Marissa Buenavista’s Point of View
After hearing kuya Connor’s answer, I immediately bid him a short goodbye. Wala talagang sense kausap ang taong iyon. Ang haba-haba ng sinabi niya sa akin kanina tapos hindi niya naman ako seseryosohin, tch.
Sinundan ko si kuya sa parking lot pero sinigurado ko pa rin ang distansiya naming dalawa sa isa’t-isa. I’m glad that he did not notice my car.
Pumasok siya sa sasakyan niya at nagmaneho paalis. Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ko at sinundan na naman siya. Gusto ko lang namang malaman kung saan pupunta si kuya at kung tama nga ba ang hinala ko na may babae na siya sa buhay niya. I mean, I am not against it because I wanted to see my brother happy but what if, that girl doesn’t deserve the love that my brother is giving her. At ayoko sa mga babaeng ang taas-taas ng tingin sa sarili. Baka si grandma pa ang sumampal sa kanya kapag ganyan siya umasta sa bahay namin.
But, I am confident that kuya will choose someone who is worthy of the love that he will give. Hindi naman tanga ang kapatid ko, minsan nga lang pero alam ko at ramdam ko na tama ang magiging desisyon niya ngayon. I hope so.
Hindi kalayuan ang binyahe namin dahil nakapasok kami sa isang subdivision na malapit lang sa simbahan. Mayaman ba ang babaeng pupuntahan niya? Ang alam
mo kasi ay lahat ng nakatira sa subdivision na ito ay mayayaman.
Kuya stopped the car in front of a big house kaya napahinto din ako sa malayo. I am two blocks aways from kuya’s car pero kitang-kita ko pa rin dito ang sasakyan niya. Sana naman ay hindi niya talaga ako napapansin.
Bumusina si kuya pero hindi naman siya lumabas ng sasakyan. Baka hindi naman talaga girlfriend ni kuya o ano ang babaeng kukunin niya. Baka sideline lang ni kuya ang pagiging taxi driver o ano. Bakit ba ang dami namang ideya na lumalabas sa utak ko? Mas lalo yata akong naguluhan dahil sa nga iniisip ko. Bahala na nga! Titingnan ko lang kung ano nga ba ang ginagawa ni kuya dito.
Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay dahil may lumabas na isang babae mula sa bahay kung nasaan ang kotse ni kuya. Babae?! Which means. . . girlfriend ba siya ng kuya ko?! Omg! Seryoso?!
Nang makapasok ang babae sa sasakyan ni kuya, pinaandar ko na ang sasakyan ko dahil akala ko deretso na silang aalis. Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin pinapaandar ni kuya ang sasakyan niya. Wait. . . are they doing what I am thinking right now? Omo, omo. No way. No way! Pero bakit ang tagal naman nila umalis? Nag-usap pa ba sila? O baka may lovers quarrel? Omg!
“I don’t know. Maybe because I don’t want you to go beyond your line. Invading your brother’s privacy may lead to misunderstanding and chaos. Don’t wait until your brother tell you all about these things. Because honestly Marissa, what you are doing right now is beyond the role that you have in Marco’s life.”
“Now go home and wait until your brother will tell you everything.”
“I don’t know. Maybe because I don’t want you to go beyond your line. Invading your brother’s privacy may lead to misunderstanding and chaos. Don’t wait until your brother tell you all about these things. Because honestly Marissa, what you are doing right now is beyond the role that you have in Marco’s life.”
“Now go home and wait until your brother will tell you everything.”
“I don’t know. Maybe because I don’t want you to go beyond your line. Invading your brother’s privacy may lead to misunderstanding and chaos. Don’t wait until your brother tell you all about these things. Because honestly Marissa, what you are doing right now is beyond the role that you have in Marco’s life.”
“Now go home and wait until your brother will tell you everything.”
Paulit-ulit ko namang naririnig ang mga sinabi ni kuya Connor sa akin kanina. I totally understand his point to the extent of backing out from my plan but curiosity is overpowering me. How can I control myself if I am hear now? I am very near to what the truth is.
Napapikit ako at inalala ang sinabi ni kuya Connor sa akin. I stared at the car of my brother at nagsimula na itong umandar. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong lakas na sundan ito. Nawala ang excitement ko kanina nang maalala ang mga tugon ni kuya Connor sa akin. Tch. That brother of mine is really annoying! Argh!
Nawala na talaga ng tuluyan ang kotse ng kapatid ko sa paningin ko. I sighed for the nth time and decided to leave the place as well.
“Now go home and wait until your brother will tell you everything.”
Oo na po kuya Connor! Aalis na nga diba? Hindi ko na po talaga susundan ang kotse ng kuya ko. Sorry na po, okay? Argh!
Hindi ko na tiningnan pa kung makikita ko pa ba ang kotse ni kuya mula sa malayo dahil wala na rin naman akong plano na sundan ito. Ang kill joy naman kasi ni kuya Connor. Hmp!
Bumalik ako sa bahay namin at walang tao sa living room. Malapit na ang tanghalian at mukhang hindi pa nagluluto si grandma. Mabuti naman para ako na ang magluto para sa aming lahat. I checked the room of the twins first at tulog pa sila. Napagod siguro ang dalawa dahil maaga kami sa simbahan kanina. What do they expect lalo na kung si grandma ang kasama namin?
“Andito ka na pala. Gutom ka na ba?” tanong ni grandma matapos niyang lumabas sa cr dito sa kwarto nila.
“Ako na po ang magluluto grandma.” lumapit ako sa kanya at nagmano. Lumabas kaming dalawa mula sa silid at deretso ang lakad namin sa kusina.
“Hindi naman dito kakain ang kuya mo kaya maliit lang ang lulutuin natin. Hindi ko alam kung kakain ba ang dalawa ngayon.”
“Bakit po grandma?”
“Pag-alis mo at ng kuya mo, kumain kasi ang dalawang iyan at bumalik na naman sa pagtulog pagkatapos.”
“Ang dali-dali naman po nilang nakatulog?”
“Napagod kasi ang mga iyan. Ang tagal natulog kagabi tapos ang aga pa natin nagising kanina.” grandma said while she is preparing the ingredients that we need for cooking.
I helped her through washing the vegetables that she put on the tray. We started cooking while talking to each other.
“Saan ka nga pala pumunta Marissa?” tanong ni grandma na naging dahilan para mahinto ako sa paghiwa ng sibuyas. Nakatitig lang ako sa kutsilyo na hawak-hawak ko at mas lalo kong gusto na maiyak dahil sa tanong ni grandma. Mas naiiyak pa ako sa tanong niya kesa sa sibuyas na hinihiwa ko ngayon.
Ayoko kasing magsinungaling kay grandma. She will be the last person whom I wanted to lie because I love her. Hindi ko pa nasubukan na magsinungaling kay grandma at hindi ko alam kung sasabihin ko pa ang totoo sa kanya o hindi.
“Marissa?” tawag ni grandma sa akin dahil nakatango lang ako at nakatitig sa sibuyas. Damn, what should I do?
“About that. . .” I said and then looked at her.
Abala si grandma sa paglalagay ng manok sa kawali kaya hindi siya nakatingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko kaya nabalik ako sa maayos na katinuan. What to do? What should I do?
“About that. . .”
“Yes. I am asking you about your whereabouts when you left earlier. You usually stay inside your room after going to the church and you don’t have any activities during sunday.” saad ni grandma at nagtagpo ang mga mata namin.
Mas lalo lang akong kinabahan dahil nakatitig si grandma sa mga mata ko. And I am really sure that I really can’t lie with her.
“I went out to follow kuya.” I said while closing my eyes. Ayokong salubungin ang mga mata ni grandma dahil alam kong magagalit talaga siya.
“Why?” she asked as she sat down at the chair here in the counter.
“I am really sorry grandma. Hindi ko lang po kasi talaga mapigilan na sundan si kuya. You see, he’s been acting weird lately and I—“
“I know.” grandma said interrupting what I was just about to say.
“What?”
“I said I know. Alam ko.”
“What?”
“Alam kong iba ang mga kilos ng kuya mo ngayon. And what about that?”
“Are you serious grandma? That is new for me!” I shouted. Hindi ko sinisigawan ang lola ko okay? I was just expressing what I really feel. I mean, hindi ba ako pwedeng ma curious sa mga bagay lalo na kung tungkol ito sa kapatid ko?
“Then ask your brother about that.” wika ni grandma at tumayo para tingan ang niluluto niya.
“I can’t ask him.” I said almost whispering.
“Then you will not know.”
“That is the reason why I am scheming behind his back.”
“And will that result to your mind being at peace?”
“I guess so.”
“It wont.”
“How can you say that?”
“I don’t know. Maybe because I don’t want you to go beyond your line. Invading your brother’s privacy may lead to misunderstanding and chaos. Don’t wait until your brother tell you all about these things. Because honestly Marissa, what you are doing right now is beyond the role that you have in Marco’s life.” saad ni grandma at mas lalo akong nabigla dahil sa mga sinabi niya.
Those are the exact words that kuya Connor said to me. Iisa lang ba sila ng katawan? Kasi lahat talaga ng salita na sinabi ni grandma kanina ay parehong-pareho sa sinabi ni kuya Connor sa akin kanina noong nagkita kami sa restaurant. What the hell?
“Why are you staring at me? May masama ba sa sinabi ko?”
“Are you kuya Connor? Baka you disguise yourself as my grandma.” I said and pointed at the person in front of me. Baka si kuya Connor lang talaga to na nakasuot ng costume dahil gusto lang niyang turuan ako ng leksiyon.
“Ano naman iyang mga sinasabi mo?”
“Iyan kasi ang mga sinabi ni kuya Connor sa akin kanina.”
“Nagkita kayo?” tanong ni grandma at parang na-excite siya matapos marinig ang pangalan ni kuya Connor.
“Opo grandma.”
“What he said is true. Don’t go beyond your line Marissa. Baka magalit ang kuya mo sa’yo.” saad ni grandma sa akin.
“Alright. Hindi ko na po susundan si kuya sa susunod.” saad ko at ipinagpatuloy na lang ang paghiwa sa sibuyas na iniwan ko kanina.
“Kung curious ka man sa mga bagay na tungkol sa kuya mo, you can ask him. Alam mo naman na sasabihin talaga ng kuya mo sa iyo ang lahat. Just don’t do things behind his back. Baka magalit pa ang kuya mo sa iyo at hindi na siya magtitiwala pa sa sarili niyang kapatid.”
“I’m sorry grandma. Hindi ko na po talaga uulitin. Sorry po talaga.” I said to her.
“Kapag umuwi ang kuya mo mamaya, tanungin mo siya para mawala iyang gulo sa isip ko.”
“I will. Thank you grandma.” I said and went near her to hug her.
I am glad that I have the best family.