Part 2: Makinang Pandigma

1945 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Ace AiTenshi Jan 10, 2017   Part 2: Makinang Pandigma     "Goodmorning baby bro." ang naka ngiting bati ni kuya noong imulat ko ang aking mata. Dito nga ay nakita ko siyang naka suot ng uniporme sa school. Pakat na pakat ang puting polo sa kanyang katawan at pati na rin ang itim na pantalon sa kanyang mga hita. "Sasama ko kuya." ang bungad ko naman.   Natawa ito "Ano ka ba tol, di ka pwedeng sumama sa school. Hindi nag papasok ng outsider doon. Hintayin mo na lamang ako dito. Ayos ba iyon?" ang naka ngiting salita nito.   "Gusto kong makita yung school kuya. Please naman." ang pangungulit ko habang sumasampa sa kanyang likuran.   "Hindi talaga pwede tol, magagalit ang teacher kapag nag sama ako doon sa classroom. Ganito nalang, pag balik ko mamaya ay mag i-ice cream tayong dalawa habang nanonood ng movie. Ayos ba iyon?" ang naka ngiting tugon niya.   "Promise?" tanong ko.   "Oo naman, promise.. Basta dito ka lang sa bahay ha. Huwag kang lalabas at mag lalakad kung saan saan. Wala sila papa at mama kaya't walang mag babantay sa iyo. May mga pag kain doon sa kusina at kung sakaling may problema ay tawagan mo ako agad. Ayos ba iyon?" ang bilin ni kuya sabay sukbit ng knapsack sa likuran. At bago siya umalis ay hinalikan pa ako sa noo at ginusot ang aking buhok.   Iyon nga ang set up, naiwan nanaman akong mag isa dito sa bahay. Kadalasan sa buong mag hapon ay nanonood lang ako ng tv o kaya nag cocomputer. Nag susulat o nag ddrawing basta matapos lang oras at huwag akong mabugnot ay ginagawa ko lahat. Kung minsan naman ay pagulong gulong lang ako sa kama habang hawak ang larawan ni kuya Sam at kinakausap ko ito.   Madalas rin akong naka higa sa sofa habang nakikinig ng musika o kaya ay nakatitig sa orasan habang binibilang ang pag lakad ng kamay nito. "Nakaka inip naman! Ano na kaya ginagawa ni kuya Sam ngayon?" ang tanong ko sa aking sarili habang naka titig sa orasan.   Nasa ganoong posisyon ako ng mapadako ang aking tingin sa telebisyon kung saan ibinabalita ang mga kaganapan sa bayan. Dito nga ay napukaw ang aking tingin sa isang eksenang pag kakagulo ng mga tao sa paligid. Dali dali naman akong tumayo at naupo sa harap ng telebisyon kung saan ipinapakita ang nag tatakbuhang tao sa bayan.   REPORTER: Ngayon ay nasasaksihan natin ang pag aamok ng isang depektong robot na nilikha ng Red Chip Corporation. Ang robot ay pinangalanang TP 1073 isang replikang sundalong mecha na ginawa upang makipag digma. Ayon sa naturang korporasyon ay inilunsad nila ang naturang robot sa kanilang gusali ngunit bigla na lamang nag loko ang program nito at nawalan ng kontrol. Sa ngayon ay pilit pinipigilan ng mga sandatahang lakas ng bayan ang naturang makina bagamat nahihirapan silang lumapit dito dahil armado ng malalaking baril at sandata ang naturang robot. Mapanganib kung ito ay lalapitan, kaya pinapayuhan ng otoridad ang mga tao sa paligid ng gusali na mag ingat sa pag likas."   Iyon ang balitang tumambad sa aking mata habang pinag mamasdan ang isang robot na lumalakad hawak ang malaking baril sa kanyang mga kamay. Makinang makina ito at wala na sa porma ang anyo. Marahil na nag problema ang circuit na ginamit sa kanya kaya't naging depekto ang pag kilos nito.   Patuloy ako sa ganoong panood ng bigla kong makita sa monitor ng telebisyon ang direksyon ng nag aamok na mecha. Patungo ito sa paaralan nila kuya, natumatakbo ito at lahat ng makitang gumagalaw sa paligid ay binabaril niya hanggang sa masira o mawalan ng buhay.   Ibayong kaba ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Agad akong tumayo at nag tatakbo patungo sa labas ng bahay. Ni hindi na ako nakapag palit ng damit dahil sa matinding pag ka bahala, naka pantulog pa rin ako na ternong long sleeve at pajama. Hindi ko na ito pinansin, mabilis akong tumakbo na parang isang sasakyang de motor patungo sa bayan kung saan nag kakagulo ang mga tao.   Halos ilang minutong pag takbo rin ang aking ginawa bago makarating sa lugar kung saan naroon ang nag aamok na robot. Mas malaki pa ito sa aking inaasahan, kung aking susumahin ay hanggang kili kili lamang ako ng naturang makina at sa bawat pag ilaw ng kanyang mata ay lumalabas ang kulay pulang laser mula dito. Ang lahat naman ng mga sundalo at pulis ay pilit itong pinapasabugan upang hindi na makapaminsala pa lalo't patungo ito sa paaralan nila kuya kung saan marami estudyante ang maaaring mapahamak.   Patuloy sa pag takbo ang naturang robot, diretso patungo sa gate ng paaralan. Ginawa naman ng mga otoridad ang lahat upang pigilan ito ngunit wala talaga.   Nag simulang mang gulo ang depektong makina sa loob ng paaralan, tilian at sigawan ang aking narinig noong pasabugin niya ang ilang gusali sa paligid kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa, mabilis akong nag tatakbo patungo sa kanya at sinipa ito ng ubod ng lakas.   Halos nabigla ang lahat sa aking pag dating, pati ang media ay kumalat na rin sa buong paligid. Ang mga pulis naman ay nag kagulo sa paligid, marahil ay nabigla rin sila noong makita ako na  pinatumba ang nag aamok na robot sa isang tadyakan lang.   Samantala, nawala naman sa balanse ang nag aamok makina bagamat mapanganib pa rin ito kung iyong lalapitan. At noong mga sandaling iyon ay wala na akong inaksayang pag kakataon, muli akong nag tatakbo patungo sa kalaban na noon ay nag sisimula nang bumangon. Muli ko sana  itong gagawaran ng suntok ng biglang itinutok niya sa akin ang kanyang hawak na baril at ipinutok ng marami beses dahilan para tumilapon ako sa gusali.   Sunod sunod ang pag sabog sa paligid. Patuloy sa pag tilapon at pag sadsad sa lupa ang aking katawan.  At dito ay nag kasira rin ang mga bagay sa aming paligid.   "Arekupp" daing ko habang bumabangon. Umuusok ang aking katawan dahil sa lakas ng pag sabog. Okay lang naman na sinabugan ng bala  ang aking braso at mukha. Ang hindi ko lamang matanggap ay ang pag kasira ng aking paboritong pantulog lalo't regalo pa ito ni kuya Sam sa akin. Ang aking pajama ay napunit, ang pang itaas kong damit ay nasunog.   Patuloy pa  rin sa pang gugulo ang kalaban at pinapasabog niya ang mga  bagay na kanyang malapitan. "Bakit mo sinira ang damit ko? Bigay sa akin ito ni kuya Sam! Mahalaga ito!!" ang galit kong sigaw sabay takbo patungo sa kanyang kinalalagyan.   Pinasabugan muli ako ng maraming beses habang tumatakbo ngunit sa pag kakataong ito ay hindi na akong natinag. Inipon ko ang aking buong lakas sa kamao at hinataw ito sa kalaban. "Mega Punchhhh!!!" ang sigaw ko na ginaya ko lang sa isang comics.   Muling binalot ng malakas na pag sabog ang buong paligid. At isang malakas na pag yanig ang nilikha ng aking suntok. Nag bitak ang lupa at nag kalagas lagas ang katawan ng robot na nag aamok. Walang natira sa parte ng kanyang katawan maliban sa ulo at piraso ng kamay.   Napanga-nga na lang ang lahat dahil sa bilis ng pang yayari. Pati ang mga sandatahang lakas ng siyudad ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ako naman ay nanatili lamang na naka tayo habang patuloy sa pag usok ang aking buong katawan. Halos hindi ko na malayan na nag karoon na pala ng mga naka lawit na kable sa aking katawan particular sa aking dibdib at tiyan.   Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita ko si kuya na nag kakandarapa sa pag takbo patungo sa aking kinalalagyan kaya naman ngumiti ako at kinawayan siya. "Kuyaaaa, akala ko kung napano kana eh!" ang sigaw ko naman na parang walang nangyari.   "Ace! Bakit ang tigas ng ulo mo? Hindi bat sinabi ko sa iyo na huwag ka lalabas ng bahay ha? Aatakihin ako sa puso dahil sa tindi ng pag aalala ko sa iyo." ang tugon ni kuya sabay yakap sa akin.   "Sorry kuya, nakita ko kasi sa balita na nasa panganib ang school nyo kaya't agad akong nag punta dito. Nag alala lamang ako na baka masaktan ka o mapahamak." ang sagot ko naman habang naka subsob sa kanyang dibdib.   "Noong makita kong nakikipag laban ka ay parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa puso ko. Nag pumilit akong lumapit sa iyo ngunit hinarang ako ng mga sundalo at pilit na binantayan. Kahit anong pag wawala ko ay hindi umubra sa kanila. Huwag mo nang uulitin iyon tol, nasasaktan ko kapag nakikita kang nasasaktan rin. Please, huwag nang matigas ang ulo mo ha." ang bulong ni kuya habang inaalis ang dumi sa aking  mukha   "Sorry kuya.. Pwede bang umuwi na tayo? Inaantok na kasi ako." ang wika ko at doon ay unti unting namatay ang aking baterya. Wala namang nagawa si Kuya kundi ang ipasan ako sa kanyang likuran at lumakad patungo sa kanyang sasakyan. Ako naman ay nakapikit lang habang inanamnam ang aming posisyon. Kapag nawawalan ng baterya ang aking katawan ay nawawalan lamang ako ng lakas para gumalaw ngunit ang aking isipan ay  bukas pa rin at tumatakbo ng walang humpay kaya't alam ko pa  rin ang bawat eksenang nagaganap sa aking paligid.   Bandang hapon, noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko na ang aking sariling nakahiga sa kama. Dito ay nakita ko si papa na inaayos ang mga naka lawit na kable sa aking dibdib. "Kamusta ang pakiramdam mo anak?" ang tanong nito.   "Okay naman po papa.  Napagod lamang po ako sa pakikipag laban kanina." sagot ko naman   "Ang TP product ng Red Chip Corporation ay mga makinang pandigma na gagamitin nila sa pag tatanggol sa ating bansa. Ang nakalaban mo kanina ay isang sample ng kanilang dinedevelop na army. Nag kataon lamang na depektibo ito at wala sa ayos ang pag gawa kaya't lumikha ito ng isang malaking kaguluhan. Mabuti na lamang dahil dumating ka para iligtas ang mga tao doon sa bayan. Proud na proud kami ng mama mo sa  iyo Ace." ang naka ngiting wika ni papa.   "Nag alala lang po ako na baka malagay sa panganib si kuya Sam at pati na rin kayo ni mama. Sorry po kung naging pasaway ako." ang tugon ko naman.   "Nag dulot naman ng maganda ang pagiging pasaway mo anak." biro ni papa sabay tawa ng malakas   Habang nasa ganoong pag uusap kami ay dumating naman si kuya Sam dala ang isang galong ice cream. "Tadaa, tulad ng promise ko sa pasaway na si Ace, kakain kami ng ice cream habang nanonood ng movie." ang bungad ni kuya kaya naman mas lalo pa akong natuwa at napa ngiti.   "Yey!!! Ayos!!" ang sigaw ko sabay balikwas ng bangon.   "Oh sandali, hindi pa naka kabit yung ibang kable sa tiyan mo. Ikaw talagang bata ka masyado kang hyper." pag pigil naman ni papa habang natatawa.   Noong gabi ding iyon ay mag kasama kami ni kuya Sam sa sala habang nanonood ng pelikula. Hindi ko maitago ang saya habang naka unan sa kanyang hita. Nito ko lamang napag tanto na mayroon din palang idudulot na kabutihan ang pagiging pasaway.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD