|Tamara| “Pasensiya ka na, hija ha. Ikaw pa yung dinistorbo ko ngayong tanghali. Hindi kasi ako makampante na si Neil lang ang pinagtatanungan ko” He laughed shyly. “Mas mapapaniwala kasi ako kung marami ang nagsasabi na ayos lang ang anak ko” “Naiintindihan ko po, Tito Raymund. Kung gusto niyo po na magtanong tungkol sa anak niyo libreng libre po ako” magiliw ko’ng sabi kay tito Raymund. IT just feels so nice na kahit hindi pa ako talaga kilala ni Tito Raymund, pwera na lang sa magkaibigan sila ng aking ama, ay pinagkakatiwalaan niya ako para sa kaniyang anak. To be honest, it really feels great. Pakiramdam ko nagiging malapit na talaga ako sa pamilya ni Geoff. Hindi ko nga akalain na ang tadhana pa gagawa ng daan para makilala ko ang mga espesyal na tao sa buhay ni Geoff. It felt lik