Chapter 1

2085 Words
Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm ko sa cellphone, alas sais na at kinakailangan ko ng maghanda para sa unang rocket ko ngayong araw. Ngunit papaalis na sana ako ng kama nang maramdaman ko ang isang mabigat na bagay na nakayakap sa aking tiyan. No'n ko lang naalala ang kabaliwan na aking nagawa kagabi. Mariin akong napapikit at napahawak sa aking noo. Alright, Kriz. Walang mali sa ginawa mo. That was just s*x. Okay? Pinakalma ko ang sarili ko bago dahan-dahan na inalis ang kanyang braso. Tiningnan ko ang lalaki ng ilang segundo matapos ko makababa sa kama. Ang guwapo mo. Pero pasensya na at kinakailangan ko na talagang umalis. Inayos ko ang kumot niya bago nilinga ang paligid. Doon ko nakita na wala nga pala akong ibang saplot maliban sa bra at panty na suot ko sa club kagabi at ngayon ay punit-punit na. Yawa! Napangiwi pa ako nang sumidhi ang kirot sa aking p********e. Hindi ko alam na masakit pala sa pechay ang lumandi. Pero bakit kagabi ay panandalian lang ang sakit? Pinilig ko na lamang ang aking ulo at tiniis ang sakit para linisan ang sarili sa banyo. Naligo ako, shampoo at sabon then done. Lumabas ako ng banyo at nagpunta sa wardrobe ng lalaki. Kumuha ako ng maroon na polo at pants niya na sinamahan ko na rin ng belt. Ini-insert ko nalang ang malaking polo sa malaking pants. Pagkatapos ay bini-beltan. Nag-mistulang square pants ang pants niya sa'kin. Hindi naman ako gano'n ka payat, actually malaman ako pero may hubog at sakto lang din ang timbang. Ngunit, malaki talaga ang lalaki. Sa alaga pa lang nito ay napapatirik na ang mata mo. Ano ba ang iniisip mo, hija? Para akong binuhosan ng tubig nang marinig ko ang boses ng yumao kong Lola. Sorry po, Lola. Sinuko ko po ang bataan sa isang guwapong Adonis. Kung sakali man na mabuntis ako, edi magiging masaya na kayo. Panoorin niyo nalang din po kami ng mabuti lola. Makaloko akong ngumiti habang sinusuklayan ang buhok at lumabas kalaunan. Tulog pa rin ang lalake. Kaya't kinuha ko 'yun na oportunidad upang malayang makaalis. Shempre naghabilin ako ng stick note, note ng pagpapasalamat sa kinuha kong damit niya. "GOOD morning, Mr. & Mrs. Reid!" pagbati ko sa kanila nang makarating ako sa villa nila. Dito ako nagta-trabaho bilang tutor ni Brent. 'Yung bunso nilang anak na nasa elementarya pa. "Hindi pa naman po ako, late. Di'ba po?" nakangiti kong tanong. Shempre, joke lang 'yun. Papatawa ba ng konti sa maagang-umaga. As expected, napatawa ko sila. "Ikaw talaga, Krizzia. You always got our tickles." saad ni Mr. Reid bago sumimsim ng kape. Kasalukoyan silang nag-kape sa garden scape nila, kaharap ang malawak na golf land. "You're twenty-minutes early, nakapag-almusal ka na ba?" Sinsero na pagtatanong sa'kin ni Mrs. Reid na ikinangiti ko. "Actually, hindi pa po." Wala din namang magagawa kung itatago ko. Baka ikamatay ko pa ang gutom kapag hindi ako kumain. "Manang Sevy!" kagaya nga rin ng inaasahan ko ay agad itong nagtawag ng katulong. She even stood up para lapitan ako at ayain ako sa coffee table nila. Dumaan ang malamyos na malamig na hangin ng umaga, medyo gininaw pa ang mga palad ko. mabuti nalang at makapal itong outfit na ninakaw ko do'n sa lalake. "Ano po 'yun, Senyora?" Dumating ang katulong nila na si Manang Sevy, nilingon ko siya at nginitian. "Ayy, hi ma'am Krizzia. Good morning po." napaka-galang nito kahit hindi naman ako dapat galangin kasi hindi naman ako nakakapagtapos sa kolehiyo. "Good morning din po, Manang Sevy." pagbati ko pabalik sa kaniya. "Ipaghanda mo kami ng makaka-kain sa hapagkainan. Pabababain mo na rin si Brent para sabay-sabay na tayong kumain." malumanay na utos ng employer ko. "Sige po, Senyora. Sasabihan ko na po ang iba." matapos no'n ay tumungo na si Manang pabalik sa loob. "By the way, Krizzia. You looked cool today." napalingon ako kay Mr. Reid at sa suot ko. Saka lang napatawa nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. "Hindi po kasi ako nakakapag-laba, Sir. Na-busy sa part-time jobs kaya't nakikihiram nalang muna ako ng damit sa kapatid ko." Liar! sigaw ng isang parte ng utak ko. Wala naman talaga akong kapatid. Sadyang nag-iisang anal lang ako ng mga magulang ko. Only princess ba, pero walang palasyo. Ngunit masaya naman. After the downfall of our company three years ago, kahit papaano ay nakita ko rin ang buhay bilang isang challenging na pag subok. Oo, mahirap no'ng nagsimula pa lang... Mahirap din naman ngayon, pero at least nakakapag-adjust ako. "May kapatid ka? Di'ba wala kang kapatid?" sabi na nga ba't mapapansin. Labas ang mga ngipin na napapangiti ako. Sige, lawakan mo pa hija! Isa ka talagang bobo na sinungaling. Ang sama ng konsensya ko sa'kin. "Actually, hindi by blood." Lol, sorry Zeid at parang need ko presensya mo. "May kasama kaming ka-edad ko sa bahay. Tiyaka turing ng parents ko sa kaniya is anak, kaya kapatid na rin po ang turing ko sa kaniya." parang gusto ko sapokin ang ulo ko sa katangahan. Bakit ba kasi ako lumabas ng bar na hindi man lang nagbibihis? Talaga bang gano'n na kami ka-libog? Aish! Hayaan na nga lang! Napapatango lang si Mr. Reid. "Hon, bagay naman sa kaniya ang outifit niya. Parang naaalala ko ang damit ni Thad dito." napakurap-kurap ako at muling napapatingin sa damit ko. Thad? Sinong Thad? "May damit ba siyang ganiyan? I did not notice." wika naman ng asawa niya. "Binili ko sa France 'yun, but that was when he was still in college. Maybe nagka-taon lang na pareho sila ng polo." kaya pala ang naka-imprinta sa military polo ay Eiffel tower tiyaka iilang famous place ng France na ang theme ng polo ay dark caramel. Marahil ay galing din ito sa France? Tiyaka mukha namang mayaman ang lalaking 'yun. "Excuse me po, handa na po ang agahan." Sabay-sabay kaming nag-agahan. Minsan ko na rin silang nakasabay at mag-tatlong buwan na rin akong nag ta-trabaho sa kanila. Yun nga lang, matigas ang ulo ng anak nila. Sa kabila ng pag-iisa at walang kaibigan ay sutil din ito. Napaka-bully sa'kin. Pero dahil naaawa ako sa kaniya at mukha namang hindi siya gano'n ka-sama. I choose to stay. Kahit na ilang beses na niya akong sinaktan physically through his tactics ay hindi ako nagpatinag. "Ayokong mag-aral!" pagkatapos naming kumain ay agad itong sumigaw na ayaw niyang mag-aral. He's always like this, pero pinagpa-pasensyahan nalang naming lahat dahil bata lang naman siya. "Brent, you can't say no. Kailangan mong mag-aral with teacher Krizzia or I will sent you to the actual school. You like that?" Sabi naman ni Mr. Reid na mukhang tinatakot lang ang anak. "The lessons are the same and simple! I can learn it on my own!" sigaw na naman niya at ang boses niya ay bumubulabog sa kabuoan ng bahay. Nilapitan ko siya ngunit umatras siya agad. "Brent, stop right there!" sita ng ama nito na ikinatigil rin ng batang paslit. Nilingon ko si Mr. Reid na nakaupo pa rin sa kabisera habang katabi nito ang asawa at tahimik lang na nakikinig. "Ayus lang po, Sir. Mag-aaral naman si Brent." tiyaka binalingan ko ang nakabusangot na bata at mukhang galit na galit. "No! I won't! So, go away!" agad niya akong nilapitan at itinulak na inasahan ko na rin naman na mangyari. Tumakbo ito papunta sa hagdan at aakyat na sana. "We'll play before we study. How about that, Brent? I will play with you, but you must promise na mag-aaral tayo pagkatapos?" Brent is a kid and he's fond of games and play. Minsan na namin itong ginagawa bago kami nag-aaral. Though, mabu-bully muna niya talaga ako bago siya makakapag-aral. Pero hindi naman malala? Last time ay dinumihan niya ako gamit ang paint brush, nagalit ang ama nito pero dahil sinabi ko na ayus lang at pagpasensyahan nalang muna ito ay hindi na ito umangal pa. "Are you sure? You want to play with me?" umamo ang mukha nito at mukhang nakuha ko rin ang pansin niya. Tumango ako at makahulogan na ngumiti sa kaniya. "Yes, it does't really matter kung mag spend tayo ng kaunting oras, di'ba?" kahit na may pangamba ako sa maaari niyang gagawin ngayon. Tho, kahit bata siya ay kaya pa rin niyang mam-bully lalo na't hindi ka niya gusto. "You swear it, huh?" He mocked me na hindi ko nalang nilagyan ng malisya. "Yaya! Let's go upstairs. We will pick my toys, me and teacher will play at the pool side." wala itong sinayang na oras at agad na nagpunta sa itaas. "Are you sure with this, Krizzia?" nag-aalala na tanong ni Mrs. Reid sa'kin. She's undeniably worried. Nginitian ko lang siya tiyaka tinanguan. "Ayus lang po. Tiyaka ang importante at makakapag-study siya ngayon. He can't just neglect his studies, Mrs. Reid." Kahit na kinakabahan talaga ako at kasalukoyang kinakalma ang sarili na huwag mag-isip ng masama. "I'm afraid that he might bully you again." "Hindi naman po siguro? Pero kung sakali man na mangyari 'yun, I'll have to ready myself as well. Don't worry." pangungumbinse ko sa kaniya bago nagpaalam na magpunta sa pool side. Ilang sandali lang ang hinintay ko at dumating rin si Brent dala ang mga laruan niya at sa likod niya ay ang personal maid niya. Tumayo ako sa bleachers at sinalubong siya. "Sa pool side, Yaya. Doon kami maglalaro ni Teacher." by the way he command ay napaka-arogante niya rin. Halata na spoil siyang bata. "Brent, ano ang lalaruin natin?" tanong ko habang naka-buntot sa kaniya papunta sa pool side. "Teacher, you have to build a house using the lego toys. While I will make a path for my cars. My cars need a home, so please make one." gaya ng gusto niya, ay nagsimula akong gumawa ng bahay. Medyo natutuwa pa ako dahil pakiramdam ko ay bumabalik ako sa pagkabata. Meanwhile, busy si Brent sa ginagawa niya. Hindi ko na rin siya ginulo at nag-focus sa paggawa ng bahay. Hanggang sa naramdaman ko siyang sumakay sa likuran ko. "Tapos na po, teacher?" I don't know but his clingness somehow cute to me. Ito 'yung first time na naglambing siya sa'kin at pino-'po' ako. "Look at my work. I'm done." aniya na ikinalingon ko sa may tiled pool side. "Tara po." inanyayahan niya ako at hinawakan pa ako sa kamay papunta sa tiled side. Ngunit binitawan niya rin ako nang makalapit kami. "You stay here, teacher. Watch me play." napangiti ako nang makita siyang tumakbo sa kabilang dako. Ngunit... "O-Ouch!" nakita ko siyang nadapa at nasaktan kaya agad akong napa-alarma. Nag-aalala baka nasugatan siya o nasaktan ang muscles niya. "Brent, are you alright?" tanong ko sa kaniya at agad na tinungo ang kaniyang kinaroroonan pero... "Teacher! May big lizard sa shoulder niyo!" bigla niyang sigaw na ikina-wala ng ngiti ko sa labi at unti-unting nilingon ang aking balikat. Gayo'n nalang ang pagkakagulat ko nang sumalubong sa paningin ko ang malaking butiki. Nanigas ang katawan ko at nag-panic. Pinalis ko pero hindi ito kaagad umalis. Natataranta ang mga paa ko at para na rin akong tinakasan nang dugo. Hanggang sa naramdaman ko nalang na naging madulas ang tiles kaya't nahulog ako sa malamig na tubig ng pool. "So dumb! Hahaha!" naririnig kong pagtawa niya at tumayo mula sa kaniyang kinadapaan at pinulot ang butiki na ngayon ko lang napagtanto na laruan pala. Hindi ko magawang iapak ang mga paa ko sa surface ng pool dahil napakalalim no'n at hindi ako marunong lumangoy kaya't sinisikap ko na makasinghap. "It's just a toy. Hahaha!" Pinagsasampal ko ang tubig at nagsisi-sipa, may nainom na din akong tubig. Nabibingi ako lalo na't pumasok sa isipan ko ang trauma na nangyari sa'kin no'ng bata ako. We're swimming at a private beach at busy ang lahat nang mangyari 'yun. Something caught my ankle at dinarang ako pababa. Nanginginig at namutla ako sa takot. "Hala! Ma'am!" Hanggang sa nanghihina na ako at hindi na kaya pang magsisipa. Marami ng tubig ang pumasok sa baga ko. "Hindi ko na kaya, Lord. Kayo na po ang bahala kila mom at dad. Bantayan niyo po sila at patawarin niyo na rin po ako sa mga kasalanan ko. Alam kong masama akong anak at napaka-sutil ko pero sana... tuparin niyo ang hiling ko." taimtim kong pagsusumamo sa kadiliman na lumukob sa'kin. Sumisikip na rin ang pag hinga ko. "Anong nangyari?" 'Yun ang huli kong narinig at ang mahigpit na pagyapos sa aking bewang ng kung sinong tao, bago ako tuloyan na nilamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD