|Tamara| Saktong alas siete ng umaga ay napagdesisyunan ko na na bumalik na sa resort. Halos magdadalawang oras na pala akong tumatakbo at pasikot sikod na di ko na namalayan ang oras. Napabuntong hininga na lang ako nanb mapagtanto na lumampas na ako sa propyedad ng resort. Kung hindi pa ako siguro nakaramdam ng pagod ay hindi pa ako titigil at baka mapadpad pa ako sa kung saan. Dahil sa layo ng aking narating ay hindi pa ako tuluyan nakakaabot sa resort na aming pinagbabakasyunan ay huminto muna ako sa katabing resort nito para sumilip sa mga pasildidad nito. Halatang pang marangya rin ang resort na ito. The whole resort was like inspired from the resorts I have been in Bali, Indonesia. Meron itong malawak na infinity pool kagaya sa kabila pero mas moderno lamang ang pagkakadisenyo.