SEX SLAVE (R-18 ONLY)
BABALA!! BAWAL PO ITO SA MGA EDAD 17 PAIBABA DAHIL MAY MGA MASISILANG WORDS DITO NA HINDI ANGKOP SA INYO.
Tilaok ng manok ang nag pagising sa diwa ni mara, panibagong araw nanaman iyon sa kanya. Araw-araw siyang gigising ng maaga para tulongan ang nanay niyang magtinda sa harap ng kanilang bahay.
Malapit kasi sila sa mataong lugar kahit paano ay may iilang tao ang bumibili ng paninda nilang mga kakanin.
Nag-iisang anak lamang si mara at high school graduate lamang ang natapos niya dahil sa hirap ng kanilang buhay. Isang hamak na jepney driver ang kanyang ama samantalang housewife naman ang nanay niya na nagtitinda ng kakanin sa umaga.
Isang kahig isang toka dahil minsan uuwi ang tatay niya na walang kinita at sakto lang pambili ng gasolina sa jeep, maging ang kita naman nila ng nanay niya ay di naman nauubos lahat swerte nalang kong walang matira.
Sikat na ang araw pero hindi parin nauubos ang paninda nilang kakanin, mainit narin sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa kanilang balat.
"Anak, dito ka muna ha' kukuha lang ako ng payong para may panangga tayo sa init". paalam ng ina ni mara sa kanya
Tumango naman ang dalaga at nagpatuloy sa pagtatawag ng mga taong dumaraan sa harapan niya para bilhin ang paninda niya.
Hangang sa isang lalaki ang hinihingal at huminto sa kanyang harapan. Kilala niya ito dahil kasamahan ito ng tatay niya bilang jepney driver.
"Oh mang kadyo! Bakit po kayo naparito?" tanong ni mara sa matanda.
"Mara ang tatay mo sinugod namin sa ospital, critikal ang lagay". deretsahang sambit ng matanda na ikinabigla naman ni mara.
Wala siyang inaksayang oras at tinungo ang nanay para sabihin ang nangyari sa tatay niya.
Pagdating nila sa ospital ay doon na pumalahaw ang kanyang ina dahil kitang kita nila mula sa loob na duguan at busy ang mga doctor para asikasohin ang tatay niya, 50-50 daw ito sabi ng matanda.
"Pare, bakit nangyari sa asawa ko iyon? Ano ba ang nangyari?" Usisa ng nanay niya sa matanda.
Sabi ni mang kadyo ay nabangga daw ng malaking truck ang pinapasada nitong jeep, tinakbohan rin siya nong driver ng truck para takasan ang nagawa nito sa asawa niya. Pero ginagawa naman daw lahat ng mga pulis para mahuli lamang ang naturang driver.
Isang araw na ang nakalipas at hindi parin nagising ang asawa ni aleng maria, lumalaki narin ang bill nila sa ospital at hindi alam kong saan kukuha ng pambayad dahil hanggang ngayon ay hindi parin nahanap ang driver na nakabangga sa asawa niya.
"Nay, lumalaki na ang bills natin sa ospital, siguro maghahanap na muna ako ng trabaho para may pambayad tayo dito."ani mara sa ina.
"Anak, kahit maghanap kapa ng trabaho hindi rin maging sapat sa laki ba naman ng bills natin dito".
"Nay ako po ang bahala, gagawan ko ng paraan".
Pagkasabi ni mara non ay nagpaalam na siya sa kanyang ina para tumungo sa kanilang kapitbahay na ubod ng yamam. Nabalitaan kasi ni mara na naghahanap daw sila ng maid hanggang ngayon dahil wala raw silang napili don sa mga nag apply.
Nilakasan na ni mara ang kanyang loob alang-alang sa kanyang tatay julio.
Nag doorbell siya sa malaking gate ng marating niya ang bahay ng mga delacruz na kanyang aaplyan bilang katulong.
Maya-maya pa ay pinagbuksan siya ng isa sa mga maid ng bahay.
"Yes, mara may kailangan kaba?" tanong ng maid sa kanya.
Hindi na magtataka si mara kong kilala siya nito dahil makailang beses na itong bumili sa kanila.
"HIRING paba kayo bilang katulong ate?"
"Oo naman, marami nag-apply kanina pero ni isa walang pumasa".
"Mag-aaply sana ako ate, kailangan ko kasi ng trabaho ngayon para may pandagdag kami sa bayarin sa ospital".
"Ha? sino naospital". gulat na sambit ng ginang
"Si tatay po, nabundol kasi siya ng malaking truck at nasa ospital ngayon 50-50 ang lagay". malungkot na turan ni mara.
"Sige pumasok kana para mainterview kana nila madam at sir".
Kakagising lang ni marco ng mga oras na iyon dahil puyat siya kagabi galing sa bar, nag party kasi sila ng mga kaibigan niya at inabot sila ng madaling araw. Sumasakit pa ang ulo nito dahil sa hang-over.
Pababa na sana siya ng may narinig siyang nag doorbell sa labas, bahagya muna siyang sumilip mula sa itaas kong saan siya naroroon.
Kumunot pa ang kanyang nuo ng mapagsino ang babaeng nasa labas ng kanilang gate.
"Anong ginagawa dito ng anak nang kanilang kapitbahay?" bulong ni marco sa kanyang isip.
Nakita rin ni marco na lumabas ang isa sa mga maid nila na si manang sabel at tiningnan ang nasa labas. Tumagal pa sila ng ilang minuto dahil tila nag-uusap pa ang dalawa bago ito pinapapasok ng kanilang maid.
Nang makapasok na si mara sa loob ay bumaba narin marco para alamin kong ano ang ginagawa ng dalaga sa kanilang bahay, dumeretcho siya sa may kitchen para marinig niya ang pag-uusapan ng mga ito.
"Manang sino ang nag doorbel?" tanong ng mommy ni marco na si myrna.
"Ay madam si mara po, yong anak nila maria at julio dyan sa kabilang bakod". tugon ni manang sabel.
"Oh, mara may kailangan kaba?" Magiliw na tanong ng mommy niya.
Naghihintay naman si marco ng isasagot ni mara dito subalit sumingit ang kanilang mayordoma na si manang sabel.
"Mag-aaply daw po siya ng trabaho madam".
"Ha, bakit mo naisipang mag apply sa amin?" biglang tanong ng daddy ni marco.
Imbes si mara ang sumagot ay muli si manang sabel ang nagsalita.
"Kailangan daw niya nang trabaho maam/sir kasi masa ospital daw ang tatay niya nabangga daw ng truck ang jeep na pinapasada niya kaya ayon 50-50 daw sa ospital ngayon".
Nalungkot naman ang dalawang mag-asawa at dahil kilala siya ay agad nila itong tinanggap bilang katulong sa kanilang bahay.
Tuwang-tuwa naman si mara dahil may trabaho na siya at maibigay na niya ang perang kakailanganin nila sa ospital.
Nagpaalam din agad ang mag-asawa dahil may lakad silang importante ang ang anak nilang si marco ang maiwan kasama nila. Nadismaya si mara dahil balak sana niyang mag advance agad sa mag-asawa para may maiabot agad sa nanay niya para paunang bayad sa ospital.
Sumapit na ang hapon at hindi parin umuuwi ang mag-asawa na hinihintay ni mara.
Napansin naman ni manang sabel ang pagiging balisa ni mara.
"Mara bakit?"
"Manag, hindi paba uuwi sila sir at maam"?
"Ang alam ko kasi mara isang linggo silang hindi makakauwi dahil nasa bakasyon sila ngayon, nasa canada sila".
Halos maubusan ng hininga si mara dahil hindi pala uuwi ang inaasahan niya, paano na saan siya kukuha nang pera.
Malungkot na malungkot siya ngayon dahil nangako pa naman siya sa kanyang ina na gagawan niya ng paraan para magkapera pero mukhang hindi niya ata magagawa iyon.
"Bakit mara, may kailangan kaba dapat sa kanila?" Tanong ulit ni manang sabel.
"Manang kasi ano, nakakahiya man pero kakapalan ko na sana mukha ko sa kanila. Balak ko sana mag advance at pagtatrabahohan ko nang isang taon kong pwede para may maibayad kami sa ospital kaso di pala sila darating. Ito lang kasi ang naisip kong paraan manang eh".
Nalungkot ang ginang sa sinabi niya.
"Try mong kausapin si sir marco, mabait naman iyon at alam kong mauunawaan ka niya kapag sinabi mo ang dahilan dito." suggest ni manang sabel sa kanya dahilan para muli siyang sumigla. Kahit paano kasi may isa pa siyang paraan.
Mabilis na pumahik si mara sa kwarto ng anak nang kanyang amo na si marco.
Kumatok siya sa pinto pero walang sumasagot sa kanya dahil pursigido na siyang kausapin ang anak nang amo ay pinihit na nito ang seradura na nagkataon namang hindi nakalock.
Pagpasok niya ay madilim sa loob ng kwarto nito, hinanap ni mara ang switch ng ilaw pero hindi niya alam kong saan dahil madilim. Kinapa-kapa niya ang gilid baka sakaling mahanap ang switch ng ilaw hanggang sa may humablot nalang sa kamay niya at isinandal siya sa pader. Batid niyang si marco iyon dahil kwarto niya ito.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko ng hindi kumakatok?" Tanong nang baritononh boses.
"s-sorry sir, b-bitwan nyo po muna ako". nauutal na sagot ni mara, pero lalo lang hinigpitan ni marco ang paghawak sa kanyang dalawang kamay at itinaas pa iyon.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry, dahil nagpaparusa ako". pagkasabi non ni marco ay bigla niyang siniil ng halik si mara sa labi.
"uhhmm,uhmm". pagpupumiglas ni mara
Pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makaalis sa pagkahawak ni marco sa kamay niya.
Tanging iyak nalang ang nagawa ni mara habang pinagsasamantalaan siya ni marco.
Biglang tumigil si marco sa kanyang ginagawa kay mara ng marinig niya itong umiiyak.
mabilis niyang binuksan ang ilaw at doom niya nakitang umiiyak nga ang dalaga.
Niluwagan niya ang paghawak sa kamay ng dalaga at tiningnan ito sa mga mata.
"S-sorry, nadala lang ako". hinging paumanhin ni marco dito.
Pero tanging paghikbi lang ang nagawa ni mara at tila na truma ito sa ginawa marco sa kanya.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa kwarto ko?" biglang tanong ni marco.
Doon na tumingin sa kanya ang dalaga.
"Sir sorry kong pumasok ako basta-basta sa kwarto nyo, nakailang katok ako kanina kaso walang sumasagot sakin.Pumasok na po ako dahil di naman nakalock kasi iniisip ko na baka di nyo ko narinig or baka tulog po kayo, sorry sir dispirada na kasi akong makahiram nang pera sa inyo para may pambayad kami sa ospital pero di ko akalain na madidisgrasya pa pala ako sa inyo per wag nyo na isipin yun sir, aalis nalang po ako dito nagkamali po ata ako nang pasya na magtrabaho dito". pagkasabi ni mara non ay mabilis niyang binuksan ang pinto para lumbas.
Pero bago pa siya makalayo ay sumigaw na si marco.
"Magkano ang kailangan mo?"
lumingon si mara sa kanya na tila di makapaniwala.
"t-talaga sir? p-pahiramin nyo ako?"
"Yes, magkano ang kailangan mo para maibigay ko agad sa'yo".
"100,000 po". mabilis na sagot ni mara.
Bibigyan kita nang 200,000 pero may kundisyon ako". nakangising. turan ni marco.
"k-kundisyon?" ani mara
"Yes".
"anong kundisyon sir?"
"Be my s*x Slave". Deretsahang sabi ni marco na ikinaluwa naman nang mata ni mara.
Hindi makasagot si mara na tila naguguluhan sa sinabi ni marco sa kanya.
"Isipin mong mabuti mara, kong magiging s*x slave kita bukod pa ang 200,000 na makukuha mo sakin. Isipin mo makakabayad kana sa ospital at may pera pa silang matatanggap bukod sa ibibigay ko sayo, sagot mo nalang ang hinihintay ko". ani marco
"Bibigyan kita ng 10 minuto para pag-isipan ang kundisyon na hinihingi ko, kumatok ka nalang mamaya kapag handa kana sa sagot mo". sambit ni marco sabay sara ng pinto.
Umupo si mara sa hagdan habang umiiyak, ito nalang ba talaga ang paraan para makuha niya hinihinging pera? 200,000 kapalit ng dangal niya. Wala na siyang pinag kaiba sa babaeng bayaran kapag pumayag siyang maging s*x slave nito.
Tumayo si mara sa kinaoopuan nya at nagpunas nang kanyang luha, nakapag-isip na siya at buo narin ang kanyang disisyon.
"Alang-alang sa tatay ko, gagawin ko lahat para gumaling na siya kaagad. Papayag na akong maging s*x slave ni marco". buong tapang na sambit niya sa kanyang sarili.
Bumuntong hininga muna siya bago kumatok sa pinto.
Binuksan kaagad siya ni marco.
"Payag na ako," Seryosong sambit ni mara.
Ngumiti naman nang malawak si marco nang marinig nito ang sagot ni mara.
"Pumasok ka mara at nang makapagsimula na tayo".
Biglang kinabahan si mara sa sinabing 'yon ni marco.
"Sana tama itong gagawin ko". dalangin ni mara.
Pumasok na si mara sa silid ni marco, inabutan siya nito ng tuwalya na ang ibig sabihin non ay maglinis na siya ng kanyang katawan.
Nag-alangan pa si mara na kunin iyon sa binata dahil ito ang unang beses na gagawin nya sa buong buhay niya.
Kinuha niya ang tuwalya at pumasok na sa banyo para maligo gaya ng nais ni marco.
Muli siyang umiyak sa banyo ng walang humpay. Ilang minuto rin ang tinagal niya sa loob bago tinapos ang pag shoshower.
Lumabas siyang tanging tuwalya lamang ang kanyang suot, napansin niyang lumunok ng isang beses si marco pagkakita sa kanya.
"Come here"., tawag ni marco kay mara na sinunod naman nito.
"SO ready kanaba?" ani marco
"u-uo". tipid na sagot naman ni mara.
Wala na nga siyang nagawa ng bigla siyang ihiga ni marco sa kama, tiningnan niya muna ang mukha ni mara para siguradohin na handa na ito sa gusto niyang gawin pero biglang iniwas ni mara ang mukha niya at binaling sa ibang direction.
unti-unting tinanggal ni marco ang tuwalya na nakatakip sa katawan ni mara, habang si mara naman ay kapit ang pagkahawak sa tuwalya pero wala rin siyang nagawa ng pwersahin iyon ni marco.
"Mara nag-usap na tayo at ito na ang naging sagot mo hindi ba? Kailangan mo akong sundin sa ngayon kapalit nang perang hinihiling mo sakin para may pambayad kayo sa ospital". ani marco
Tumango nalang si mara at nag paubaya sa gustong mangyari ni marco.
Tiningnan niya muna ang hubot-hubad na katawan ni mara. Hindi mapigilang uminit ang katawan ni marco dahil sa ganda ng hugis ng katawan ni mara. Wala na siyang inaksayang oras at sinimulan na niyang angkinin ang dalaga na walang ibang nagawa kundi ang lumuha.
Tumigil lamang si marco nang lumakas nang lumakas ang hagulhol ni mara, bigla siyang nakaramdam nang awa dito lalo pa at alam niyang birhen pa si mara.
"Bumangon ka, kunin mo ang tseke sa misa at lumabas na, siguradohin mong handa kana sa susunod". nagtaka man si mara pero laking tuwa niya dahil hindi natuloy ang binabalak ni marco sa kanya.
Mabilis siyang nagbihis at kinuha ang tseke na nasa misa 200,000 pesos iyon gaya nang napag-usapan nilang dalawa.
Bago siya tuluyang lumabas ay nilingon muna ni mara si marco na nakahiga parin sa kama. Nakatingin siya ng seryoso sa kisame.
Dahil sa tuwa ni mara ay nagawa niyang halikan ang lalaki dahil sa tuwa na hindi tinuloy ang gusto nitong gawin sa kanya, maging si marco ay nabigla sa ginawa ni mara sa kanya.
"S-Salamat sa perang binigay mo para sa tatay ko sir, kapag handa na akong ibigay ang hinihingi nyong kapalit ay ako na mismo ang tutungo dito sa bahay nyo". Ani mara akmang lalabas na sana siya ng pinto nang bigla siyang higitin ni marco palapit sa kanya at siniil nang halik sa labi.
"Hihintayin kita mara, sa ngayon unahin mo muna ang tatay mo hanggang sa makalabas siya, basta mangako ka sakin na sakin ka lang, babantayan kita mara saan kaman mag punta, wala kang ibang lalaking lalapitan liban sakin dahil pag-aari na kita mula ngayon naiintindihan mo ba?" Mahabang litanya ni marco kay mara at muli itong siniil ng halik bago niya ito binitawan.
Pagkaaalis ni mara sa mansyon ay agad namang tinawagan ni marco ang Gf niya na si Cammile para paligayahin siya, si camille muna ang tatapos imbes na si mara sana kanina. Ganyan si marco hindi siya makuntento sa isang babae lang, marami itong babae at lahat nang babae niya ay nauuwi sa kama. Mabilis rin ito mag sawa sa mga babae lalo na kapag nakuha na niya ang gusto nito tanging si camile lang ang nag tagal sa kanya mahigit isang buwan na niya itong kasintahan.
Mabilis namang dumating si camile at dere-deretso itong pumanhik sa itaas kong nasaan si marco. Hindi na rin ito kumatok at basta nalang pumasok sa loob. Ilang saglit pa ay puro ungol na ang maririnig sa loob nang kwarto ni marco.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang nanay ni mara dahil nakarating ito sa ospital na may dalang pera, syempre hindi inamin ni mara sa ina kong daan nito nakuha ang pera basta sinabi niya lang dito na nag loan siya kapalit nang pagtatrabaho sa naturang kompanya.
Kilala kasi ni mara ang nanay niya matalino ito kapag di siya kumisado sa isasagot mo ay hindi ka talaga niya titigilan mapaamin ka kang.
Umokey na rin ang lagay ng tatay niya at nagising na ito wala narin silang problema dahil may pera na sila pambayad sa ospital.
Tatlong Araw na ang nakalipas at sa wakas makakalabas na ang tatay ni mara sa ospital, sinabi na nang doctor sa kanila na pwede na siyang umuwi sa bahay at doon magpahinga dahil okey na nga raw siya kailangan lang nang mahabang pahinga.
"Anak, kailan ka pala magsisimula don sa trabahong sinasabi mo?" biglang tanong ng nanay niya. Kakarating lang nila halos da kanilang bahay galing sa ospital.
Doon natigilan si mara at naalala si marco, naalala kong ano ang pinangako niya dito kapag bumalik siya.
"ah-eh, tatawagan lang daw nila ako nay' wag kayo mag alala talaga pasok naman na ako sa work tatawagan nalang daw ako kapag pwede na ako mag start". pagsisinungaling niya sa ina.
"Okey anak, sige magpapahinga muna si nanay ha ikaw na muna bahala dito sa labas".
"sige nay".tugon ni mara
Lumabas si mara sa bahay nila at tinungo ang puno ng mangga na madalas niyang akyatin noon kapag malalim ang iniisip niya. Gaya dati ay umakyat ulit siya sa puno para makita ang mga tao na nasa paligid niya hanggang sa muling natuon ang paningin niya sa mansyon.
Matagal siyang tumitig doon gaya nang dati, at nangarap na balang araw magkakaroon rin sila ng ganito kalaking bahay kapag nagsisikap siya hanggang sa muling nakita ni mara si marco sa terrace, gaya niya ay tila malalim rin ang iniisip nito.
Gwapo si marco, kahit sinong babae ay mahuhulog talaga sa kanya, maging si mara ay inaamin sa sarili na crush niya si marco ngunit nang mabalitaan niyang babaero at mahilig itong gumamit ng babae ay inalis na niya ito sa kanyang puso. Hindi rin akalain na magkaroon sila ng ugnayan dahil sa pera na hiniling niya, para kay mara masaya sana iyon na ang isang tulad niya ay nakalapit at nakausap si Marco Delacruz na pinapantasya ng mga kababaihan hindi lang sa kanilang lugar kundi maging sa ibang lugar. Hindi lang pag-uusap ang nangyari dahil nahalikan pa siya nito pero hindi ibig sabihin non ay gusto siya kundi pagnanasa lamang iyon sa kanya ni marco kahit sinong babae naman siguro kasi sinusunggaban nito.
Hindi alam ni mara kong gaano katagal na niyang tinititigan si marco mula sa itaas nang mangga.
Baba na sana si mara ng may lumabas na isang magandang babae mula sa likuran ni marco at bigla nalang silang naghalikan gang sa pumasok na sila sa loob at nawala na sila sa paningin ni mara.
Biglang bumalik ang pagkainis at pagkairita ni mara kay marco.
"Bakit ba ako naiinis? talaga namang ganon siyang lalaki hindi makuntento sa isa arggh". suway niya sa sarili.