Chapter 17 “Nababaliw ka na ba talaga Aceshelle? Bakit ka magpapakasal sa baliw na si Hermes!”halos maputol na ang litid ni Rhina sa sobrang galit sa’kin. Kanina pa kami sinisilip ni Mama sa kwarto dahil sa lakas ng boses ni Rhina. Akala siguro ni Mama nag-aaway kaming dalawa. “Sshhh! Hinaan mo nga ang boses mo.” Sabi ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang si Rhina pabalik-balik sa paglalakad parang siya ang naistress sa naging desisyon ko. “Wala akong pakialam kung marinig ng kapitbahay mo ang boses ko. Maganda nga iyon malaman nila kung gaano ka katanga! Sobrang tanga mo!” nakapameywang pa siya sa’kin. Huminga ako ng malalim. “Naawa kasi ako kay Hermes.” “Awa? Sa sarili mo hindi ka naawa? Buong buhay mo ang baliw na iyon ang makakasama mo. Nahawaan ka na ba ng pagkabaliw kaya gany