Chapter 19

2834 Words
"Are you okay?" agad na tanong ni Earl kay Jaq nang makaalis ang mga kasama. Tumango s'ya, "kamusta 'yong babae?" tanong n'ya sa binata. Kitang-kita n'ya ang takot sa mukha ng babae ng hawakan at pinatayo ito ng tinatawag nilang si JADE. "We got a doctor to check on her, possibleng ma-trauma  s'ya pero sana hindi," sagot naman ng binata sa kanya. "Hindi mo sinabi sa akin na kaibigan mo sila Casper," dagdag pa nito at tumingin sa sasakyan Nina Casper.  "Hindi ko alam na kilala mo sila," pagsisinungaling n'ya. Wala rin naman sana s'yang balak na sabihin sa dalawang party na kilala n'ya sila. Ayaw n'yang sabihin kay Casper oh kahit kanino sa dalawa kay Demi oh Lyka na kilala n'ya si Major Earl San Diego at wala rin s'yang balak sabihin dito na kilala nya sina Casper. Pero ngayon, parehong alam na nilang lahat na kilala nila ang isa't-isa. "They're family friend. Go, sumama ka sa kanila, susunod ako sa inyo, I have my bike," anito. Gusto n'ya sanang tumanggi dahil alam n'yang magtatanong ang mga ito lalo na ang mga babae sa kung ano ang ugnayan nila ni Major San Diego. Anong isasagot n'ya dito? Pero sa pagkakataong ganito, maganda yatang sumunod na muna s'ya. "Jaq!" Sabay silang napalingon na dalawa ni Earl sa tumawag sa kanya. Si Adam na kasama ang grupo nila ni Enzo. "Ayos kalang ba Jaq? Si Lyka? Nasaan?" agad na tanong ni Enzo tungkol sa kapatid. "They're going to Casper's house, pwede kayong sumunod doon para safe kayo," si Earl ang sumagot. Nahihinuha n'yang kilala ni Earl ang mga ito. Ganito ba kalawak ang tinatawag nilang "family friends?". Mayaman si Adam, mayaman din kaya si Earl? Sa nakikita n'yang estado ngayon ng binata masasabi n'yang may marami itong pera, pero sa kabila no'n katulad din kaya s'ya ni Adam na natutulog sa pera? "Hindi na kuya, gusto lang naming malaman na ligtas sina Lyka," sagot ni Enzo. Tumango si Earl dito at hinawakan ang braso n'ya para tumalikod na sa mga ito nang biglang hawakan ni Adam ang kabilang braso n'ya. Kaya ang eksena nila ngayon na tatlo ay mukha s'yang pinag-aagawa ng mga ito. "Anong kailangan mo Adam?" tanong n'ya sa binata. "Ayos ka lang ba? Hindi ka nasaktan? Balita namin may babaeng-----" "May babaeng hinostaged pero hindi ako, okay lang ako Adam, thank you for asking," nakangiting sagot n'ya dito at binawi ang braso n'ya. Humakbang s'ya kaya gano'n din si Earl na nakahawak parin sa kanya. "Is he hitting on you?" matigas na tanong ng binata. "Hindi naman, naging kaibigan s'ya ni Kara kaya nakilala ko sila, tsaka kapatid ni Lyka si Enzo," paliwanag n'ya dito at medyo binali n'ya lang ang katotohanan kung paano n'ya nakilala si Adam. Umigting ang panga ng binata kaya hindi na s'ya nagsalita wala na rin namang lumabas na kahit anong salita mula dito. Lumingon s'ya sa backseat nang biglang bumukas ang shotgun seat. Nando'n ang dalawa sa likod habang si Casper ang nasa driver's seat. "Kuya Earl, how about our cars?" tanong ni Lyka. "I'll take care of that, Casper drive safely and be attentive," seryosong sabi nito kay Casper habang nasa gilid n'ya ito nakasilip. Walang salitang tumango si Casper at binuhay ang makina ng sasakyan pagkasara ni Earl ng pinto. Sinulyapan n'ya ito at nakatingin ito sa kanila at nang makalayo-layo na sila ay saka lang ito umalis sa kinatatayuan. "Hindi ako makapaniwala na kagabi lang ay nakita ko si JADE sa malayo, pero kanina, nasa harapan ko s'ya!" padabog na sabi ni Lyka. "Nakakatakot s'ya para s'yang baliw," segundang sabi naman ni Demi. "Paano kaya kung hindi agad dumating ang mga Police,  may mga namatay na, ang tatlong guards, narinig ko kaninang patay ang mga ito," sambit ni Lyka. "Baka pati ako," sabat ni Casper kaya pareho silang tatlong napatingin dito. "Anong pati ikaw?" pagkaklaro n'ya sa sinabi ng binata kahit parang alam na n'ya ang ibig nitong sabihin. Dahil mas malapit sa kanila kanina ang tinatawag na si JADE dinig n'ya na ang hinahanap nito do'n ay ang anak ni Senador Ayala and that's Casper Ayala. "Hindi mo narinig?" seryoso ang boses ng binata sa pagtatanong sa kanya. "Hindi malinaw," agad n'ya namang sagot. "Ako ang hinahanap ni JADE kanina," pag-amin nito na ikinagulat ng dalawang babae sa likuran, maliban sa kanya. "Kaya kung hindi agad dumating ang grupo ni kuya Earl ay baka bangkay na rin ako ngayon," dagdag sabi nito. "Babae lang 'yon, kaya mong makipaglaban sa kanya," pagalit na sabi ni Demi sa binata. "Si Alfie Rodriguez na tinalo ako sa ring napatay ni JADE, sa tingin n'yo anong laban ko sa kanya?" nahihimigan n'ya ang galit na nanggagaling sa salita ng binata "Guys, may nakasunod sa 'tin," natatakot na sabi ni Demi kaya lumingon s'ya. Nakilala n'ya kaagad kung kaninong bike ang nakasunod sa kanila. "That's Earl," plain n'yang sabi. "Hindi mo sinabi na magkakilala kayo ni kuya Earl," dinig n'yang sabi ni Demi. "Hindi ko rin naman alam na kilala n'yo s'ya," katulad nang sagot n'ya kay Earl. Sinisilip n'ya ang bike nitong nasa gilid na bahagi n'ya, nag aadjust ang bilis nito sa takbo nila para hindi ito mauna. Pagdating nila sa tapat ng gate nina Casper ay agad itong bumukas, dire-diresto ang pasok ng sasakyan. "Kaninong sasakyan yan, Casper? Akala ko wala ang parents mo?" nagtatakang tanong Demi sa kaibigan. "Hindi ko kilala ang sasakyang 'yan, hindi ko alam kung kanino 'yan," sagot naman ng binata. Napalingon s'ya sa bintana n'ya nang may kumatok dito at sabay-sabay silang lumabas ng sasakyan nang makitang si Earl 'yon at sumisenyas na lumabas na sila. "How are you feeling?" agad na tanong nito nang makalabas na s'ya. Nakita n'ya ang nagbabadyang ngiti sa mga labi ng mga babae kaya sinamaan n'ya ito ng tingin. Agad namang sumeryoso ang mga mukha nito. "Kanino ang mga sasakyan na 'yan, kuya?" tanong ni Casper kay Earl at tukoy ang tatlong nakaparadang sasakyan. Lumingon ang binata dito at luminga sa paligid na parang may hinahanap. Sinundan n'ya ang galaw na 'yon at nakita n'ya ang iilang kalalakihan na may mga baril sa tagiliran at nagbabantay. Private body guards? "Kay Lizie ang sasakyan na 'yan...." turo nito sa pula at tinted na bmw na napapagitnaan ng dalawang puro itom na van. "At 'yang van, sa mga body guards n'ya," dagdag paliwanag ng binata. "Nandito si ate Lizie? Paano s'ya nakapasok?" nagtatakang tanong ni Demi. "Pumasok na kayo, doon na kayo sa loob mag-usap, delikado dito sa labas," utos ni Earl na agad sinunod ng tatlo maliban sa kanya na hindi gumagalaw sa kinatatayuan n'ya. Lumingon sa kanya ang binata at kumunot ang noo sa pagtataka kung bakit hindi pa s'ya sumunod sa mga kasama. "Uuwi ako," aniya kaya sumeryoso ang mukha ng kaharap. "Yeah, we're going home . Pero ngayon, pumasok ka muna doon. I'll just have to make sure that they're safe before we leave, would that be okay? I'm sorry for dragging you into this mess," malumanay na sabi nito habang hinahawi ang buhok nyang pumatong sa abaga n'ya. Pagpakapasok n'ya ay nakita n'ya ang talong kasama pati ang nakilalang si Lizie sa sala. Si Demi at Lyka lang ang nag-uusap at nang makita s'ya ay tinapik ni Demi ang bakanteng pwesto nito sa mahabang sofa na inu-ukopa nilang dalawa ni Lyka. "Magpapaluto lang ako ng pagkain, guys, excuse me," dinig n'yang sabi ni Casper kaya napatingin s'ya dito. Nakatingin sa kanya ang binata kaya tinanguan n'ya ito na ibinalik naman ng huli. "Hi, we met again," nakangiting sabi sa kanya ni Lizie. "Hi, how are you?" Halos kutosan n'ya ang sarili nang 'yon ang biglang lumabas sa bibig n'ya. Obvious naman na hindi okay ang kaharap n'ya nagawa n'ya talagang magtanong kung kamusta ito. Mahina itong natawa saka tumingin sa baba, "I'll be perfectly fine, soon," sagot nito. "Ate, bakit ka nga pala nandito? Sino ang naiwan doon sa...." tanong ni Demi kay Lizie. Kanina pa ang mga ito nakapasok ngayon lang nila nagawang kausapin oh tanungin ang kasama nila? "Nagpunta ako sa presinto para personal na makausap si Major. I personally asked him to bring JADE behind bars," malungkot na sabi nito at mabilis na pinahid ang isang butil ng luhang nahulog mula sa kanang mata nito saka ngumiti ng pilit. Lumapit si Lyka dito saka hinagod ang likuran para mapaagan ang loob ng dalaga. "Inatake kami ni JADE sa school, hinahanap n'ya si Casper, ate," nanlaki ang mga mata ni Lizie sa narinig. "WHAT?!" gulat na sabi nito at napatayo. Inaalalayan naman ito ni Lyka para maupo ulit. "How are you guys? Si Casper? So that's the reason why I suddenly got a phone call from Major and he told me to come over here since this is the nearest in my location," nanlumong sabi nito. "We're okay, but 3 guards are dead and she used our girl schoolmate as her shield for her to escape," paliwanag naman ni Demi. "For Casper, I guess natatakot na s'ya ngayon. Yes, we all know that Casper can fight, hand to hand combat? That's a piece of cake for him. He can shot guns, but the fact that Alfie Rodriguez died in JADE's hand and knowing that Alfie defeated him in the ring, that scares him the most," dagdag paliwanag ni Demi nito. Napatakip sa bibig ang dalaga sa narinig, "does tito Solomon and tita Dolce know about this mess? Are they going home, yet? Casper is in danger! Oh my God!" frustrated na sabi nito at naiiyak. Gusto man n'yang daluhan ang babae ay hindi n'ya magawa, ni hindi s'ya makapagsalita. Tanging pakikinig lang sa mga ito ang ginagawa n'ya ngayon dito. "Kuya Earl's team went to the school on time kaya napalayas nila kaagad si JADE, though may nasaktan," malungkot na sabi ni Lyka. "Nasaan nga pala si kuya Earl, Jaq?" napatingin s'ya kay Demi nang tanungin s'ya nito. "Major's here?" mabilis din namang bumaling ang mga mata n'ya kay Lizie dahil sa mabilis din nitong response na tanong. "Oo, sinusundan n'ya kami papunta dito," sagot ni Lyka dito. "Ang sabi n'ya, titingnan n'ya ang paligid para masiguradong ligtas kayo dito," nakangiti n'yang sabi sa mga babae. Nahinto ang tingin n'ya kay Lizie nang mahuli n'yang nakatingin din ito sa kanya. "You know Major San Diego?" tanong nito sa kanya at bago pa s'ya makasagot ay inunahan na s'ya ni Demi. "Boyfriend mo si Kuya Earl 'di ba?" nakangising tanong nito sa kanya. Tumingin s'ya kay Lizie para makita ang reaction nito sa tanong ni Demi and to her surprised nakangiti ito sa kanya. "Really? I thought you're Casper's girlfriend," sagot naman nito. Pareho silang napatingin sa bukana ng kusina ng makarinig sila ng pagbuga ng tubig. At nakita nila si Casper na naibuga ang tubig na iniinom at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanila. Humalakhak sa pagtawa sina Lyka at Demi, "ano ba yan Casper ang kalat mo naman!" pagalit na sabi ni Demi nang makabawi sa pagtawa. "Ano ba kasing pinag-uusapan n'yo. Ate Lizie bakit mo naman napagkamalan na girlfriend ko si Jaq, baka barilin ako ni Kuya Earl pag narinig 'yang sinabi mo," pabirong saway ni Casper sa sinabi ng ate Lizie nito kanina. Mahina namang natawa si Lizie saka umiling, "that's a good news by the way, akala ko talaga si Annie ang magiging girlfriend ni Major mabuti nalang hindi," seryosong sabi nito. May galit din ba 'to kay Annie katulad ng iba n'yang mga kasama. "Naku ate, hindi papatulan ni Kuya Earl ang malanding pinsan mo na 'yon," pairap na sabi Demi na sinang-ayunan naman ni Lyka at ni Casper. Lagi talagang magkakampi ang tatlong 'to at nagawa pa nilang isingit sa usapan ang ganyang biro. "But Casper, does your parents know about what happened?" seryosong tanong ni Lizie kay Casper. Nag kibit balikat ang binata saka ininom ang dala nitong tubig. "Probably, wala namang nangyayari sa akin na hindi nakakarating sa kanila. Baka si kuya Earl na rin ang ang report kay Dad sa nangyari kanina, that was a death threat," sagot ni Casper. Tumango-tango si Lizie at tumayo. "Where's Major, Jaq? Baka pwede na akong umalis, kailangan ako doon, " tukoy nito sa burol ng ama na pinuntahan nila kagabi. Sakto naman ang pagbukas ng pinto at iniluwa no'n ang hinahanap nitong si Earl. Seryoso itong nakatingin sa kanila. "Ang gwapo talaga ni kuya Earl," kinikilig na bulong ni Lyka pero dinig n'ya. Earl in his black top na hapit sa katawan at naka insert sa uniform pants nito, ang gwapo naman kasi talaga. Pumuti sya tingnan sa itim n'yang t-shirt at nagsusumigaw ang muscles nito sa braso habang umiigting ang perfect square jawline nito. "Is it safe to go home na?" salubong na tanong ni Lizie sa binata. Huminto ito sa tabi n'ya. "Yes, you can now go, I have already instructed everything to your bodyguards, it's a 45 minutes drive, Lizie, stay attentive," paalala ni Earl dito. "Hindi ka ba kakain muna ate? Nagpaluto na ako ng food," habol naman ni Casper. "Thank you Casper, but I really need to go, saglit lang ang paalam ko doon, I have to look for dad," mapait na ngiti ang binigay nito sa kanila saka isa-isa itong nag beso. "Keep your boyfriend tight, Annie's obsess with him," bulong nito sa kanya kaya binigyan n'ya ito ng tango at ngiti. "Mag-iingat ka ate Lizie," sabay na sabi nina Lyka at Demi habang si Earl at Casper ay sinamahan ang dalagang palabas ng bahay. "Ang strong n'ya talaga, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ako ang nasa kalagayan n'ya," mahinang sabi ni Demi habang nakatingin sa likod ng papalabas na si Lizie. "Kailangan n'yang maging matapang kahit mahirap sa kanya. Matalino si ate Lizie at ngayong mag-isa nalang s'ya, wala s'yang ibang makapitan, ay mas alam n'yang hindi s'ya pwedeng magpatalo sa mga pinagdadaanan n'ya," dagdag naman ni Lyka. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Lyka. "Si kuya Enzo, hello kuya?" sagot nito. "Ha? Sigurado ba kayo? Safe naman na siguro – oh sige, sige sabihan ko na din si Demi, thank you kuya, bye," "Anong sabi? Anong sasabihin mo sa 'kin?" agad na tanong ni Demi nang ibaba ni Lyka ang cellphone. "Sabi ni kuya, dito daw muna tayo, 'wag daw muna tayong lumabas dahil baka nagmamasid lang sa atin si JADE, ipapahatid daw nila dito ang mga gamit natin," mahabang paliwanag ni Lyka sa kaibigan. "Alam na nila mommy? Nasa Europe sila," inilabas ni Demi ang cellphone pero wala naman s'yang natanggap na message mula sa magulang. "Baka tinawagan ni mommy, Jaq, ipakuha nalang din natin ang gamit mo," dinig n'yang sabi ni Lyka. Ngumiti s'ya sa dalawa at umiling, "u-uwi ako mamaya," bigla namang nanlaki ang mga mata ng dalawa. "Pero Jaq! Baka delikado sa-----" "Kasama ko si Earl," pagputol n'ya sa sasabihin ni Demi. "Sigurado ka? Baka bigla kang sugurin ni JADE. Jaq, hindi s'ya biro. Wala sa isip n'ya ang pagdadalawang isip na pumatay. Agresibo na s'ya ngayon, lumalabas na s'ya ano mang oras," mahinahong paalala nito sa kanya. "Don't worry, kaya ko ang sarili ko at hindi ako pababayaan ni Earl," paninigurado n'ya dito. Kailangan n'yang umalis at umuwi sa bahay n'ya. Hindi s'ya pwedeng manatili dito, tama ang mga ito may posibilidad na pupunta ang tinatawag na JADE sa kanya at kung mangyayari man 'yon, hindi 'yon pupunta dito. Nagparamdam na ito sa kanya isang beses at possibleng maulit pa 'yon. Kanina sa school ipinagtaka na n'ya ang pagbaba nito ng baril nang saktong tumutok 'yon sa kanila. Hindi n'ya nakita ang mga mata nito kaya hindi n'ya mahuhulaan ang dahilan, pero mukha itong nagulat. "Kumain muna kayo kuya, Jaq, bago kayo umalis para hindi na kayo magluluto," agad na sabi ni Casper nang makabalik silang dalawa ni Earl. "Let's eat first?" dinig n'yang bulong ng binata kaya tumango s'ya. "Are you sure you need to go home? Babe, mas safe ka dito," nahihimigan n'ya ang pangungumbinsi ng lalake na manatili dito kaya nginitian n'ya ito para bigyan ng assurance. "I swear, okay lang alam mong kaya kong protektahan ang sarili ko," sagot n'ya dito. Napatingin s'ya sa cellphone ng binata na nasa loob ng bulsa nito ng bigla itong tumunog. "It's Biel," tumango s'ya at sinundan ng tingin ang binatang humakbang papalapit sa salamin na dingding ng bahay na 'to. "Tara Jaq, kain na tayo," pagyayaya ni Lyka na galing sa kusina. Tumango s'ya at itinuro si Earl na may kausap. Tant'ya n'ya ay dalawang minuto lang nitong kausap ang kabilang linya dahil bumalik ito agad na may naguguluhang mukha. "I have to go the precinct," tinanguan niya ito. "Ihatid mo nalang ako sa may kanto," mahinahong sabi n'ya at biglang hindi ito naging kumbinsido sa sinabi n'ya. "Jaq----" "I promise, I'll be safe," paninigurado n'ya dito. Napapikit ng mariin ang binata at nag buntong-hininga saka ito nagsalita na ikinangiti n'ya. "This is against the law at alagad ako ng batas but, I'm giving you my other gun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD