Part 1

3536 Words
"Naks, bentang benta tayo ngayon Nat ah. Ilang rounds 'yan bawat kliyente?" saad ni Katelyn, isa sa mga katrabaho ko. "Sagana sa daks 'yan ngayong gabi aba, bet na bet ng mga foreigner eh HAHAHA." asar pa ng isa kong katrabaho. I'm Natalie, and yes- isa akong bayarang babae kung tawagin nga nila. I work at the bar at night at estudyante at responsableng ate naman ako sa umaga, ito na ang naging takbo ng buhay ko simula nang mamatay ang nanay ko-- ang tatay ko naman ay hindi ko kailan man nakilala. Meron akong nakababatang kapatid at otso anyos palang s'ya, alagain pa dahil sinanay ni mama na pinaglilingkuran-- I was 17 nang mamatay si mama at ngayon naman ay 18 palang ako at kailangan kong patusin ang ganitong trabaho para mabuhay kami pareho ng kapatid ko, sakitin pa naman 'yon. Hindi madali ang lahat dahil kailangan kong sikmurahin lahat ng bagay para lang mabuhay, hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko na isa akong bayaran na babae-- kaya hindi maiwasan na mabastos ako pati sa school First year college pa lang ako-- civil engineering student, sinong nagsabing hindi pwedeng mangarap ang dukha? syempre libre naman mangarap kaya lulubos-lubusin ko na. Pagdating ko sa classroom wala pa ang Prof namin kaya naman humalumbaba ako sa mesa ko at iidlip sana. "Oh ano? puyat na puyat ang p****k natin ah." si Charlotte 'yan, kaklase kong walang magawa sa buhay kaya hindi ko nalang siya pinansin. "Aba, may pa snob, famous ka 'te?" "Ay oo nga pala famous ka sa pagiging pokpok." nagtawanan pa ang iba kong mga kaklase na sintu-sinto ata at walang magawa sa buhay. "Inggit ka?" I smirked at her na ikinainis niya. "Wow naman, bakit ako maiinggit?" exactly bakit ka maiinggit at nangingialam sa isang katulad ko? "Kasi maganda ako, ikaw mukhang yaya ko lang pag nagtabi tayo." pang-aasar ko sa kanya. "Alam m-,-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang dumating ang Prof namin kaya tinawanan ko siya nang nakakaasar. Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa Elementary school na pinapasukan ng kapatid ko, ganito na ang routine ko sa buhay-- gigising ng madaling araw para ipaghanda ang kapatid ko tapos ihahatid ko muna siya at saka ako papasok sa school, pag uwian naman ay susunduin ko siya, tapos paaptulugin bago iwan sa bahay na mag-isa dahil kailangan ko pumasok sa bar-- meron naman siyang cellphone para tawagan ako kung ano man ang mangyari. "Ate! " masayang bati niya, meron siyang hawak na ice cream kaya napatingin ako sa likuran niya, siya nanaman? tss. "Uhm, binigyan po ako ni kuya Clyde ng ice cream ate." saad ng kapatid ko, sinulyapan ko lang si Clyde at bumaling ulit sa kapatid ko. "Tara na," aya ko at hinawakan ang kamay ng kapatid ko para hilahin. "Someone's being grumpy huh." mapang-asar niyang saad. "Hatid ko na kayo." he offered na agad ko naman tinanggihan. "Ate, pahatid na tayo para naman makatipid tayo sa pamasahe kahit poano." bulong naman ng kapatid ko, pinaningkitan ko tuloy siya ng mata dahil ang lakas ng bulong. "Oo nga naman, ate. Para makatipid nga naman oh." medyo tumawa pa siya na ikinainis ko, kaya pumayag din ako sa huli, psh. Clyde was once my client-- thrice to be exact do'n sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Fresh grad palang, halata naman na may kaya sa buhay pamilya niya, ewan ko kung bakit nagpapakita nanaman 'yan-- lulubog lilitaw kasi 'yang lalaking 'yan. "Salamat." pasasalamat ko sa kanya nang makarating na kami sa bahay na inuupahan namin, pinauna ko nang pumasok ang kapatid ko, tumango lang siya bilang sagot. "Nagtatrabaho ka parin sa bar?" he asked. Malamang, pa'no kami mabubuhay ng kapatid ko pero tango lang ang tinugon ko sa kanya. "Why don't you find another job?" Akala ba niya gano'n kadali 'yon? makakahanap nga ako ng trabaho na iba d'yan hindi naman sapat sa aming magkapatid lalo na't masyado pang bata ang kapatid ko-- half na scholarship lang din nakayanan ko. Bayad pa namin buwan buwan sa bahay, tubig, kuryente dahil nakabukod 'yon, hindi ko naman pwedeng itira sa skwater 'yang kapatid ko dahil hikain. Buti sana kung ako lang kasi kaya ko-- pero ang kapatid ko? hindi. "Sa tingin mo ba kaya kong tustusan pangangailangan namin kung hahanap ako ng ibang trabaho? At ano'ng trabaho mahahanap ko? Dishwasher? Trabaho na 250 isang araw? tapos mataas ang living expenses? Nahihibang kana ata." I smirked bitterly. "Sorry, ang bata mo pa kasi masyado para sa trabaho na pinapasok mo, hindi ko alam pa'no mo nasisikmura pag nagkataon na matanda ang pipili sa'yo." he said as he looked away. Sus, alangan naman umarte pa ako-- wala kaming karapatan din umayaw sa magiging kliyente namin, pag hindi masikmura? Edi ibaling ang tingin ganon lang 'yon. "Mind your own business" I said at tinalikuran na siya. Ano ba kasing pake n'ya? psh. "Oy, Nat meron nanaman nag-aantay sa'yo sa labas. Binalik balikan ka ng mga kliyente mo ah, ginagalingan mo naman masyado." puna ng katrabaho ko. "Sorry, maganda lang." pagbibiro ko pa bago lumabas, 1:00am na konti nalang time ko para matulog nanaman. Hindi na ako nagtaka nang makitang nasa labas si Clyde, ilang lingo na siyang ganyan. Ano ba'ng kailangan niya? Tsk. Hindi ko siya pinansin ang nagdere-deretso lang ako sa paglalakad. "Iniiwasan mo ba ako?" sumunod naman siya "Bakit, dapat ba kitang harapin?" taas kilay kong sagot sa kanya. "Do I need to be your client for you to face me?" he asked. "Oo, kasi kailangan ko ng kita at wala akong panahon para harapin ka." inis kong baling sa kanya. "How much? Magkano ba dapat kong ibayad para mahiram ang oras mo?" napatingin ako sa kanya, nahihibang na ba siya? Magsasalita na sana ako nang hilahin na niya ako papunta sa kotse niya, hinayaan ko nalang din siya na hatakin ako dahil pagod na talaga ako. Nakahanda na ako kung sa'n man niya ako dadalhin dahil wala na akoong lakas makipagtalo pa--pero napatignin ako sa kanya nang mapagtanto na daan ito papunta sa bahay namin. "Why? Where do you think I'll take you?" nakatingin parin siya sa kalsada, hindi ko nalang siya sinagot. "Thank you." saad ko sa kanya nang makarating na kami sa bahay, bumaba din siya nang bumaba ako. "Quit your job." wika niya kaya napatingin ako sa kanya. "I'll lend you money for your expenses pati na rin sa kapatid mo." he said. "Why would you do that?" tamad ko siyang tinignan. "At ano'ng kapalit? Sa'yo lang ako makikipag s*x gano'n ba?" matapang ko siyang tinignan. "No, y-you don't have to do that." umiwas siya ng tingin. "J-just stay with me." he added. "Girlfriend gano'n ba?" I asked. "Parang gano'n na nga." hindi ko tuloy maiwasan na mapatawa. "Hibang kana nga, naririnig mo ba ang sarili mo?Clyde, bayaran akong babae-- uulitin ko ha? isa akong bayaran na baba--," "And so what? Ikinasama mo ba 'yon? You are just doing your best to survive-- was that wrong? Hindi naman 'di ba?" napatahimik ako sa sinabi niya, parang mero'ng tumutusok sa puso ko-- naapektuhan ako sa sinabi niya dahil alam kong totoo 'yon- napayuko nalang ako. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko, hinawakan niya ako sa baba at itinaas 'yon dahilan para mapatitig ako sa mukha niya. "Hindi mo ginusto ang mga nangyayari sa'yo, hindi ka masamang tao, wala kang inaapakan na ibang tao." he said as he caressed my face, napapikit ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. I've been keeping it for years, I've been swallowing all the insult and pain that I received, I just keep the idea in my mind that-- it was fine, as long as me and my sister will survive. Maigapang ko lang ang pang araw-araw namin, ayos na 'yon. "Shh, I'm here." he said as he hugged me. "You sure you wanna live with us?" Paninigurado ko sa kanya. "Yes, para naman meron din kayong kasama na lalaki dito sa bahay niyo." He was 23 when he decided to live with me. And I was 18 when I gave him my trust. "Ate, dito na siya titira? Edi meron na po akong kasama pag gabi, yehey!" I looked at my sister's cheerful gestures, she must be lonely. Lumapit sa kanya si Clyde at pinisil ang pisnge n'ya. "Hindi na rin magtatrabaho ang ate mo, kaya marami ka nang kasama pag gabu." masayang saad ni Clyde pero kabaliktaran ang reaction na binigay ng kapatid ko. "Aren't you happy? pwede mo na makasama lagi ang ate mo." ngiting saad ni Clyde sa kanya. "Pag hindi nagtrabaho si ate, magugutom kami, mawawalan po kami ng bahay. Hindi na ako makakapag aral pati si ate, mas gugustuhin ko pa po mag-isa dito pag gabi basta 'wag lang po kami mawalan ng bahay." Napakagat ako ng labi ko nang marinig ko ang kapatid ko. "Natatakot po ako mag-isa pero mas takot po ako na mamatay po kami sa gutom." dagdag niya na ikinadurog ng puso ko. "Don't worry, hindi kayo magugutom hmm?" kumbinse niya sa kapatid ko. Malapit lang ito sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Clyde kaya gusto niya dito na daw siya tumira, napag desisyunan ko rin na mag part-time job bilang cashier kapag wala akong pasok-- sinabi ko rin sa kanya na ibabalik ko lahat ng tulong niya. "Happy birthday ateeeeee! blow mo na po 'yong candleeeee." today is my 19th birthday. Kauuwi ko lang galing ng school at ito ang nadatnan ko, mero'ng cake sa mesa at mero'ng konting pagkain na nakahain habang naka upo ang dalawa at inaantay ako. Kinantahan pa nila ako-- mula nang dumating si Clyde sa buhay naming magkapatid ay naging masigla na ang kapatid ko at may buhay na ang bahay na 'to na dati'y tahimik. Pagkatapos namin kumain ay pumunta silang dalawa sa kwarto at paglabas ay pareho silang bihis na bihis na. "Oh, sa'n punta niyo?" kunot noo kong tanong. "Amusement park!" masayang anunsyo ng kapatid ko. "I'll take you two there, matagal ka na daw gusto makasama ni Talia do'n." bulong sa'kin ni Clyde, she do? Bakit hindi niya sinasabi? Pwede ko naman siya dalhin do'n. "Baka nahihiya lang, ang alam niya kasi mahal daw at wala kayong pera pang rides. Hayaan mo na, let's go." inakbayan pa niya ako at sa kabilang kamay niya naman ay hawak niya ang kamay ni Nathalia, lapit lang din sa pangalan ko na Natalie ang pangalan ng kapatid ko. Pagdating namin sa amusement park ay masayang tumakbo si Nathalia palapit sa mga rides, palipat lipat pa ang tingin niya-- hindi niya ata alam kung ano ang pipiliin niya kaya natawa nalang kami ni Clyde, hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta kay Nathalia. I don't know what's the real score between us, hindi ko alam kung seryoso ba siya do'n sa sinabi niya-- hindi ko rin naman na matatawag na mag f**k buddy kami dahil mula nang lumipat siya sa bahay ay wala namang nangyayari sa'min. Natapos ang araw ng kaarawan ko na napuno ng tawa nilang dalawa ang pandinig ko, I looked at Nathalia licking her ice cream na buhat buhat pa siya ni Clyde-- how I wish we could just stay like this forever. "Are you happy?" Clyde asked, nandito na kami sa bahay at ang himbing na ng tulog ni Nathalia. Hinugot ko muna sa saksakan ang plantsa, namamalantsa kasi ako ng Uniform niya sa trabaho pati na rin uniform ko at kay Nathalia, I froze when he suddenly hug me from behind. "Y-yes. I'm happy." I said, iniharap naman niya ako sa kanya. "I'm glad that I made you happy." he said as he kissed my forehead. Kapag ipinagpatuloy niya ang pagiging ganito, baka patuloy talaga akong aasa na may pagtingin siya sa'kin, halos gabi-gabi ko rin naman ipinapanalangin na sana nga meron. "Bakit mo ginagawa sa'min 'to?" I asked as I looked away. "What do you mean?" "You're being too good to us. Baka isang araw maglaho ka nalang bigla niyang ha-- sabihan mo naman ako pag aalis kana sa buhay namin, para mapaghandaan ko naman." Mapakla kong saad. Masarap sa pakiramdam, pero nakakatakot at the same time. "Are you doubting me?" inis niyang saad. "No, I'm doubting my self." I laughed bitterly. "I like you-- no, I love you. If you doubt your self then can you at least trust my love for you?" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko 'yon, nanlalaking mata ko siyang tinignan. Kinagat niya ang pang-ibaba n'yang labi at saka tumingin sa'kin. "I've been loving you-- that's why I'm doing my best to make you happy." saad niya at ngumiti "I l-love you too" I know that he deserve better-- better than I am but I'm willing to make my self better so that I could reach him. I was 19th when I confessed my love for him. "HAPPY BIRTHDAY MAHAAAAAL!" salubong ko sa kanya pagdating na pagdating niya galing sa trabaho. "KUYA HAPPY BIRTHDAY POOOO!" bati naman ni Nathalia sa kanya. Bumili ako ng cake kanina at nagluto rin ng kaunti para meron kaming mapagsaluhan kahit papa'no. "Thank you." he smiled, pero alam kong pilit 'yon. Lately ganyan siya, madalas ay madaling araw na rin siya umuwi-- pero hindi ko siya kiwenst'yon dahil baka meron lang silang pinagkakaabalahan sa trabaho, hindi gusto ng mga lalaki kapag masyadong nagiging clingy ang babae kaya naman pinipigilan ko ang sarili ko na mag tanong at makialam. "Ate! ate! ate!" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang natatarantang boses ni Nathalia. "Oh, bakit?" tamad kong tanong, Sunday ngayon kaya walang pasok. "Tignan mo ate, wala na ang mga gamit ni kuya Clyde! Ate iniwan na tayo ni kuya Clyde." malungkot na saan ni Talia na nagpagising ng diwa ko. Dali-dali akong bumangon at tinignan ang lagayan ng mga damit ni Clyde, pinanghinaan ako ng loob nang makitang wala nga ro'n ang mga gamit niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, gusto kong umiyak pero mas gusto kong hanapin muna siya. Sinuri ko pa ng mabuti ang buong apartment baka sakaling meron siyang sulat na iniwan-- pero wala. He left without any trace. The day after his 24th birthday-- he left us. Pumunta ako sa kumpanya na pinagta-trabahuhan niya pero tanging resignation letter lang daw ang iniwan nito, I went to their house pero wala ito ro'n-- sa mga kaibigan niya, 'yon nalang ang last chance ko. Wala akong panahon para hayaang tumulo ang mga luha ko, nagmadali akong pumara ng taxi para puntahan ang kaibigan niya. "Pasensya na, hindi ko rin alam e. Basta ito lang iniwan niya sa'kin ibigay ko raw sa'yo." iniabot niya sa akin ang isang ATM card. Napatingin ako sa ATM card at napatawa ng mapait, ano 'to? suhol sa pang-iiwan niya? tanginang 'yan! "Tanggapin mo nalang, birthday mo daw ang pin. Nagmamadali siya no'ng dumaan dito e- he said he'll be back kaya sana daw tanggapin mo muna 'to." Babalik? hanggang pag-alis ba naman niya paaasahin niya parin ako na babalik siya? Kahibangan! "Ate, para sa'yo daw po." katok ni Talia sa kwarto ko. "Uhm- ate, birthday kasi ng kaibigan ko-- kaso gabi ang party niya po. Pwede ba ako pumunta?" dagdag pa niya, tumango ako bilang pagpayag masaya naman siyang lumabas na agad ng kwarto ko at nilabag sa kama ko ang isang envelope. "Mag-iingat ha." paalala ko, Senior high na si Talia kaya naman hindi ko rin hinihigpitan masyado para makapag enjoy naman siya-- na hindi ko naranasan noon. 8 years had passed. Walong taon din ako nag-antay at umasa, pero walang Clyde na bumalik. Kahit kapirasong balita mula sa kanya ay wala akong natanggap, nagpatuloy ako sa buhay ng wala siya at gamit ang pera na iniwan niya, dahil malaking halaga 'yon. Naging isang ganap na engineer na rin ako kaya unti-unti ko na rin nababalik ang pera sa account na iniwan niya. Nakapagpundar na rin ako ng condo, at sasakyan na kasalukuyan ko pang binabayaran. Mabuti nalang at full scholar si Talia- kaya hindi gano'n kalaki ang kailangan ko ng ibigay sa kanya. Napatingin ako sa envelope na nasa kama ko, pinulot ko 'yon at tinignan muna kung may nakasulat ba sa labas ng envelope, at meron nga. To: Natalie Pero 'yan lang ang nakalagay, binuksan ko naman at tinignan ang laman, bumungad sa akin ang isa pang papel na makapal na maganda ang disenyo-- hindi ako tanga para hindi malaman na wedding invitation 'yon, weird bakit wala man lang picture ng dalawang ikakasal? tinignan ko ang details Clyde Lim and -- Nabasa ko pa lang ang buong pangalan ni Clyde ay agad ko nang ibinaba ang wedding invitation na 'yon, mapakla akong napangiti. Tangina, 8 years siyang nawala tapos ito ang ibubungad niya sa akin na nag-iwan pa ng minsahe noon na babalik siya? Gago ba siya?! Sa sobrang inis ko ay pinunit-punit ko ang invitation niya-- gago siya, at sa makalawa na agad ang kasal? Ulol! Mainit ang ulo ko na pumasok sa trabaho, tanginang puso pa 'to-- kumikirot nanaman, hindi pa ba 'to nagsasawa sa kakaantay sa wala? "Natalie, tawag ka ni boss." saad ng katrabaho ko, kinalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa office ng boss namin. "Pinapatawag niyo daw po ako." silip ko pagtapos kong kumatok-- pinapasok naman niya ako at pinaupo sa upuan na katapat ng table niya "Nagpapatawag ng meeting ang CC company, puno ang schedule ko- pwede ba na ikaw nalang ang pumunta?" "Bukas ka nalang pumunta sa site, ia-aassign ko muna sa iba ang dapat na pagpunta mo do'n" Wala akong nagawa kundi ang pumayag. "Before we start, let me introduce our new stock holder." pagkasabi no'n ng secretary ng CC Company ay siya namang pagpasok ng isang matangkad na lalaki, muntik ko nang madura ang sarili kong laway nang humarap 'yon. "Clyde Lim, everyone!" gulat na gulat akong napatingin sa kanya, pero nang makita niya ako ay wala man lang bakas ng gulat sa mukha niya- ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Hindi ako nakapag focus buong meeting-- kaya naman minabuti ko na mag take down ng notes dahil yari ako sa boss ko nito, inantay ko muna na makalabas ang lahat bago ako sumunod. "Avoiding me?" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, pa'no nasa labas pa pala ang gago, inirapan ko nalang siya at hindi pinansin. "Punta ka sa kasal ko ah, dapat naka white dress ka kasi mero'ng dress code." ang kapal naman ng mukha niya at parang ang dali lang sa kanya na ikakasal na siya sa iba habang inaantay ko siya. Huminga ako ng malalim at hinanap ang ATM card na iniwan niya no'n sa akin-- nang mahanap ko na ang hinahanap ko ay humarap ako sa kanya at sapilitang kinuha ang kamay niya para ilagay do'n 'yon. "Nagamit ko ang pera pero nabalik ko na ulit, salamat." gusto ko sanang isampal sa kanya 'yon kaso meron naman akong utang na loob kahit papa'no. Sumapit ang araw ng kasal ni Clyde at kung sinong nilalang man ang pakakasalan niya, at ang mas nakakatangina ay heto ako ngayon wearing a white dress dahil OO, PUPUNTA AKO SA KASAL NIYA-- baka akalain niyang bitter ako pag hindi ako pumunta, pero totoo naman na bitter ako dahil tangina ulit nila lalo na siya-- may pa babalik -babalik pa siyang nalalaman, 'yon pala pagbalik ay may iba na, ang tino niya ha. "Excited kana ba makita siya? Kasi finally! after 8 years magkikita na kayo." saad ni Kael na isa sa mga kaibigan ni Clyde, siya 'yong nag-abot ng ATM card sa'kin noon at sa kanya na ako sumabay ngayon dahil sa isang beach resort sa La Union ang kasal ni Clyde-- oo, beach wedding ang kineme nila-- gaya gaya sa dream wedding ko. "Nagkita na kami sa 'di inaasahang pagkakataon, pakyu siya kingina." inis parin ako e, natawa naman siya. Pagdating namin sa beach resort ay medyo late na kami, hinila ako ni Kael papunta do'n- nagmamadali pa siya dahilan ng muntik ko nang pagkadapa, gusto ko siyang i-upper cut nang matauhan sana kaso napabalik ako sa ulirat nang mapansin na-- BAKIT NAGLALAKAD KAMI NGAYON SA WHITE CARPET NA MERO'NG MGA NAKASABOY NA RED ROSES?! HIBANG NA BA SIYA?! LATE NA NGA KAMI-- AGAW EKSENA PA! NAPATINGIN TULOY ANG LAHAT SA AMIN, GAGO PARANG GUSTO KO MAGKA TSUNAMI BIGLA PARA MAPIGILAN ITONG KAHIHIYAN NA HINAHARAP KO. "Tangina ka, anong kineme 'to?!" kinurot ko pa siya ng palihin kaya napa aray siya. "And now let's all welcome the bride, Natalie Dela Cruz" So 'yon pala pangalan ng bri-- wait. PANGALAN AT APILYEDO KO 'YON AH! PAANONG-- napatingin ako sa paligid ko at nahagip ng paningin ko si Talia na nakangiting umiiyak, napunta naman ang tingin ko sa isang lalaki na nag-aantay sa akin, at si Clyde 'yon. Paano? P-aano niya naasikaso ang lahat ng 'to? Pa'no siya nakakuha ng pirma ko para sa kasalan na 'to? Kaya pala pinag white dress ako kasi ako pala ang magiging bride, buti nalang at binonggahan ko ang aura ko tss. Ang dami kong tanong pero hinahayaan ko muna 'yon sa isip ko dahil andito na ako ngayon, sa tabi ng mapapangasawa ko at ikakasal na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD