigura – matangkad, naka-black tailored Armani suit, may malamig ngunit nakapapasong presensya.
Si Axton Delgado Aguilar.
Natahimik ang buong ballroom habang naglalakad siya papunta sa gitna, ang mga mata niyang walang emosyon ay nakatutok lang kay Vielle, pero ang kaniyang presensya ay sadyang napakalakas.
Nagkatinginan sila ni Vielle, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, ngumiti ang dalaga, isang tunay at masayang ngiti.
Dumiretso si Axton sa harapan ni Vielle at inabot ang kamay nito. "You’re waiting for me," bulong niya, malamig pero may halong lalim ang boses.
Hindi na sumagot si Vielle. Hinawakan niya ang kamay ni Axton, at nagsimula silang sumayaw.
Ngunit habang umiikot sila sa ilalim ng chandelier, ramdam niya ang distansyang pilit inilalagay ni Axton sa pagitan nila. Malamig siya, seryoso, at tila ba napipilitan lang ito sa pagpunta roon.
Pero kahit ganoon, hindi inalis ni Vielle ang tingin sa binata. Dahil sa gabing ito, kahit sandali lang… kasama niya ito sa espesyal na okasyon sa buhay niya. Naririto ang tanging lalaking nagpapatibok nang malakas sa puso niya ngayon.
At ang pagkakataong ito ay sapat na para sa puso niyang matagal nang naghihintay. Sapat na, upang maging sa wakas ay makumpleto ang espesyal na araw niyang ito.
Ang eleganteng tunog ng violin at piano ay lumulutang sa buong ballroom habang umiindayog sina Vielle at Axton sa gitna ng dance floor. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila, ang debutante at ang kaniyang last dance, ang lalaking tila galing sa ibang mundo sa kaniyang tahimik na presensya.
Pero habang ang iba ay nakatitig sa kanila, si Vielle ay nakatutok lang din ang tingin kay Axton.
Ramdam niya ang init ng isang kamay nito sa baywang niya, kahit na ang haplos ay halos hindi maramdaman. Malamig. Seryoso. Malayo. Parang kahit pisikal na narito siya, ang isip niya ay nasa ibang lugar.
“Hindi ko akalaing darating ka,” mahina niyang sabi, halos isang bulong lang na sila lang talaga ang nakaririnig.
Hindi agad sumagot si Axton. Sandali itong tumingin sa kaniya, pero hindi nagtagal, ibinaling din nito ang tingin sa kung saan, parang hindi komportable, parang pinipilit ang sarili na matapos na ang pagsasayaw nila.
Masakit.
Ngunit bago siya tuluyang lamunin ng lungkot, napansin niya ang mahigpit na hawak ni Axton sa kamay niya. Hindi iyon isang mainit na paghawak. Hindi rin iyon malamig. Matigas. Para bang may pinipigilan.
“Hindi mo isinuot ang regalo ko.”
Nagtaas siya ng tingin para makita ang mukha ni Axton. May bahid ng tensyon sa boses nito. Hindi niya alam kung iniiba nito ang usapan o may ibig ba itong sabihin.
Napangiti siya nang bahagya. "Nagustuhan ko. Pero mas gusto kong ikaw ang nandito. Kaya naman, perfect na ang birthday ko."
Nagtagpo ang mga mata nila. Para bang may gustong sabihin si Axton, pero hindi niya mabanggit.“Hindi ako mahilig sa parties,” mahinang tugon nito.
“Alam ko.”
Muling lumingon si Axton, at sa ilalim ng malamlam na ilaw ng chandelier, nakita ni Vielle ang isang bagay sa mata nito, isang anino ng damdaming hindi niya lubusang maintindihan.
Ang musika ay unti-unting bumagal, hudyat na matatapos na ang kanilang pagsasayaw. Ngunit para kay Vielle, ito ang unang beses ngayong gabi na naramdaman niyang kumpleto na ang debut niya.
Ngunit habang iniisip niya iyon, isang hindi niya inaasahang bagay ang nangyari.
Habang ang buong ballroom ay pumapalakpak sa pagtatapos ng sayaw, biglang binitiwan ni Axton ang kamay niya, mabilis, na para bang napaso siya.
At bago pa siya makapagsalita, tumalikod na ito at naglakad palayo.
Para bang ang sayaw na iyon ay wala lang sa kaniya. Para bang… isang bagay lang na kailangan nitong gawin para hindi siya mapahiya sa sarili niyang debut party.
Naiwan si Vielle sa gitna ng ballroom, at masakit na sinampal ng katotohanan.
Dumating Si Axton. Oo.
Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin niya maabot ang pader na itinayo nito sa pagitan nila. Bakit nga ba gano’n?
Nang matapos ang ibang seremonya at pagbibigay ng mga mensahe para sa kaniya, at nakapagpahayag na rin siya ng kaniyang response, hindi nag-atubili si Vielle na samantalahin ang pagkakataon.
Dahil 18 na siya, at birthday niya ngayon, pinayagan na siya ng Mommy at Daddy niya na uminom ng alak.
“Hoy, dahan-dahan naman! Ano ba ang problema mo?” saway ni Ayanna sa kaniya. Maging si Lily ay kita niyang medyo nag-aalala na. Pinili nila itong mesa na sila lang tatlo ang magkakasama.
“Kasalanan ng kapatid mo ito, Ayanna, eh! Bakit ba ang cold-cold niya sa akin? Akala ko ba crush niya ako?” naghihinanakit na tanong niya kay Ayanna.
Nakagat naman ni Ayanna ang pang-ibabang labi. Maging siya ay nalilito rin sa inakto ni Axton kanina. Ang buong akala pa naman niya ay magtatapat na ng feelings si Axton kay Vielle.
“Baka stressed lang si Axton… eh, kasi ‘di nga ba nagkakaproblema sa subjects niya ngayon?” pang-aalo ni Lily. Si Ayanna naman ay tumango lang kahit hindi siya sigurado kung iyon nga ba talaga ang dahilan.
“O? Saan ka pupunta?” gulat na tanong ni Lily nang biglang tumayo si Vielle.
“Sa restroom lang ako…” sabi lang niya at hindi na nilingon pa ang mga kaibigan. Tuloy-tuloy lang siya na naglakad kahit medyo sumusuray na dahil sa kalasingan.
“Hi, Vielle! Happy birthday!” bati ng isang bisita na nakasalubong niya papasok sa banyo.
“Thanks.” Ngumiti lang siya at tuloy-tuloy nang pumasok. Medyo nahirapan pa siya sa pagtataas ng gown niya para makaihi nang maayos.
Pagkatapos ay lumabas siya at tiningnan ang sarili sa malaking salamin na naroroon. Namumula ang mukha niya at namumungay ang mga mata niya sa kalasingan.
“Maganda naman ako, ‘di ba? Bakit parang ayaw sa akin ni Axton? May iba ba siyang nagugustuhan kaya hindi niya ako napapansin?” tanong niya sa sarili.
Bahagyang nanubig ang mga mata niya kaya tumingala siya para pigilan ang pagtulo ng mga iyon. Hindi niya nanaiising may makakita sa kaniya na umiiyak.
Paglabas niya ng banyo ay naagaw ang atensyon nang marinig ang isang malamyos na musika. Hindi siya maaring magkamali. May tumutugtog ng violin at ang paborito niyang classical music.
A single note. Then another. Then a melody so hauntingly familiar, it sent chills down her spine. It was Méditation from Thaïs by Jules Massenet. It was really her favorite classical piece.
Napahinto na siya nang tuluyan sa paglalakad. Who would be playing a violin at this hour? And in the middle of Solaire?
She turned her head, following the sound. Malayo ito, hindi mula sa ballroom kung saan naroroon ang mga bisita niya. It was coming from a more secluded area.
Curiosity and a mix of tipsy bravery pushed her to follow the music. “Nakakahilo palang malasing, s**t! Nanlalabo ang paningin ko,” sambit niya habang patuloy na tinatahak ang lugar kung saan niya naririnig ng musika.
She walked past the grand lobby, the polished floors reflecting the unique spark of the chandeliers. Habang papalapit siya ay lumalakas din iyong sound. Napakasarap pakinggan iyon.
Nilampasan niya ang private VIP lounge section, pati ang ilang silid na nakasara at para lamang sa mga high-roller guests. She felt a strange pull in her chest, as if something was guiding her to where she was meant to be.
Then she saw him.
Axton Aguilar.
Nakatayo ito sa isang private lounge na puro salamin ang dingding mula sa kisame, mga bintana at sahig. His black Armani suit contrasted sharply with the golden shimmer of Manila’s skyline behind him.
“What a sight!” bulalas niya. Para siyang nakakakita ng isang buhay na painting sa pagkakataong iyon.
Napangiti siya nang makitang nakapikit si Axton habang tumutugtog ng violin. His face was calm and unreadable, his fingers moving effortlessly over the strings of his Stradivarius violin. The bow glided with such precision, drawing out every aching note as if the violin itself was weeping.
Tila huminto sa paghinga si Vielle.
Axton looked so different.
Hindi ito iyong Axton na malamig makitungo sa kaniya. This was someone lost in his own world, spilling emotions he would never dare to say out loud.
Hindi gumalaw sa kinatatayuan niya si Vielle. Ni hindi na nga yata siya humihinga. Natatakot siya na baka sa maling paggalaw niya ay biglang maglaho ang magic na nararamdaman niya.
And then, there was silence.
Axton drew the bow one last time, holding the final note until it faded into the night. He took a slow breath, lowering his violin…
At doon niya napansin si Vielle.
Vielle wasn’t sure what she expected, shock? Anger? Embarrassment?
Pero nakatitig lang si Axton sa kaniya. Hindi rin ito gumagalaw o ano pa man. Titig na titig lang sa kaniya na animo ay hindi nagulat na makita siya. Mula sa kahali-halinang musika ay isang nakabibinging katahimikan ang naghari sa buong paligid.
Axton’s dark brown eyes were unreadable, his expression carefully blank. But for the first time, he looked caught off guard.
Caught.
Like he had been hiding something all along.
“A-Anong ginagawa mo rito?” sa wakas ay nagawang basagin ni Axton ang katahimikan, pagkatapos tumikhim.
Napasinghap naman si Vielle na tila hindi alam kung paano sasagot, o kung ano ang sasabihin. Ngunit huminga siya nang malalim at matapang na hinarap ang malalim na titig niya.
“I heard the beautiful music… I didn’t know you could play the violin, too…” mahinang sagot ni Vielle. Hindi niya alam kung lalapit ba siya sa lalaki o ano.
“You know nothing about me, Vielle…” sagot lang ni Axton at tumalikod para kunin ang lalagyan ng violin niya.
Nalito si Vielle at hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin. Kaya naman pinanood na lamang niya si Axton hanggang sa maikarga nito sa lalagyan iyong hawak nitong instrumento.
Pagkatapos ay muling bumaling si Axton sa kaniya. “May gusto ka pa bang sabihin?” tanong niya sa dalaga.
Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga dahil mukhang aalis na si Axton. At hindi niya nais na mangyari iyon.
“Let’s talk!” lakas-loob na saad ni Vielle.
Kumunot naman ang noo ni Axton na tila ba naaliw sa kaniya. Ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha nito.
“I don’t think we have anything to talk about,” salag naman agad ni Axton sa sinabi niya.
Ngunit sumisipa na ang tama ng alak sa katawan at isipan niya kaya wala siyang balak na magpatalo kay Axton sa pagkakataong iyon.
“No! Since it’s my birthday, you have to grant me my wish!” matapang na saad niya. Kumibot naman ang kilay ni Axton at muntik nang mapangiti. Ngunit agad niyang napigilan ang sarili.
“Is my gift not enough for you? You want more from me?” tila nanghahamon na tanong ni Axton sa dalaga. Agad namang tumango si Vielle.
“Yes! I want a gift that only you can give!” walang gatol na tugon ni Vielle. Kaya naman lalong na-curious si Axton sa ibig sabihin ni Vielle.
Hindi alam ni Vielle kung dala lamang ba ito ng matinding kalasingan o ano, pero bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito. May mga gabing pinapangarap niyang mangyari ito, at ngayon na ang pagkakataon na gusto niya itong tuparin.
“Fine. Tell me… I will give it to you,” pagpayag naman ni Axton.
“Sigurado ka? Make a promise first!” parang batang tanong ni Vielle. Sa pagkakataong ito ay napapangiti na si Axton.
Ngayon ay sigurado siyang lasing ito kaya mayroong ganito katapang na awrahan. The typical Vielle would never talk to him this way. She’s fierce and brave, but not brave enough to talk this way to him.
“Nakakatakot yata ang gusto mo… mahirap mangako,” kunwa’y sagot ni Axton.
Ngunit hindi nagsalita si Vielle at lumakad papalapit sa kaniya. Natigilan si Axton at lihim na napalunok. Ilang sandali pa ay napakaliit na ng distansya nila sa isa’t isa.
“Takot ka? Oh, my gosh, that’s unbelievable!” kantyaw ni Vielle sa kaniya.
Agad namang tumaas ang kilay ni Axton at tila na-challenge sa sinabi ni Vielle. Napapangiti naman si Vielle nang makita ang reaksyon ni Axton. Halatang nasukol kasi ito sa hamon niya kaya mas lumapit pa siya rito.
Bumilis ang t***k ng puso niya, pero habang nakatingala siya kay Axton ay hindi niya maiwasang hindi kiligin. Napalunok naman si Axton saka umatras.
“What do you want?” malamig na tanong nito sa kaniya.
Lumapad naman ang ngiti niya at pakiramdam niya ay kinakabahan si Axton. Maging siya naman ay kinakabahan pero desidido na siyang gawin ito.
“Kiss me!” walang kagatol-gatol na saad ni Vielle. “I want you… to kiss me.”
Nagulantang ang buong sistema ni Axton sa narinig. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot, o kung paano magre-respond sa sinabi ni Vielle. Sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay ay napatahimik siya nito at naging blangko ang utak niya.
“You don’t know what you’re talking about!” akmang tatalikod na siya nang biglang hawakan ni Vielle ang braso niya.
“Why are you escaping me? Are you in love with someone else? I want you to give me my first kiss!” matapang na saad ni Vielle. Pero ang totoo ay nahihilo na siya. Mabuti na lang at nakakakapit siya kay Axton kaya kahit papaano ay hindi siya natutumba.
“Huwag mo akong hamunin sa isang bagay na pagsisisihan mo sa huli!” may halong galit na saad ni Axton.
“Ows? Ang sabihin mo, takot ka lang. Bakit? Hindi mo pa ba nasubukang makahalik ng babae? O baka naman… “ sinadya pa niyang bitinin ang sinasabi. “Baka naman, lalaki ang gusto mong halikan!”
Sinundan iyon ng tawa ni Vielle kaya mabilis na nagdilim ang mukha ni Axton. Sa buong buhay niya ay wala pang kahit na sino ang uminsulto sa p*********i niya. Ngayon lang. Ngayon lang talaga, at kay Vielle pa nagmula .
“Don’t you dare insult me, Vielle!” nagtatagis ang mga ngiping saad niya.
Ngunit ngumiti lang si Vielle at inilapit pang lalo ang sarili kay Axton. “Then, kiss me… gift me with my first kiss…” pabulong na sambit niya. May halong pang-aakit iyon kaya mabilis na kumabog ang dibdib ni Axton. Napalunok din ito nang mapuno ng mabangong sanghaya ni Vielle ang ilong niya.
“I might not be able to stop, once I started,” tila namamaos ang boses na sagot nito.
Lumapad ang ngiti ni Vielle, at kahit nahihilo ay hindi niya maiwasang humanga sa taglay na kaguwapuhan ni Axton.
“Then don’t stop…” pilyang sagot niya.
Tumiim ang mukha ni Axton at biglang hinapit ang baywang niya. Napasinghap siya at ang mga kamay ay nakapatong sa dibdib ng binata.
“Ang guwapo mo talaga…” nakangiting sambit niya kay Axton. Ngumisi naman ito.
“Talaga?”
Tumango si Vielle.
“Talaga.”
“Then, why do you want me to become your first kiss?” tanong ni Axton.
“Bakit naman hindi?” balik na tanong niya.
“Damn! You will regret this!” sabi lang ni Axton at unti-unting bumaba ang mukha niya.
Napapikit si Vielle habang nakangiti. Sa pagkakataong iyon ay tila lalo niyang naramdaman ang kalasingan. Medyo inaantok siya sa pagkakapikit niya ngunit gising na gising ang diwa niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
Hanggang sa maramdaman niya ang malalambot na bagay sa ibabaw ng mga labi niya. Magkadikit lang ang mag labi nila nang ilang segundo. Walang gumagalaw o lumilikha ng anumang pagkilos.
Maging ang mga paghinga nila ay tila saglit na huminto. Tila naririnig na ni Vielle ang t***k ng puso niya sa lakas niyon. Pagkatapos ay wala sa sariling kumapit ang mga kamay niya sa leeg ni Axton.
Bahagyang nanigas ang binata dahil lalong nagkadikit ang mga labi nila. Hirap na hirap na siyang pigilin ang sarili na huwag pagalawin ang mga labing nakalapat sa malalambot at matatamis na mga labi ni Vielle.
“Hmm…” mahinang ungol ni Vielle nang unti-unting humagod ang mga labi ni Axton. Banayad lang iyon at puno ng pag-iingat… o pag-aalangan.
“Kiss me more… I want more…”
Napadilat si Axton at napatingin kay Vielle. Hindi siya makapaniwalang sasabihin niya ang ganito.
Ngunit muling pumikit si Axton at hinayaang umalpas ang nais niya sa pagkakataong iyon. Humigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa maliit na baywang ni Vielle at dumiin ang hagod ng mga labi niya.
Sa unang pagkakataon ay may isang kakatwang pakiramdam ang nararanasan ni Vielle. Parang kuryente na dumadaloy sa bawat ugat ng katawan niya at nagdudulot ng kakaibang init sa kaniya.
“Ahh!” napasinghap siya ng malakas nang maramdaman ang kamay ni Axton sa batok niya at dumiin pa lalo ang halik nito sa mga labi niya. Madiin at mapusok. May pagkakataon pang tumatama na ang mga ngipin nila sa isa’t isa ngunit tuloy lang sila sa mainit at sabik na paghahalikan.
“Damn it, Vielle!” gigil na sambit ni Axton. “Open your mouth, sweetheart.”
Sinunod naman agad ni Vielle iyon. At muli siyang napaungol nang maramdaman niya ang dila nito sa loob ng bibig niya. Napakasarap na ng dinaranas niyang halik, ngunit hindi niya akalaing mas sasarap pa pala iyon sa ginagawa ni Axton pagkakataong iyon.
“Sweet… just sweet…” narinig niyang bulong ni Axton bago sinipsip ang dila niya. Muli siyang napasinghap dahil parang hihigupin na nito ang buong bibig niya,
“Axton!” singhap pa niya ulit dahil nakikiliti siya sa paghagod-hagod ang dila nito sa dila niya.
Lumalim na ang mga paghinga niya dahil tila may kakaibang pagkabasa sa pagitan ng mga hita niya ang bigla niyang naramdaman. Kung ano man iyon ay hindi niya alam, ngunit parang mayroon pa siyang gustong maranasan.
“I have a room here… can I take you there?” tanong ni Axton sa kaniya. Sa tono nito ay tila ito nakikiusap.
Dumilat si Vielle at sinalubong ang tingin nito. “O-Okay… but kiss me more, please… ang sarap mong humalik!” mapungay ang mga matang pakiusap ni Vielle. Ni hindi na niya alam ang mga pinagsasabi niya dahil para siyang mas lalong nalasing sa mga halik ni Axton.
“Yes… I will kiss you, and more… then, I’ll be out of your life for good…”
Medyo mahina iyong pagkakasambit nito sa huling sinabi kaya hindi ito narinig ni Vielle.
Kumunot ang noo ng dalaga nang tumitig sa magagandang mga mata ni Axton. “Ano’ng sinabi mo?”
Ngunit imbes na sumagot ay umiling lang si Axton at bigla siyang binuhat nang pasaklang sa harapan nito. Kaya hindi sinasadyang naramdaman ni Vielle ang matigas na bagay sa gitna nito.
Imbes na matakot ay nakaramdam pa siya ng kakaibang kiliti dahil nakikiskis iyon sa gitna niya. At para bang lalong nabasa ang panty niya.
Isang madilim at malamig na silid ang pinasok nila. Walang anumang maaninag si Vielle, ngunit maya-maya lang ay naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa isang kama.
“We won’t get that far… I just want a taste of you,” usal ni Axton. At bago pa siya makasagot ay sakop na nitong muli ang mga labi niya.
Kung kanina ay hindi niya alam ang gagawin, ngayon ay tinatapatan na niya ang intensidad ng paghagod ng mga labi ni Axton. Tila walang katapusan ang pagsasalpukan ng mga labi nila. Bibitiwan lang iyon ni Axton kapag hindi na talaga siya makahinga.
Ngunit ang talagang bumabaliw sa kaniya ngayon ay nang dilaan nito ang panga niya, saka biglang humalik sa leeg niya. Isang malakas na singhap ang kumawala sa mga labi niya dahil sa kakaibang sensasyong nadama.
“Axton…” ungol niya at nakagat pa ang pang-ibabang labi. Habang humahalik kasi ito sa leeg niya ay paminsan-minsan pang sumisipsip doon. Kaya naman napapaarko na ang katawan niya at talagang nakikiliti siya.
“Ang lambot-lambot at ang bango-bango mo, Vielle. I’m getting addicted to you even more,” sambit ni Axton at dumako ang halik at pagsipsip sa balikat niya.
Humigpit ang kapit ni Vielle sa mga braso nito at panay na rin ang mga ungol niya. Dumiin ang ibabang bahagi nito sa pagitan ng mga hita niya kaya lalong tila may pumintig sa p********e niya.
Wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman niya ngayon, pero nagugustuhan niya iyon. Pagkatapos ay naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng likod niya mula sa kama, at ibinaba ni Axton ang zipper ng gown niya.
Nakaramdam siya ng kaunting kaba, pero mas lamang ang excitement. Hindi niya alam kung bakit, pero may isang bahagi ng pagkatao niya ang naku-curious sa kakatwang nararamdaman niya ngayon.
“I promise, I won’t get that far…” narinig pa niyang bulong ni Axton bago tuluyang kumawala ang katawan niya sa gown na suot niya. Nayakap niya ang sarili nang makaramdam ng lamig.
Ngunit pinaghiwalay ni Axton ang mga braso niya. nakatitig yata ito sa katawan niya. She’s not sure because everything was dark and a bit blurry.
“Ahh! Axton!” pasigaw na ungol ang namutawi sa mga labi niya nang maramdaman ang mga kamay ni Axton sa magkabilang dibdib niya.
Medyo malamig ang mga kamay ni Axton at tila nanginginig. Is he nervous or what? But she doesn’t care anymore. Pinayagan na niya itong salatin siya nito roon, at wala na siyang pakialam pa sa susunod na mangyayari.
“You have beautiful breasts, Vielle. They’re almost more than a handful. Just perfect, sweetheart…” usal nito.
Napanganga si Vielle nang banayad na imasahe ni Axton ang mga iyon. Dumiin din ang pagkakakagat nito sa mga labi niya. She loves reading novels, and now she could understand how nice this feeling is.
“Axton…” tila pagmamakaawa niya. Hindi niya alam kung para saan. Ang alam niya lang ay ayaw niyang huminto ito sa ginagawa.
“Are you ready to feel something really good?” mahinang tanong sa kaniya ni Axton. Tumango siya kahit madilim, kahit hindi siya sure kung makikita nga ba ni Axton ang pagtangong iyon .’
“I am feeling good…” tugon niya. Tila iyon isang posporo na nagsindi ng mas masidhing init kay Axton.
He went down and put one n****e to his mouth. Napasigaw si Vielle kasabay ng pag-arko ng katawan niya. Napapaangat din ang mga hita niya dahil humugos ang hindi niya inaasahang sensasyon.
Iyong klase ng sensasyon na halos magpatigil ng hininga niya, at lalong nagpabasa sa p********e niya. s**t, ito na ba ang orgasm? Tanong niya sa isip niya.
“Damn, this tastes so damn good!” tila nanggigil na saad ni Axton at parang sanggol na sumipsip doon. Lalong lumakas ang mga ungol ni Vielle at hindi niya namamalayang nasasabunutan na pala niya si Axton.
“Hmm… oh!” humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok nito dahil dumiin din ang pagsipsip nito sa u***g niya. Hindi niya akalaing nakakabaliw pala ang ganitong pakiramdam.
Damang-dama niya iyong pagdaloy ng kiliti pababa sa kaselanan niya. Pagkatapos ay lumipat ito sa kabila at ganoon din ang ginawa. Paulit-ulit niya iyong ginawa, hanggang sa makaramdam na siya ng tila kirot ngunit wala siyang pakialam. Mas nangingibabaw iyong masarap at estrangherong pakiramdam.
“Damn!”
Kanina pa paulit-ulit ang pagmumura ni Axton. Nagtagal pa ito sa mga dibdib niya bago bumaba ang halik sa tiyan niya. Naglaro pa ang dila nito sa pusod niya kaya napapaliyad siya.
Ngunit parang huminto ang pag-inog ng mundo niya nang mas bumaba pa si Axton. Napadilat siya at tinangkang pigilan ito.
“A-Axton, what are you doing?” nalilito at kinakabahang tanong niya.
“It’s alright, sweetheart. It’s my first time doing this, too, so I want to make it memorable…” sagot nito.
Nasanay na ang mga mata niya sa dilim kaya naaninag na niya ang mukha nito. He looked so damn hot while he was just some few inches away from her precious gem. Bigla nga siyang tinamaan ng hiya nang mapagtanto ang posisyon nila.
Nakabukaka siya sa harap nito, habang ang mukha nito ay nakatapat sa kayaman niya. Ngunit hindi nabawasan niyon ang init na nararamdaman niya. Sa palagay nga niya ay tumindi pa nga yata.
******
A/N:
Hello guys,
Sana po ay magustuhan ni'yo at i-add ang love story nina Axton at Avielle Venize.