|Tamara| “Uhm. Sir bibili po ba kayo?” nagdadalawang isip na tanong ng matandang tindero sa harap namin. Nabaling naman kami sa kaniya agad. “Uhm. Magkano to, manong?” napahawak ito sa kaniyang baba at tsaka niya tinuro ang isang pulseras na gawa sa maliliit na kabibe. “250 pesos lang sir” magiliw na bigkas ng matanda. Nang walang ano-ano ay tumango naman si Geoff at tsaka kinuha ang kaniyang pitaka sa kaniyang bulsa. “I’ll take two. Just keep the change” aniya sabay bigay ng 1000 peso sa matanda. Lumiwanag naman agad ang mga mata ng tindero dahil sa sinabi ni Geoff. Napaisip rin ako bigla na dapat bibilhan ko rin si Thea. Na inspired kasi ako kung gaano ka thoughtful si Geoff bilang pinsan at kaibigan kay Neil. He bought one for himself at yung isa ay para kay Neil. “Naku, marami