Marissa Buenavista’s Point of View
“Good morning grandma.” I said greeting my grandma who is sitting on the the single couch here in the living room.
“Good morning. Kakaalis lang ng kuya mo. Kakalabas lang talaga ng pintuan. Akala ko ba ay tulog ka pa?” tanong niya sa akin at nagmano na muna ako sa kanya.
“Maaga po akong nagising.” wika ko at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain.
“Ang bilis mo naman yatang nakapagbihis?” tanong niya at tiningnan niya ang suot ko mula ulo hanggang paa.
“May lakad po kasi ako grandma. Dadalhin ko nalang tong mga pagkain.” deretso ang lakad ko papunta kay grandma at hinalikan siya sa pisngi. Lumabas na ako mula sa unit at tiningnan ang daan kung wala na ba si kuya. Pumasok ako sa elevator at dumeretso sa basement kung nasaan ang sasakyan ko. Hindi din agad ako naglakad sa parking area dahil baka makita ako ni kuya.
At tama ngang hindi ako dumeretso sa paglakad dahil nakita ko sa kuyang papalakad pa lang papunta sa sasakyan niya. Tumingin pa siya sa sasakyan ko na nasa tabi niya pero wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang tingnan lang ito. Bigla siyang tumingin sa direksiyon kung nasaan ako kaya napatalikod ako at nagtagp sa malapad na poste sa tabi ko.
That was close!
Muli akong tumingin at dahan-dahan ng lumalabas ang sasakyan ni kuya mula sa parking lot. Mabilis akong tumakbo papunta sa sasakyan ko at dali-daling pinaandar ito.
Sinundan ko ang sasakyan ni kuya at wala akong alam kung saan ba talaga siya pupunta. And yes, my plan for today is to follow my dear brother? Want to know why? Simple. Just because I can feel that he is being weird. I mean, hindi naman siya ganito umakto noon pero simula noong nag summer job siya sa hindi ko alam kung saan, he became weird. I mean, in a way that he do things unexpectedly. Like, smiling for no reason or painting an image of a woman that I don’t know at hindi ko pa nakikita simula noon.
Ramdam ko kasi talaga na may kakaiba kay kuya. Malamang, kapatid niya ako at malalaman ko talaga dahin hindi naman nalalayo ang agwat naming dalawa dahil isang taon lang din naman iyon. Kahit na seventeen pa lang ako, may student’s license na ako boy. Huwag ako. I took driving lessons just to get my license fairly at hindi dahil may kilala ako sa opisina na kinunan ko ng lisensya. Gusto pa nga ni grandma na tulungan kaming dalawa ni kuya sa pagkuha ng lisensya pero alam ko talaga na kapag nakita ng ibang tao si grandma, tiyak na hindi na namin kailangan pang pahirapan ang mga sarili namin. But, kuya and I don’t like that. Ayaw ni kuya na pinapaboran siya ng mga tao dahil lang may pera kami noon at kaya naming gawin ang lahat.
And that’s what my brother thought me as well.
Para sa akin, using your power for your own good will lead you to nowhere. Wala kang mararating kapag umaasa ka lang sa kapangyarihan na mayroon ka kahit na hindi mo naman talaga pinaghirapan ang lahat. Hindi naman ito talaga para sa lahat pero kasi, karamihan din ang ginagawa ang bagay na ito. They always take advantage of what their parents gave to them and what they have without even thinking if they already step on other people. Wala silang ibang inisip kung hindi ang kapakanan lang nila at hindi nila nalalaman kung may naaapakan na ba silang ibang tao.
Mas bumilis ang pagpapatakbo ni kuya sa sasakyan. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para makita siya mula sa malayo. Ayokong bilisan ang pagtakbo ko dahil palagi kong naririnig sa isipan ko ang mga bilin ni grandma sa akin. Ayoko naman na hindi sundin ang utos niya kahit na hindi naman niya ako nakikita.
I looked at the place where we are heading to and I think kuya will go the church? Pupunta lang pala siya sa simbahan?! Ang layo ng binyahe ko para sa kanya pero wala naman pala akong mapapala. Shoot!
Kuya stopped at the restaurant in front of the church. He went inside after and luckily, my position is very accurate for me to see him to where he is right now. Kitang-kita ko mula dito si kuya. Hindi naman ako nag-alala kung makikita niya ako dahil nakatalikod siya sa direksiyon ko.
May lumapit na tindera sa sasakyan ko at kinatok ang bintana ng sasakyan ko. Tinted kasi ang bintana kaya hindi ako kita mula sa labas. So I decided to open the window and also ask the vendor kung may mass pa ba ngayon.
“Manang may misa pa po ba?” tanong ko sa kanya.
“Oo ineng. Nagsimula na kanina ang pangatlo, mamayang hapon pa ang susunod na misa.” pagpapaliwanag ni manang sa akin.
“Sige salamat po manang. Bakit nga po pala kayo kumatok sa bintana ko?”
“Hindi kasi pwede ang sasakyan sa harap ng simbahan ineng. May parking lot naman ang simbahan, pwede mo doon e park ang sasakyan mo.” sabi ni manang sa akin.
“Shoot! Sorry po manang, aalis na po ako.”
“Sige. Salamat ineng.” matapos iyon sabihin ni manang ay umalis na siya papalayo sa sasakyan ko.
Naghanap naman ako ng lugar kung saan ako pwedeng mag park pero hindi talaga pwede sa harap ng simbahan dahil delikado daw. May mga bata kasing nagsisimba din sa loob kaya sinisigurado nila na walang masamang mangyayari sa kanila.
I have no other choice but to go inside the restaurant. I parked my car on the restaurant’s parking lot but I made sure that it is far from kuya’s car and he will not notice it.
I went inside after parking it and I secretly look for a table na malayo sa kanya. Mabuti na lang at may kausap si kuya habang papasok ako. Wait, sino ang mga taong iyan? At bakit parang ang sigla ni kuya tingnan?
Oh, shoot! Wala na rin palang available na upuan. Bakit hindi nakikisabay ang pagkakataon sa akin? Gusto ko lang naman na alamin kung ano ang ginagawa ni kuya. Tsk.
Nakuha naman ang atensyon ko sa taong nakatalikod at balot na balot. Hindi ba mainit sa labas? Malamig nga dito sa loob pero bakit naka jacket siya at may cap pa sa ulo?
Lumapit ako sa taong iyon at nakitang nakasuot din siya ng mask. What the hell? Nakatira ba ang taong ‘to sa Antartica?
Dahil parang wala namang pakialam ang lalaking nakaupo sa pangdalawahang tao na mesa, umupo ako sa harap niya. Bigla niyang inangat ang ulo niya sa akin at isinara ang laptop na kanina ay tinitigan niya.
Wait, I know this guy. What the hell is he doing out here? Is he spying someone? Or he is following his crush?
“Kuya Connor?” I asked and I really tried to be silent and not make any noise pr sound as much as possible. Pero si kuya Connor nga ba ang kaharap ko ngayon? Seryoso?
Hindi ko kasi lubos maisip o ma imagine na pupunta si kuya Connor sa mga lugar na ganito. What is he doing in here? At nakaharap pa siya sa laptop niya? May importante ba siyang gagawin dito ngayon?
“Marissa.” kalmadong niyang sabi na parang bored pa talaga siya habang binabanggit ang pangalan ko.
“Pwede ka naman ma-excite kuya Connor. Hindi mo kailangan mahiya sa akin. Ako pa nga ang dapat na mahiya sa inyo dahil ang taas ng energy niyo.” I said sarcastically.
I don’t know if gets ni kuya Connor ang sinabi ko pero I bet hindi. Englishero kaya ang taong ‘to.
“What?” he asked in a high tone but in a low voice. See? Hindi talaga matino kausap si kuya eh. Tumitino lang siya kapag mas matanda sa kanya ang kausap niya lalo na kapag kilala niya ito. And so far, isang tao pa lang ang nakita kong tumutino si kuya Connor kapag kausap siya. And that is grandma. Tumitiklop kasi siya kapag si grandma ang nagsasalita at parang nahihiya siya dito. Ilang taon na din naman silang magkaibigan ni kuya Marco kaya hindi na bago sa aming lahat ang mukha niya dahil pamilya na rin namin siya. Isa kami sa mga tumayong pamilya ni kuya Connor sa oras na wala siyang matatakbuhan at kailangan niya ng pamilya.
Even the twins love him so much.
“Ano po ba ang ginagawa niyo dito? Hindi naman kayo mahilig pumunta sa lugar na maraming tao.” I said and glanced at kuya who is still talking to the two persons in front of him. Ang isang babae naman ay may kausap sa cellphone niya at tinawag niya bigla si kuya.
“Are you sneaking behind your brother’s back?” biglang tanong ni kuya Connor kaya agad akong napatingin sa kanya.
“What?! No. I am not.” I said in a defensive tone.
Shoot! Ang lakas pa naman ng radar ni kuya Connor kaya malamang ay hindi talaga siya maniniwala sa akin.
“You are.” he said. I sighed after his statement and nodded.
“I really can’t hold it. Kuya has been acting weird and I think I am the one who found it very strange.”
“Did you drive your own car?” he asked and I raised my brows because that questions wasn’t inline with our topic.
“Huh?” the only word that comes out of my mouth.
“I was asking you if you have your own car right now.”
“Yes, why?”
“Did grandma know that you came here?”
“I told her that I will be going somewhere.”
“Then you should go home.” he said and he opened his laptop again.
Wait— what? Why did he asked me about my car and if grandma knew about my whereabouts? And why is he making me leave this place? May sekreto ba silang dalawa ni kuya? Baka pinagtatakpan niya lang si kuya dahil malamang, kaibigan siya ng kuya ko.
“I didn’t know that your brother is here.” he said without even looking at me. Binabasa niya ba ang kung ano ang nasa isip ko? Should I be amazed or creeped out?
“How did you know about what I was just thinking?”
“Your face says it all. Are you accusing me of helping your brother keep what that f*cking secret he has? Because I am not. Now go home.” he said rudely.
Hindi naman ako na offend sa sinabi ni kuya Connor kasi ganyan lang talaga siya magsalita at sanay ako sa mga ganyan niya. I always take it for granted dahil alam kong cold lang talaga magsalita si kuya Connor.
“Why are you pushing me away?”
“I don’t know. Maybe because I don’t want you to go beyond your line. Invading your brother’s privacy may lead to misunderstanding and chaos. Don’t wait until your brother tell you all about these things. Because honestly Marissa, what you are doing right now is beyond the role that you have in Marco’s life.” mahaba niyang sabi sa akin. Nasaktan naman ako sa sinabi ni kuya Connor pero hindi ako galit sa kanya.
But his statement made me wonder about my position in kuya’s life. I am his sister, I should know everything about him right? Wala naman kasi siyang dapat na ipag-alala dahil hindi ko naman sasabihin sa iba kung may mga sekreto man siya. I am good at keeping secrets lalo na kung sa sarili kong pamilya ang sekretong iyon.
Gusto ko lang naman sanang malaman kung bakit kakaiba ang mga kilos ni kuya sa mga nakaraang linggo, iyon lang. May masama ba sa hangarin ko?
“Now go home and wait until your brother will tell you everything.” he said.
Tumingin ako kay kuya mula sa hindi kalayuang mesa kung nasaan kaming dalawa ni kuya Connor ngayon at tumayo siya. Naglakad siya papalabas ng restaurant at hindi ko alam kung bakit pero excitement ang nakikita ko sa mukha niya.
Napatayo ako pero hindi pa rin ako tinitingnan ni kuya Connor. I sighed and decided to ask him the questions that has always been in my head for weeks.
“Did kuya has someone in his mind right now?”
And guess what he just said?
“Kinda.”