*ring ring ring ring*
Nagising naman ako sa boses ng cellphone ko nasa bedside table. Kahit na si Zeus ay nagising din sa ingay na hatid nito.
Kahit na hindi ko alam kung sino ang tumatawag, sinagot ko ang tawag at mahinang nagsalita.
“Hm?” I said with my low and sleepy voice.
“Good morning sunshine.” rinig ko mula sa kabilang linya ang masiglang boses ni Josh. Wait— JOSH?
“WHAT THE F*CK?!” sigaw ko at biglang napaupo sa higaan. Bakit siya tumatawag? Ang aga aga pa! I checked the clock on my bedside table and it’s Sunday, at nine in the morning. See? Ang aga aga pa nga!
“Is that how you greeted me a good morning?”
“Bakit ba? Ang sarap pa ng tulog ko tapos gigisingin mo lang ako ng walang dahilan?” saad ko sa kanya at bumalik sa pagkakahiga.
“Today is Sunday sunshine. Don’t you remember anything?” tanong niya.
“Ano bang meron ngayon? Malamang walang pasok.” I said.
“We discussed about meeting your parents today sunshine.” WHAT?!
Napabangon ako ng maalala ang laro namin last week? Argh! We played rock-paper-scissors shoot and we bet on granting the wish of the winner. At si Josh ang nanalo. And guess what he asked as his wish? He wanted to meet my parents and that is today. As in? Ngayon na pala iyon? Hindi ko naalala kasi sobrang busy ko talaga sa mga digests na ilang araw ko ng binabasa at pinagkakaabalahan. Argh! Masisira na talaga ang utak ko ngayon. Tsk.
“I am sorry Josh. Nakalimutan ko talaga. Sorry na po.” I said at pumunta sa cabinet ko para maghanap ng isusuot mamaya.
“It’s okay sunshine. I think I am just excited to call you this early.”
“No, it’s actually fine. Napagod lang ako kasi nanggaling pa ako sa simbahan kaning umaga at wala akong masiyadong tulog. I am really sorry.” mahina kong sabi sa kanya.
“Okay lang talaga. Don’t be sorry sunshine, okay? Mas lalo lang akong nahuhulog sa’yo kapag ganyan ka magsalita sa akin.” he said at napangiti naman ako.
“See you later then.”
“See you tonight my sunshine.” he said at pinatay ko na ang tawag. I smiled with the thought of Josh meeting my parents.
It’s been three weeks noong tinanong niya ako kung pwede niya ba akong ligawan officially at mas lalo naming nakilala ang isa’t-isa sa tatlong linggo na palagi kaming magkasama. Mira also knew about our status and she was very happy and excited to see for herself where our relationship will go. Suporta na suporta talaga siya sa akin kasi at least daw, may magiging boyfriend na daw ang kaibigan niya for the first time. And I am also happy that Josh came to me.
Though, sa loob ng tatlong linggo ay hindi ko na rin naririnig ang panggugulo ni Connor sa akin. Yes, palagi naming nakikita ang isa’t-isa sa campus at magkatabi pa rin naman kami ng upuan pero simula noong pinahintulutan ko si Josh na ligawan ako, hindi na rin niya ako kinakausap o pinapansin. As if I am not his seat mate and as if I am not in the classroom with him. Argh! Bakit ko ba siya iniisip? Mas mabuti nga iyon para wala nang maggugulo sa akin sa room diba? Yes, it’s actually a good thing.
Nang makapili ako ng damit na susuotin ko, inihanda ko ito at inilagay sa kama ko. Lumabas din ako para makipag-usap kay mom. Dad already knew about the fake relationship thingy that I have with Connor and he said that he is not angry. Mabait din daw si Connor kaya wala siyang karapatan na magalit. Si Blake naman ay sinabihan ko at nauunawaan naman daw niya. Pero ang sabi niya sa akin ay si Connor lang daw ang tatanggapin niya at wala ng iba. Ngayon, si mom na lang ang problema ko. Botong-boto pa naman siya kay Connor. Gusto nga niyang sagutin ko na si Connor kahit hindi naman talaga niya ako nililigawan. Tsk.
“Mom?” tawag ko sabay katok sa pintuan ng opisina niya. Saad ni dad sa akin ay kakarating lang daw ni mom mula sa trabaho pero pagdating dito, trabaho pa rin ang inaatupag niya. Natutulog pa ba si mommy?
“Come in.” rinig kong wika ni mommy kaya agad kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.
Ang daming tambak na papeles sa mesa niya at mga libro na nasa sahig. May malaking kaso ba na hinahawakan si mommy ngayon?
“Why are you here?” tanong niya ng hindi man lang tumingin sa akin. Patuloy pa rin siya sa mga sinusulat niya kaya umupo ako sa single couch na malayo kay mom.
“I wanted to talk to you about something.”
“What is it? Just tell me directly. I have no time for nonsense things Asher.” wika niya. Ngayon naman ay tumayo siya at may hinahanap na libro sa shelves niya. Sasabihin ko pa ba o hindi? Nanlamig na ang mga kamay ko at mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.
“About Connor.” I said.
“Hm. What about him? Bakit nga pala hindi na siya bumibisita dito sa bahay? Call him so that we can have dinner together tonight.”
“About. . . th—at mo. . .m. Uhm. . . The—“
“Talk straight Asher. Why are you stuttering? Am I going to bite you?” tanong ni mom at tiningnan na talaga ako. Hinintay niya kung ano ang susunod kong sasabihin kaya napabuntong-hininga ako para iponin lahat ng lakas na inipon ko ng ilang linngo.
“The relationship between me and Connor are all fake.” I said while looking down.
Argh! What if mommy will get angry at me at hindi na siya tatanggap ng manliligaw ko? Tsk. Si Connor kasi. Ang ewan ng taong iyon. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya.
“Do you really have to say that to me?” napaangat ako at naguluhan sa sinabi ni mom. Wait, what?
“Po?”
“Anong akala mo sa akin Asher? Tanga? Of course I knew from the very start that you were faking it. What’s the point of being a lawyer of I can’t even read my own daughter’s actions?” wika niya at mahinang tumawa.
“Are you going to get angry at me mom?” tanong ko sa kanya at hinanda ang sarili para sa mga sermon niya.
“No. Connor told me to take care of you more than anything because you are just like me. And he also told me that in order to take care of the future that I wanted, I need to take care of you more than the future that I am looking forward to.” mahabang sabi ni mo at wala akong masabi dahil sa nalaman ko. Connor has the guts to teach my mom a lesson? No one ever did that! He really is insane!
“Hindi po ba talaga kayo galit?”
“No. Though. . .” kinabahan ako dahil matagal bago sinundan ni mom ang salita na sinabi niya. “I am quite disappointed because I really like that guy, I want you to be on your own. But, me and your dad should know everything so that we can guide you. Understand?” ngumiti si mom sa akin kaya napangiti din ako sa kanya. What the hell did Connor do to my mom?
“Now go, prepare for the dinner tonight. Bring that guy who owns that white car.” saad niya at mahina akong tinulak palabas ng opisina niya. Wait, HOW DID MOM KNOW ABOUT JOSH’S CAR? WHAT THE HELL IS HAPPENING WITH MY MOM? Because honestly, that surely creeps me out.
Patakbo akong bumalik sa kwarto ko at tumili dahil sa sinabi ni mom. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa naubos na ang lakas ko para kiligin. That was hell! I did not expect everything that mom said to me. Is this a good start between me and my mom? And also a good start for Josh and me? Because I got super excited after what just happened.
I received a text from Josh saying that he will be here at five and it is still early to prepare. Wala pa ngang lunch kaya mamaya na ako maghahanda. Lumabas ako ng kwarto at sinabihan si manang na may dinner kami mamayang gabi at may isa pa kaming bisita. Manang already know what to do because mom taught her how to handle guests and our family dinner.
For the meantime, bumalik ako sa pagbabasa ng mga digests at mga sample cases hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako na nakahiga sa malambot na bagay. Hindi ko pa binuksan ang mga mata ko pero ramdam ko ang kamay na nakapatong sa balikat ko. Alam kong nakahiga ako sa sahig at nakapatong ang ulo ko sa malambot na bagay pero bakit may kamay? Minumulto ba ako? Argh! Bigla akong tumayo pero tumama ang ulo ko sa taong hinihigaan ko ngayon.
“Aww.”
“Ouch.” sabay naming sabi dahil tumama ang ulo ko sa noo niya. Sa noo ni Josh. JOSH? As in Josh Adrian Jimenez?!
“AHHHHHHHH!” sumigaw ako ng malakas at lumayo sa kanya sabay takip ng buong katawan ko. Wait, may suot pa naman ako, hindi naman nagbago at wala naman akong nararamdaman na kakaina.
“Aw. Are you trying to destroy my eardrums?” tanong niya at tinakpan ang magkabilang tenga niya.
“What are you doing here Josh?!” sigaw kong tanong sa kanya.
He smiled at me sweetly. Napatingin naman ako sa suot niya at mukha siyang gangster dahil dito. Hindi mo nga aakalain na president siya sa school. Tsk. Paano ba naman kasi? Nakasuot siya ng itim na tattered jeans tapos tops naman niya ay black v neck shirt at itim na leather jacket. May itim na cap at itim na sapatos pa. Saan lamay nito?
“meow meow” napatingin naman kaming dalawa kay Zeus ng lumapit siya sa akin. I smiled upon touching his fur and ipinakilala ko si Josh sa kanya. But I realized that unlike Connor, Zeus did not go to be cuddled by Josh. Kung si Connor ang taong nakita niya, malamang mas pipiliin niya ito kaysa sa akin. But, I don’t want Josh to see that I am quite stunned by Zeus’ actions towards him so I just smiled at him.
“Can you give me a minute to get dressed? You can stay here, I’ll change at my bathroom.”
“Are you sure?” tanong niya na naging dahilan para kumunot naman ang noo ko.
“Am I sure about what?”
“Are you sure that you don’t want to change here where I am?” at ngumisi siya ng nakakaloko.
“F*ck you moron!” sigaw ko at tinapon sa kanya ang unang libro na nakuha ko sa sahig. Tumayo na ako at kinuha ang mga damit na hinanda ko na kanina. Deretso ang pasok ko sa banyo dahil naiirita ako sa tawa ni Josh. Tsk.
Sabay kaming lumabas ni Josh at pumunta sa kusina. Wala pa daw sina mom at dad nang makarating siya dito kaya pinadretso siya ni manang sa kwarto ko. Bukas naman ang pintuan ng kwarto ko at nasa kusina lang si manang kaya wala talagang magagawa si Josh sa akin and I don’t think he is that kind of guy who will harm women, especially those that he love and treasure the most.
“Asher!” narinig ko ang sigaw ni dad mula sa taas kaya sabay kaming napatingin ni Josh. Pababa silang dalawa ni mom at napangiti ng makita na inaalayan ni dad si mom habang bumababa sila. That’s a very unusual sight for me because they are really busy with each other. Lumapit silang dalawa sa amin at nagbeso-beso si Josh at si mom. Dad and Josh also shook hands with each other.
“Good evening po tita and tito.” Josh greeted to the two of them.
“So, you must be?” mom asked.
“Josh Adrian Jimenez po tita.” nang sabihin iyon ni Josh, ngumiti si mama ng malapad at parang may naalala siya matapos marinig ang pangalan ng kasama ko.
“You must be the eldest son of James Jimenez, right?” tanong ni mom at tumango naman si Josh.
“I don’t know if you remember me but I am with my dad when you talked with him about a certain case years ago.” ani ni Josh.
“Oh, I am really sorry hijo but I don’t remember you.” wika ni mom at sunod-sunod niyang pinalo ng mahina ang balikat nito.
“Why don’t we go to the kitchen and fill our stomachs with the food while talking?” pagputol ni dad sa pag-uusap nilang dalawa at sumang-ayon naman kaming lahat.
“But how about Blake? Where is he?” tanong ko.
“He told us that he is not feeling well. Nang i-check siya ng mom mo kanina, natutulog pa kasi kaya hindi na namin inabala.” tumingin si dad kay Josh at humingi ng paumanhin. “Maybe you can meet our youngest once you come back here. We’re really sorry.”
“Okay lang po sa akin tito. Thank you for considering how I will feel.”
Dumeretso na kaming lahat sa dining area pero iba pa rin ang pakiramdam ko kung bakit wala si Blake ngayon kasama kami. Did he really meant what he said that he will not accept any other men except for Connor? Because if that’s what he really want, then we are in big trouble. A whole lot bigger.