CHAPTER 9

1881 Words
BUMUNTONG-HININGA nang malalim si Sebas bago niya hinawakan ang doorknob ng opisina ng kaniyang ama, nang mabuksan niya iyon ay agad siyang pumasok doon. Kaagad naman niyang nakita ang kaniyang papa na nagpaparoo’t parito nang lakad habang nakaupo naman sa visitor’s chair ang kaniyang ina. Saglit niyang tiningnan ang mga magulang bago siya naglakad palapit sa mga ito. Tumingin naman sa kaniya ang kaniyang papa. Seryosong-seryoso ang hitsura nito ngayon. Sa tanang buhay ni Sebas, hindi pa niya nakitang ganoon kagalit ang papa niya kaya mas lalo siyang nakadama ng takot dito, sa mga maaaring sabihin nito ngayon sa kaniya. Mabait ang kaniyang papa, pero ibang klase naman ito kung magalit. Nagpakawala rin nang malalim na paghinga ang Señor Salvador pagkuwa’y naglakad ito palapit sa swivel chair na nasa tapat ng mesa nito. Umupo ito roon. “Totoo ba ang mga sinabi sa akin kagabi ng mama mo?” Tanong nito. Hindi naman agad siya nakasagot. Napahawak siya sa sandalan ng isang visitor’s chair at saglit na tinapunan ng tingin ang kaniyang ina na seryoso ring nakatingin sa kaniya. “Answer my question Ezio Sebastien Ildefonso,” wika ulit ng kaniyang ama. “Totoo ba na may nangyari sa inyo ni Sakura?” “Yes, pa!” Tipid na sagot niya kasabay nang pag-iwas niya ng tingin dito. “At wala kang balak na panagutan ang ginawa mo sa batang ’yon?” “Because it’s not my fault. I was drunk and I didn’t know na nasa condo ko pa pala siya that night. Wala ako sa sarili ko dahil sa alak, papa.” “For Christ’s sake, Sebastien! Hindi ka namin pinalaki ng mama mo para maging ganiyang klaseng tao!” Tiim-bagang at galit na usal ng señor. “Ilang beses ka na bang kinakausap ng mama mo tungkol diyan sa pambababae mo, but you never listen. Tapos ngayon, binigyan mo pa ako ng malaking kahihiyan kina Itsuki at Helen! Ano na lamang ang mukhang ihaharap ko sa pamilyang iyon gayo’ng wala kang balak na panagutan ang anak nila?” Lintaya pa ng kaniyang ama. Kitang-kita niya ang labis na galit nito ngayon sa kaniya. Ang nanlilisik nitong mga mata, maging ang mga kamao nitong mariing nakakuyom habang nasa ibabaw ng mesa. “Pa—” “Hindi mo manlang iginalang ang pagiging matalik naming magkaibigan ni Itsuki.” “Hon, calm down!” Nag-aalalang sabi naman ng Doña Cattleya sa asawa. “Your heart.” Ngunit hindi naman pinakinggan ng Señor Salvador ang asawa nito. “Paano na lamang kung mabuntis mo ang batang iyon?” “Then, I will support the child, papa,” sabi niya. “If Sakura ever gets pregnant because of what happened that damn night, I will support her pregnancy, until she gives birth and... hanggang sa lumaki ang bata. Hindi ko na siya kailangang pakasalan kung iyon ang gusto ninyong mangyari sa amin. Kaya ko namang panagutan si Sakura ng hindi ko na kinakailangang pakasalan siya.” “Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Sebastien?” galit at hindi makapaniwalang tanong din ng Doña Cattleya sa anak. “Diyos ko! Ano ang nangyayari sa ’yong bata ka?” “Ma, I don’t like Sakura. Kaya kung plano man po ninyong ipakasal kaming dalawa dahil sa nangyari sa amin—” “Iyon talaga ang mangyayari at wala kang magagawa roon. Hindi mo puwedeng suwayin ang desisyon ko.” Agap na saad ng kaniyang ama. Kunot ang noo na napatingin siya rito. Damn! Sinasabi niya na nga ba, e! Hindi pa man sila nagkakausap ng magulang niya kagabi pagkauwi niya sa mansion, pero alam niya na agad ang plano ng mga ito. Hell no! He can’t marry, Sakura! “But, pa—” “Binalaan na kita Sebastien, kayo ng mga kapatid mo... oras na gumawa kayo ng kalokohan na hindi ko magustohan, I will take back all the property I bequeathed to you. I will deprive all your inheritance. At tatanggalan kita ng kaparatan na gamitin ang apelyedo ko. Ayokong patuloy mong bigyan ng kahihiyan ang pamilyang Ildefonso.” Galit na saad ng Señor Salvador. “I want you to marry Sakura kung ayaw mong habang-buhay kitang hindi kibuin kagaya sa Kuya Pablo mo.” Nanlulumong napabuga nang malalim na paghinga si Sebas dahil sa mga sinabi ng kaniyang papa. Wala sa sariling napahilamos din siya sa kaniyang mukha at hinagod ang kaniyang batok. Damn it! Kung dati ay namomoblema na siya sa tuwing kinukulit siya ng kaniyang mama tungkol sa pag-aasawa niya, ngunit ngayon heto, mangyayari na nga ang bagay na ayaw pa niyang mangyari sa kaniya. Hindi niya lubos akalaing dahil lamang sa isang gabing nangyari sa kanila ni Sakura ay biglang magiging ganito ang takbo ng buhay niya. “Pa, hindi ko naman kasalanan kung bakit may nangyari sa amin ni Sakura. I was—” “I don’t care kung dahil sa alak ay nagkaganiyan ka. Kaya nagawa mong pakialaman ang anak ni Itsuki. All I want you to do is marry Sakura kung ayaw mong tuluyan akong magalit sa ’yo, Sebastien!” “I can’t marry, Sakura.” “Then start packing your things and leave my house. At simulan mo na ring kalimutan na may pamilya ka pang aasahan kapag nagipit ka sa sitwasyon mo.” Mariing saad pa ng Señor Salvador. Napabuntong-hininga siyang muli at napailing. “Pa, please don’t do this to me.” Tiim-bagang na nagpakawala rin nang malalim na paghinga ang Señor Salvador habang matalim ang titig sa anak. “You disappointed me, Sebastien.” Anito ’tsaka tumayo sa puwesto nito. Walang salita na naglakad ito upang lumabas sa opisinang iyon. Kaagad din namang tumayo sa puwesto nito ang Doña Cattleya at sumuod sa asawa. “What is happening here? What’s that noise?” Takang tanong ni Gawen nang makasalubong nito sa sala ang mga magulang. Nagtuloy lamang sa pagpanhik ang Señor Salvador, samantalang nilapitan ng ginang ang anak nito. “Nagagalit ang papa mo sa kapatid mong si Sebas.” Nangunot ang noo ng binata. “Why?” “Nalaman ko kahapon na may ginawang kalokohan ang kapatid mo kay Sakura. At wala siyang balak na panagutan ang anak nina Itsuki at Helen kaya labis na nagagalit ang papa mo.” Bumuntong-hininga si Gawen dahil sa narinig nito. Napailing pa ito. “Where is he?” “Nasa opisina ng papa mo.” “Alright, ma. I’ll talk to him. Sumunod ka na kay papa.” Anito at saka naglakad upang tunguhin ang opisina ng ama nito. Pagkarating nito roon, kaagad nitong nakita ang kapatid na nakaupo sa mahabang sofa habang nakatulalang nakatitig sa sahig. “Hey!” Nag-angat naman ng mukha niya si Sebas upang tapunan ng tingin ang kapatid niya. “Nandito ka rin ba para sermunan ako?” tanong niya. Naglakad si Gawen palapit sa kaniyang puwesto. Tumayo ito sa gilid ng sofa. “I don’t know the whole story but...” anito. “Mama told me, it’s about you and Sakura.” Muli siyang napabuga nang malalim na paghinga. “Papa wants me to marry, Sakura.” Aniya. “Ikaw naman kasi, mom has been telling you for a long time to stop being a womanizer, but you don’t want to listen. Now, you are in big trouble.” “I know I made a mistake, Gawen. Hindi mo na kailangang dagdagan ang panenermon nina mama at papa sa akin.” “You should fix this mess.” “And do you think marrying Sakura will help to fix this problem?” Kunot ang noo na tanong niya nang tumingala siya sa kaniyang kapatid. “Sakura is your problem, so yeah, marrying her is the answer to fix your problem, especially with dad.” Napailing siya. “Gawen, you know I’m not ready to settle down. I’m not ready to get married.” “You also know that papa will not allow you to disobey what he wants to happen. You made a mistake, so you have to face your responsibility with Sakura.” Anito. “f**k!” Ang tanging nasambit niya ’tsaka iritadong ginulo ang buhok niya. Mayamaya ay tumayo siya sa kaniyang puwesto at walang salita na nilisan niya ang opisina na iyon. Iniwanan niya roon ang kaniyang kapatid. MULA SA PAGKAKAUPO sa gilid ng kaniyang kama, napalingon si Sakura sa pinto ng kaniyang silid nang makarinig siya ng katok mula sa labas niyon. “Ma’am Sakura, ipinapatawag na po kayo ng papa ninyo.” Dinig niya ang tinig ng isang kasambahay nila. “Nariyan na raw po sina Señor Salvador at Doña Cattleya.” Bigla niyang nakagat ang pang-ilalim niyang labi nang marinig niya ulit ang sinabi ng kasambahay. Kanina pa siya kinakabahan at hindi malaman kung ano ang gagawin niya sa mga sandaling iyon. Kagabi ay tinawagan siya ng kaniyang mama at sinabihan siyang umuwi sa kanila sa araw na iyon dahil pupunta raw ang mag-asawang Ildefonso sa kanila. Of course alam na niya kung ano ang dahilan ng pagpunta ng mag-asawa sa bahay nila. Hindi pa niya nasasabi sa magulang niya ang tungkol sa sitwasyon nila ni Sebas kaya labis siyang kinakabahan sa maaaring maging reaksyon at sasabihin ng mama at papa niya mamaya. “Ma’am Sakura!” Muli siyang napatingin sa pinto nang tawagin siya ulit ng kasambahay nila. “Y-yeah, I’m coming!” Aniya ’tsaka napilitan na rin siyang tumayo sa kaniyang puwesto. Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan iyon. “Bumaba na raw po kayo, ma’am sabi ng papa ninyo.” “Yeah. Magbibihis lang ako,” sabi niya. Tumango naman ang babae ’tsaka ito tumalikod at umalis. Nang maisarado niya ulit ang pinto ay muli siyang bumuntong-hininga nang malalim at naglakad pabalik sa kaniyang kama. Muli siyang napaupo roon. “Oh, sana lang hindi magalit sa akin sina mama at papa, mamaya.” Aniya habang kabado pa rin. Ilang minuto pa siyang nanatili sa kaniyang puwesto bago siya tumayo ulit at lumapit sa closet niya at nagbihis na. NASA PUNO na siya ng hagdan nang matanaw naman niya sa sala nila si Sebas. Nakatayo ito paharap sa malaking bintana, nakatanaw sa labas. Muli niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib, lalo na nang bigla itong humarap at tumingin sa itaas ng hagdan. Nang magtama ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Sakura ay biglang nag-slow motion ang buong paligid niya. Wala siyang ibang nakikita sa mga sandaling iyon kun’di si Sebas lamang. Seryoso man ang hitsura nito habang nakatitig sa kaniya, hindi niya pa rin mapigilan ang kaniyang damdamin para dito. Alam niyang mas nagagalit ito ngayon sa kaniya, pero wala na siyang magagawa. Kailangan niya itong harapin, kasama ang mga magulang nila. Humugot siya nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa kaniyang dibdib bago pinakawalan sa ere. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumaba sa mataas na hagdan. Hindi niya inalis ang paningin sa binata, ganoon din naman ito. Seryoso lamang na nakatitig sa kaniya si Sebas, hanggang sa makababa na siya nang tuluyan. Naglakad naman ang binata palapit sa kaniya. Gusto niyang magsalita at kausapin ito, pero tila nawalan siya ng lakas na gawin iyon. Naumid bigla ang kaniyang dila. “We need to talk.” Anang Sebas sa kaniya at walang sabi-sabi na hinawakan ang kaniyang kamay at hinila siya palabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD