Simula / Prologo
My whole body shattered as he told me something that I didn't expect. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ang sabihin niyang mayro'n siyang anak ang maririnig ko mula sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. I know his reputation from the very start yet I continued liking him. Hindi, hindi lang ito pagkagusto sa kanya, mahal ko na siya ngayon.
He was a playboy. He told me earlier that it was the only secret he's hiding from me. Wala nang iba pa. Ngunit paano ako maniniwala kung hindi niya sinabi sa akin iyon? Kung hindi ko pa nabasa ang text, hindi niya pa iyon sasabihin sa akin. Wala siyang balak na sabihin na mayroon siyang anak.
Yes. Bryan has a son. What do I expect with a playboy like him?
But then, hindi ko naman iyon alam at ngayong araw ko lang din nalaman. Sumapit ang gabi na iyon pa rin ang iniisip ko. Narito na ako sa kwarto naming dalawa ni Marga dahil tapos na ang kasal ni sir Shawn at Inori. Masaya ako para kay Inori dahil ikinasal siya sa taong mahal niya. Hindi na p'wedeng sabihin na hindi sila p'wedeng dalawa dahil graduate na si Inori sa college at hindi niya na professor si sir Shawn.
Masaya ako para sa kanila ngunit hindi ko magawa na maging masaya nang lubusan dahil sa nalaman ko kanina. Binabagabag ako ng katotohanan na may anak sa ibang babae ang boyfriend ko.
Hindi ko alam kung ilang taon na ang anak niya. Bryan is 22 years old while I am 20. Siguro ay nasa 3 or 4 years old na ang anak niya ngayon. His son knows how to use phone and it's impossible for a 1 year old to do that.
Hindi kami nakapag-usap ni Bryan dahil umalis ako agad pagkatapos niya iyong sabihin sa akin. Hindi ko siya kayang kausapin dahil sa nalaman ko. We're just starting our relationship ngunit ito na agad ang nangyari sa amin.
Idinilat ko ang mga mata ko. Nakapikit na ako kanina ngunit hindi naman ako makatulog.
“Marga, gising ka pa?” pabulong kong sambit.
Lumingon ako sa kan'yang kama at nakitang nakatingin na siya sa akin. Umupo ako para makausap siya.
“Bakit, Lei?”
Bumuntong hininga ako at nagdalawang-isip pa kung sasabihin ko ba ito sa kan'ya.
Sa huli, umiling ako at ngumiti na lamang bago nagsalita, “Joke lang pala. Wala pala akong sasabihin.”
Tumango siya at hindi na nagsalita. Ilang minuto pa kaming nag-usap bago ako tuluyang nakatulog.
“Lei... I'm sorry, I-I respect any decision you will make, just please don't leave me…”
I was standing in front of him, no reactions on what he just said. I have made my decision. And I hope my decision is right. Ayaw kong magkamali sa desisyon kong ito. Kung ano mang mangyayari sa aming dalawa pagkatapos kong sabihin sa kanya ang desisyon ko, I'll accept it.
“Let's break up, Bry.” mahina kong sambit.
Napabalikwas ako ng bangon at hinihingal na napaupo. Luminga-linga ako para makita kung nasaan ako ngayon.
I am inside my room. It was all a dream. What I've said to him was only a dream. I'm not breaking up with him. That's not my plan kaya nagtaka ako kung bakit ganoon ang laman ng panaginip ko.
“Good morning, Lei!” maligayang sambit ni Marga sa akin.
Nasilaw ako sa liwanag nang hawiin niya ang kurtina ng hotel room naming dalawa. Iniwas ko ang aking tingin doon.
“Anong oras na?” tanong ko.
Tumikhim siya bago sumagot, “7 am. Hinahanap ka nga pala ni Bryan, sabi ko natutulog ka pa.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at napalingon sa kan'ya. Kumunot ang noo ko nang makitang nangingiti siya habang inaayos ang kurtina. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba ang sinasabi niya o nagbibiro lamang siya.
Napalingon siya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kan'ya. “What?”
“Hindi ko alam kung nagbibiro ka lang ba o talagang hinahanap ako ni Bryan,” sagot ko at napataas ng kisang kilay.
“Of course, totoo ang sinabi ko, Leila! Mukha ba akong nagbibiro? Saka sinong boyfriend ang hindi hahanapin ang girlfriend niya para yayain ng breakfast?” Umirap si Marga sa akin.
Bumuntong hininga ako. “Ngumingiti ka kasi mag-isa riyan, akala ko tuloy nagbibiro ka lang.”
Umirap siyang muli ngunit nangingiti pa rin siya. Ngayon ko lang napansin na parang nag-iba ang aura ni Marga ngayong umaga. Blooming siya at sa tingin ko, may nangyaring maganda sa kan'ya kahapon o kaya naman ay kagabi.
Gusto ko sana siyang tanungin, ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong hindi naman siya magsasabi. I'll wait for her to tell me the good news. Parehas kami ng ugali ni Marga, kaya nga kami magkasundo. Ayaw niyang pinipilit siya sa isang bagay na ayaw niya namang sabihin. Mauuwi pa sa away kapag pinilit siya.
“Mag-ayos ka na, Lei. Breakfast at 7:30 am. Mauna na akong bumaba,” sambit ni Marga.
Nilingon ko siya at tumango ako.
Tumayo na ako sa kama at nag-ayos ng aking sarili. I took a quick shower first before facing the mirror. Naglagay ako ng kaunting make-up sa aking mukha, nag-spray din ako ng pabango sa aking mga pulso at ni-rub iyon sa aking leeg.
I wore comfortable clothes. White t-shirt at maong shorts lang ang isinuot ko. Dalawang araw at isang gabi pa ang itatagal namin dito, si Inori at Shawn ay nauna nang umalis para sa kanilang honeymoon. This hotel is Mendrez' property naman kaya libre ang lahat ng pagkain namin.
Pagbaba ko sa restaurant ng hotel, dumako agad ang tingin ko kay Bryan. The chair on his side was the only vacant chair so I have no choice but to sit on it. Hindi naman sa ayaw kong katabi si Bryan ngunit naiilang ako dahil sa nalaman ko kahapon.
We haven't talk about it, yet. Kaming dalawa lang din ang nakaaalam—well, for me, ako lang ang nakakaalam. Ngunit hindi ko sigurado kung may sinabihan bang iba si Bryan. Kung may sinabihan man siya, siguro ay si Seatiel lang.
“Good morning, Lei!” masayang bati ng mga kasama namin sa akin.
Kumpleto na sila at ako na lang pala ang hinihintay. Napalingon ako kay Bryan at nang makitang nakatingin siya sa akin ay nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya ngayong umaga.
“Good morning,” I greeted them back.
Nagsimula na palang kumain ang iba. Nang mapatingin ako sa plato ni Bryan ay malinis pa ang kan'yang pinggan. Doon ko napagtanto na hindi pa siya kumakain at mukhang hinintay niya ako, dahil nagsasandok pa lamang siya ngayon.
I was about to get my food when Bryan put the food he got on my plate. Medyo nagulat ako roon at napatingin sa kan'ya.
“You should eat well,” sambit niya at nginitian ako.
Dahan-dahan akong tumango at pinanood ang paglalagay niya ng pagkain sa aking pinggan. I appreciate his gestures to me but I can't fully appreciate it because of the shocking news he told me yesterday. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito dahil nalaman ko ang sikreto niya, o, ginagawa niya ito dahil mahal niya talaga ako?
I don't know what's the truth anymore. We were always together last year but I didn't even catch him regarding his child. It looked like he hid it from me carefully. Kahit sina Marga at Inori, hindi rin iyon alam.
“The ants are crawling to our food,” Marga teased.
Nagulat ako nang makitang nanonood na pala ang mga kasama namin sa ginagawa ni Bryan. He was still busy putting food on my plate and it looked like he didn't feel the eyes that were staring at us.
“Tama na 'yan, Bry,” sambit ko sa mahinang tinig.
Lumingon siya sa akin. “Okay na 'yan sa'yo?”
Tumango ako at tipid siyang nginitian.
“Oh kayo, Marga at Seatiel? Kamusta kayong dalawa?”
Napalingon ako kay ate Selene nang magsalita siya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumako naman ang tingin ko kay Marga na pinamumulahan ng mukha habang nakatingin kay Seatiel na nakatingin din sa kan'ya. Napailing na lamang ako dahil sa mga itsura nila.
I don't know what's the deal between them, but I'm sure that they like each other. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano bang pumipigil sa kanilang dalawa.
“Ate,” sambit ni Seatiel, sinasaway ang kan'yang nakatatandang kapatid.
“Bakit? Nagtatanong lang naman ako, may nalaman kasi ako kagabi.” Ngumisi si ate Selene.
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Ano kayang nalaman ni ate Selene? Gusto ko rin sanang malaman iyon. Hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay ni Marga ngunit sa tingin ko, may karapatan naman akong malaman kung anong nangyari kagabi dahil best friend niya ako. Best friends don't hide secrets with each other.
But, if Marga isn't ready to tell me what happened, ayos lang.
“Lei, can we talk?”
Natigil ako sa pagkain nang marinig ang bulong ni Bryan. Our friends were still talking about Seatiel and Marga kaya hindi nila narinig ang sinabi ni Bryan. Isa pa, pabulong niya ring sinambit iyon na para bang ako lamang ang dapat na makarinig.
Tumango ako. “After this, let's talk.”
“Thank you,” pabulong niyang sambit muli.
We finished breakfast quickly. Nagmamadali kasi sila dahil gusto raw nilang mag-swimming. Saktong-sakto iyon dahil p'wede kaming makapag-usap ni Bryan nang kaming dalawa lang sa room nila nina Seatiel at Austin.
“Hindi ka ba mags-swimming, Lei?” Nakakunot ang noong tanong ni Marga.
Umiling muna ako bago nagsalita, “Susunod na lang ako, Marg.”
Tumango siya at hinayaan na akong makalabas ng hotel room namin. Bumalik muna ako sa hotel room dahil iyon ang napag-usapan namin ni Bryan. Magt-text daw siya kapag umalis na sina Austin at Seatiel sa hotel room nila at ka-te-text niya lang ngayon.
I knocked on the door twice before it opened. Pinapasok ako ni Bryan sa kanilang hotel room at pinaupo sa couch.
“I'm sorry if I hid it from you…” panimula niyang wika.
I don't understand why he is saying sorry. Is he saying sorry because he'll break up with me or is he saying sorry because there's another secret that will be revealed again today?
“M-May sikreto ka pa bang sasabihin bukod doon, Bry?” Nanginginig ang mga labing tanong ko.
Mabilis siyang umiling at lumapit sa couch kung saan ako nakaupo. Lumuhod siya sa aking harapan at sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko iyon sa kan'ya.
“Wala na, wala na akong ibang sikreto, Lei…” he whispered.
Hindi iyon gustong paniwalaan ng isip ko, ngunit ang walang hiyang puso ko ay kinakalaban ang kung ano mang nasa isip ko. I have made my decision last night. I just need to ask him my questions before I tell him what I want for the two of us. This feels like déjà v. I have dreamed of this also. Ngunit sa panaginip kong iyon, hindi ko itinanong sa kan'ya ang mga gusto kong tanungin.
“Then, can you answer my questions honestly?” mahina kong sambit.
Wala na akong lakas para kausapin siya ngunit pinipilit ko ang aking sarili na magpakatatag. Sa mga sagot niya nakasalalay kung magbabago pa ba ang desisyon ko o hindi na.
“I'll answer it truthfully, Lei… I promise!” Itinaas niya ang kan'yang kanang kamay na para bang siya ay nanunumpa sa akin.
Tumango ako at pinakalma muna ang sarili para hindi manginig ang aking labi kapag nagsalita na ako.
“Where's his mother?”
Thankfully, I didn't stutter. Marami akong mga tanong ngunit iyon lang ang unang napili ko na itanong sa kan'ya.
“I-I don't know, Lei. Hindi namin alam kung nasaan na ngayon ang Mama ni Jeremiah… It was only a one-night stand, nabuntis ko siya at iniwan si Jeremiah sa akin ng kan'yang Ina. We agreed not to contact each other anymore after she left our child…” Paliwanag ni Bryan.
I was shocked after that explanation. Hindi ko inaasahan iyon. One night stand. So, he's really a playboy. Hindi ko na tuloy alam kung nagbago na nga ba talaga siya ngayon.
But, what if Jeremiah's mother comes back? Anong mangyayari sa aming dalawa ni Bryan, kung ganoon? Anong mangyayari kay Jeremiah kapag binawi siya ng kan'yang ina?
“Jeremiah is in my custody now, his Mother signed a contract… Hindi na siya p'wedeng lumapit sa anak niya kahit kailan. She agreed to it.” dugtong ni Bryan sa sinabi niya kanina.
Hindi ako makapaniwala. Sinong ina ang pipirma sa kontrata na katulad no'n? If I were a mom, hindi ko kakayanin na mawalay sa anak ko at hindi siya makita habang buhay…
“Why did she sign that kind of contract?” tanong ko.
He smiled sadly at me, “She wanted to be an actress and a model. Her parents also agreed to that contract kaya nasa akin ngayon si Jeremiah.”
Napatakip ako sa aking bibig dahil hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Bryan wiped my tears. I realized that my decision was right. Hindi ko siya kailangang hiwalayan. Instead, I can accept his son.
“But, why did you hide it from me?” I ask the last question I wanted to ask.
“I didn't want you to avoid me. I got afraid that you won't accept me as soon as I told you that I have a son…”
Bumuntong hininga ako. I was about to tell him my answer but he spoke again.
“But now that you know it, I will respect your decision, Lei. Hindi na kita guguluhin pa…”
He said it as if he's so sure about my answer. He concluded that I will ask for a break up with him, but I'm not. I won't do that. I have loved him since our 3rd year but we only seriously started now at hindi ko kayang iwan siya dahil sa dahilang iyon. Pakiramdam ko, hindi sapat iyon para lumayo ako sa kan'ya. Walang sasapat na dahilan para makipaghiwalay ako sa kan'ya.
I reached for his hand that's on my face. Hinalikan ko iyon habang nakatitig sa kan'ya.
He's the only one for me. I want him to know that.
“When can I meet your son?” pabulong kong tanong.
Noong una, hindi niya pa maintindihan ang sinabi ko. Ngunit 'di kalauna'y unti-unting nanlaki ang mga mata niya na para bang iniintindi pa niya ang aking sinabi.
“Y-You—”
I interrupted him.
“I am accepting your son, Bry.” Ngumiti ako at saka tumango.
Agad siyang yumakap sa akin nang mahigpit. Halos hindi na ako makahinga dahil sa yakap niya.
“Thank you,” he whispered.
Nginitian ko siya. “I can't wait to meet him.”