NANGUNOT ang noo ni Sebas nang pagkatingin niya sa dalampasigan kung saan nagbo-bonfire sina Marya ngunit hindi niya nakita roon ang kaniyang asawa. Ang akala niya ay dumiretso roon si Sakura kanina nang magmadali itong umalis at iniwanan siya para balikan ang mga kaibigan nito. Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong paligid upang hagilapin ang kaniyang asawa, ngunit hindi niya ito makita. Mag-a-alas sais na ng gabi kaya medyo nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa buong paligid. Nang hindi pa rin mahagip ng kaniyang paningin si Sakura ay tumayo na siya sa kaniyang puwesto. “Where are you going?” tanong sa kaniya ni Alihan. “Hahanapin ko lang ang asawa ko.” Aniya at kaagad siyang naglakad upang lumapit sa kinaroroonan nina Marya. “Hey, Sebas. Where is Sakura?” tanong sa kaniya ni S
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books