Two

982 Words
'Ang PUSO parang Paa yan. Napapagod Nangangalay at Dumadating sa puntong NAMAMANHID.... So ito, hindi na naman tayo nagka-intindihan. Naglalabanan na naman tayo ng ating mga salita, palitan na naman ng argumento. Ano pa bang bago? Tatawag ka at sabi mo pakinggan kita. Oh, ginawa ko naman. Itinikom ko ang matabil kong labi at mas ibinukas ang aking tenga para pakinggan ka sa kung ano mang sasabihin mo. May sense man o wala o kahit parang sirang plaka ka na dahil nasabi mo na iyan ilang beses na. Okay, sige, nakikinig ako. Kinompose ko nga ang sarili kong makikinig ako eh. Dinig na dinig ko lahat ng sinasabi mo. Bawat salita na namutawi sa'yo, lahat narinig ko. Kahit na.. may mga mura at tila background music ng "If the feeling is gone" habang nagsasalita ka. May sinabi ka. Isang linya. Matapos mong mabanggit iyon, wala ng pumasok sa isipan ko at syempre hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kinatay ko ang iyong pagsasalita. Kasabay nito, bumitaw ako ng linyang... "Fine, if that's what you want then OKAY. And thanks for the stupid background music." Sabay baba ng telepono. Pucha, teleserye? Wala. wala na akong nagawa. Nilapag ko ang telepono ko na parang hinang-hina. Inalis ko ang salamin ko sa mata at initsa sa lamesa. Wala. Wala na akong nagawa. Hindi ko alam kung bakit. Nagpawis ang aking mata. Oo, unti-unti ng tumulo ang luha. Una kaunti lang eh. Sapat lang. Tapos ngayon ang dami na with matching words sa utak ko na... 'Bakit ganoon? Ang sakit, sakit. Bakit ba naisip ko pa iyon? Bakit ba?' at marami pang iba. Imbes na nagtatrabaho ako ngayon, itinigil ko tapos ginagawa ko ito ngayon habang luhaan. Ang paksyet lang ng feeling. Iiyak na lang ako, ikaw pa ang dahilan. Ikaw nanaman. At ngayon, tawag ka ng tawag sa telepono ko. Di ko na alam kung ilang beses kong pinindot ang end button at kung ilang beses na hinayaan ko na lang na tumawag ka. Sabay ite-text mo ko na hindi ka pa tapos magsalita, sagutin ko tawag mo, na isipin ko na ang tagal na pero lumalaban ka pa rin. Utang na loob ko pa, ganon?, at syempre pakinggan kita. Ano nanaman ang papakinggan ko? Paano pa ako makikinig? PAANO? Ganitong pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang tao ngayon at pakiramdam ko talo ako. Isa akong talunan dahil pinasok ko ang laban ng hindi ko pinaghahandaan. Hindi pa ako nagdala ng first aid kit, hindi pa ako nasanay, hindi pa ako nadala na sa bandang huli ako naman ang uuwing sugatan. Malo-lowbatt na ang telepono ko. Namamaga na ang mga mata ko. Hindi ko na kayang ituloy ang dapat na ginagawa ko. Tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha. Ang dami ko pang gustong sabihin pero wala na rin eh. Hinang-hina ako. Nakakapagod. Pwede bang time-out muna kasi... Ang sakit-sakit eh! Mga dalawang oras din akong nagluksa bago nag ayos ng sarili, niligpit mga gamit ko saka nag OFF AIR sa radio.. Heto na naman naglalakad na naman ako at napadaaan sa waiting shed, may nauna ng nakaupo dun lalake uli, di bale makikisiksik ulit ako dun , ipahinga ko lang saglit ang mga paa kong nangangalay kakalakad. Gaya ng dati tahimik lang sila pareho ng lalakeng katabi nya. May sarili itong mundo at meron din naman sya, kaso ang mundo nya'y unti unting gumuho at hindi na nya napigilan pa! Kasabay ng pagpatak ng mga luha nya ang pag labas ng mga hinanakit na kinikimkim nya. "Dapat sanay nako eh. Dapat literal nalang to.. Lagi ko naman to nararamdaman eh pero bat ganon? Sa lagi nangyayari palala ng palala yung sakit. Sanay naman akong mabalewala eh. Dapat normal nalang to. Dapat di na ko ganito." Humihikbing yumuko sya at dinama lalo ang sakit na nararamdaman. Tulo lang ng tulo ang mga luha nya na hinayaan nya lang, ni hindi na sya nag abalang punasan. Bakit pa nya gagawin kung walang tigil naman sa pag agos ang luha nya. "Siguro nga di lahat ng bagay dapat ipagpilitan. Dadating talaga sa point na susuko kana kahit gaano mo kamahal, kahit gaano kahalaga, kahit gaano mo ginugol yung oras at panahon mo sa taong yon, basta pag naramdaman mo ng masakit na.. Nakakapagod na.. Nakakasakal na pala. Yung hindi ka nagsasalita hindi ka nagsasabi basta bigla kana lang sasabog sa sakit ng nararamdaman mo. Minsan nga talaga di sapat na mahal mo lang ang isang tao. Minsan darating ka din sa point na uunahin mo nalang yung mas makakabuti sayo kasi pagod ka na sa lahat ng nangyayari, sa paulit ulit na nangyayari... Magiging okay gugulo, magiging okay gugulo. Nakakasawa na." Pagkatapos nun ngumawa lang sya ng ngumawa, ni hindi na nya napansin ang lalakeng katabi na nakatingin na ngayon sa kanya. Damang dama nyang pag drama, pang famas na ngang acting nya. May pasa pasabunot pa sya ng buhok, may patampal tampal pa sa dibdib kung san banda ang puso nya, may papadyak padyak pa sya at umatungal ng iyak na parang baka. Sa lahat ng acting na ginawa nya, nakamasid lang ang lalakeng katabi nya na parang isa sa mga judge's ng famas award, at ng makita nitong patapos ng pag arte nya bigla itong tumayo namulsa saka nagsalita.... "Learn to give up if you think you’ve already done your part. Goodbye is not an ending, but a beginning of a love you deserve to have." Matapos sabihin yun ni Aeris, nag lakad na ito papunta sa motor nyang nakaparada sa isang sulok ng kalsada, sumampa na ito sa big bike nya saka pinaharorot palayo sa lugar na yun ng walang lingon lingon. Samantalang ang naiwang si Xue ay nanigas sa kinauupuan habang sinusundan ng tingin ang papalayong motor ni Aeris. "Potek naman! Bakit ba nawala sa isip ko na may katabi akong nakaupo dito? Nakakahiyang ginawa ko! Nakakahiya akooooo...." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD