MALAPAD ang pagkakangiti ko habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Rhina. Kagabi kasi bago ako natulog nag send ako ng isang picture ni Zyrus habang naglalaro siya ng basketball. Alam na alam kong hindi na makakatulog si Rhina sa kakaisip ng mga nangyari kahapon sa basketball game. "Aceshelle! Bilisan mo!" Narinig kong sigaw ni Rhina. Naiinip na siguro siya sa ikwekwento ko sa kanya. Pilya akong ngumiti naisip ko kasing pasabikin si Rhina. Kaya naman huminto ako at lumapit ako sa lalaking malapit sakin at kinausap ko yon. Nagulat pa nga ang lalaki ng kausapin ko sya. "Excuse me lang ha! Mamaya mo na siya kausapin!" Sabay hila sakin ni Rhina. "What?" Nagtatakang sagot ng lalaki. Ngunit hindi na yon pinansin ni Rhina. Kulang na lang buhatin niya ako papunta sa table niya sa loob ng Cafet