“THANK YOU HIJA! And, pasensya ka na ulit kung naisturbo ka ng anak ko.”
Ngumiti siya sa ina ni Sebas habang magkaharap silang nakaupo sa sofa. Nasa Bulacan na siya ngayon dahil inihatid niya ang binata kanina. Naiwanan kasi ni Sebas ang kotse nito sa condominium kung saan sila nagkita kaninang umaga.
“Nako, it’s okay po tita. No problem naman po.” Saad niya.
Bumuntong-hininga naman ang ginang at umiling. “Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa batang iyan at puro na lang pambababae ang inaatupag.” Anito na halata nga sa mukha ang pagka-stress dahil sa palikerong anak. “Mabuti nga at ikaw na rin ang naghatid sa kaniya rito. Dahil kung hindi, I’m sure na hindi na naman siya uuwi rito. May usapan pa man din kami kahapon na rito siya magtatanghalian ngayon. So, thank you so much, hija Sakura.” Matamis ang ngiti sa mga labing sabi ulit ng ina ni Sebas.
Muli siyang ngumiti. Nako, kung alam lamang ng ginang na ito kung ano ang nangyari sa anak nito kanina, malamang na tatalakan na naman nito si Sebas.
Matalik na magkaibigan ang papa niya at ang papa ni Sebas kaya naging malapit na rin siya sa mag-asawang Ildefonso. At alam din ng mga ito na gusto niya ang anak ng mag-asawa.
“Welcome po, tita.” Aniya.
“Well, dito ka na mag-lunch. Saluhan mo na kami at pauwi na rin ang Tito Salvador mo.”
“Nako, gusto ko pong tanggapin ang alok ninyo tita, pero I have to go na rin po kasi. May importanteng lakad din po kasi ako ngayon, e! Inihatid ko lang po si Sebas dito dahil wala ang kotse niya.” Pagpapaliwang niya.
“Hindi ba kita puwedeng mapilit?”
Muli siyang napangiti at tiningnan ang suot niyang wrist watch. “Maybe next time po tita. Ako na po mismo ang mag-aaya sa inyo ng lunch outside.”
Ngumiti na rin ang ginang sa kaniya. “Okay. Mukhang hindi na nga kita mapipilit ngayon.”
Tumayo na siya sa kaniyang puwesto at isinukbit sa kaniyang balikat ang kaniyang sling bag. “Paano po tita, mauuna na po ako.”
“Alright,” sabi ng doña at tumayo na rin sa puwesto nito at lumapit sa kaniya. Niyakap siya nang mahigpit at hinalikan siya sa kaniyang magkabilang pisngi. “Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo.”
“I will po tita.”
“Hey!”
Sabay sila ng ginang na napatingin sa itaas ng hagdan nang marinig nila mula roon ang boses ni Sebas.
Halatang bagong ligo na ito dahil sa buhok nitong medyo basa pa. Nakasuot ito ng white round neck tshirt na kaunti na lang siguro ay mapupunit na dahil sa higpit ng pagkakayakap sa maskulado nitong katawan. Itim na walking short din ang suot nito at tsinelas.
Nang makababa ito sa mataas na hagdan ay naglakad ito palapit sa kanila ng ginang. “Are you leaving?” tanong nito sa kaniya.
“Um, yeah. May pupuntahan pa kasi ako, e!”
“Ayaw mong mag-lunch muna rito?”
“Next time na lang. Importante kasi ang lakad ko. Late na nga rin ako, e!”
“Alright.”
“Ihatid mo na siya sa labas hijo.” Utos ng doña sa anak.
Nangunot naman ang noo ni Sebas nang lingunin nito ang ina. “Malaki na siya mom, kaya na niyang lumabas ng bahay.” Anito.
“Ikaw talagang bata ka!” Anang doña at walang pag-aalinlangang piningot ang tainga ng anak. “Hindi ka ba nahihiya at si Sakura pa ang nag-drive sa ’yo pauwi rito?” inis na tanong nito.
Lihim naman siyang napahagikhik dahil sa nakitang hitsura ng binata nang hawakan ng ina nito ang tainga.
“Mom, ouch! Masakit! Okay! Ihahatid ko na siya sa labas.” Pagsuko nito agad sa ina.
“Susunod naman pala, e!” Sabi ng doña at binitawan ang tainga ng anak. Muli itong ngumiti ng matamis nang tapunan siya ng tingin. “Mag-iingat ka, hija.”
“Thank you po, Tita Cattleya.” Aniya ’tsaka tumalikod na at nagpatiunang naglakad.
Sumunod naman sa kaniya si Sebas na hinihimas-himas pa ang nasaktang tainga.
“Are you okay?” nakangiting tanong niya nang tingnan niya ito.
“What do you think?” sa halip ay inis at balik na tanong nito sa kaniya.
“Ikaw naman kasi, ihahatid mo na lang ako palabas ng bahay ninyo tinatamad ka pa. Samantalang ihinatid nga kita rito sa Bulacan mula Makita.” Napapailing pang sabi niya.
Umasim naman ang mukha ni Sebas dahil sa mga itinuran niya. “Magkano ba at babayaran kita para hindi mo ako kinukonsensya sa paghatid mo sa ’kin dito?” tanong nito.
Huminto siya sa paglalakad nang nasa tapat na sila ng kaniyang sasakyan. Nakapamaywang na hinarap niya ang binata at tinitigan ito ng mataman sa mga mata.
Oh, damn it! Dati, ni hindi niya manlang magawang titigan ito sa mga mata ng isang segundo lang. Naiilang kasi siya at bigla-bigla na lang kumakabog ang kaniyang puso na tila ba tatalon na sa kaniyang ribcage upang magpapansin sa binata, pero ngayon... ang lakas-lakas na ng kaniyang loob na makipagtitigan dito. Minsan nga ito pa ang nag-iiwas ng tingin sa kaniya dahil naaalibadbaran daw ito sa mukha niya. Hayst! Hindi naman siya panget para maalibadbaran ang taong tititig sa kaniya, masiyado lang talagang harsh sa kaniya si Sebas. Nako, kung hindi niya lang ito mahal, siguro ay matagal na niya itong nakarate.
“Stop staring at me, woman.” Naiinis na sabi nito sa kaniya at dinuro pa ang kaniyang noo kaya bahagya siyang napatingala.
“Bakit, naiilang ka pa rin sa mga titig ko sa ’yo?” nakangiti at nanunudyong tanong niya. “Nako, baka may crush ka na rin sa ’kin, Ai, kaya naiilang ka na sa mga titig ko sa ’yo!”
“Tsk! In your dreams, minikui.” Anito at pinitik naman ang kaniyang ilong.
“Aray huh!” napahawak siya roon at banayad niyang hinimas-himas iyon. “Nagsasabi lang naman ako. Baka mamaya niyan...” huminto siya sa pagsasalita at muling ngumiti ng matamis at nakakaloko.
“What?”
“Totoo na,” sabi niya. “Baka hindi ka lang makaamin sa akin kasi nahihiya ka.” Nagtaas-baba pa ang kaniyang mga kilay at kinindatan niya ito. “Huwag kang mahihiya na aminin sa akin kapag gusto mo na rin ako, Ai. Magpapa-party pa nga ako kapag nangyari ’yon, e!” Aniya.
Buntong-hiningang napailing na lamang si Sebas dahil sa mga sinabi niya.
Aware ang binata sa totoo niyang nararamdaman para dito. Simula kasi nang gabing aminin niya kay Sebas na gusto niya ito, mas lalo pa siyang naging vocal sa totoong nararamdaman niya. Hindi lamang vocal, masiyado rin siyang showy sa feelings niya for him. Wala siyang pinipiling lugar basta si Sebas ang kasama o nakikita niya, wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Maglalambing o magpapapansin siya sa binata hanggat gusto niya. Kaya nga hindi na bago o sekrito sa mga pamilya nila o sa mga kaibigan nila kung gaano niya kagusto ang binata. Ito lang talaga ang ayaw siyang patulan. Siguro, kahit maghubad na siya sa harapan nito, ihain na niya ang kaniyang sarili dito hindi pa rin siya nito papatulan! Hindi nga nito sinasakyan ang pang-aakit niya rito, ano pa kaya ang patulan siya nito sa kama?! Ang sabi nga nito sa kaniya dati, kahit daw siya na lamang ang babae sa mundo, hindi siya nito papatulan. Medyo na-hurt siya sa mga sinabing iyon ni Sebas sa kaniya noon, pero siyempre, hindi siya nagpaapekto, hindi niya pinansin iyon. Sa halip, mas lalo pa ngang lumalim ang nararamdaman niya para sa binata sa paglipas ng mga panahon. Naniniwala siyang balang araw, magugustohan din siya ni Sebas. Alam niya sa kaniyang puso na ang binata ang nakatadhana para sa kaniya. Kung kinakailangan niyang maghintay ng ilang taon hanggang sa madiskubre ni Sebas sa puso nito na siya ang itinitibok niyon, gagawin niya. She’s willing to wait.
“Handa pa rin akong maghintay, Ai.” Sabi niya rito.
She used to call him Ai. It’s a Japanese word, which means, love. No’ng una ay naiirita pa sa kaniya si Sebas kapag tinatawag niya ito ng ganoon, pero sa kalaunan ay nasanay na rin ito. Well, wala naman kasi siyang balak na tigilan ang pagtawag ng ganoon sa iniirog niya.
“I doubt it, minikui,” sabi nito at umiling pa.
Napasimangot siya. Kailan naman nito titigilan ang pagtawag sa kaniya ng minikui? E, hindi naman siya panget!
“I know you can’t wait for me. Susuko ka rin.”
Umiling siya. “Ang taong walang paninindigan lang ang sumusuko, Mr. Ildefonso. But me? Nah! May paninindigan ako. At, hindi ako basta sumusuko lalo na kapag pangarap ko ang pinag-uusapan.” Kumindat pa siya rito. “Malas mo lang dahil ikaw ang pangarap ko, kaya hindi kita susukuan.”
Sumimangot lamang ang binata at dinukot ang wallet sa bulsa ng walking short nito. “Name your price, woman.” Anito at naglabas ng pera.
“Nah, alam mong mayaman din ako. I don’t need your money, sweetheart.”
“So, how do I pay you?”
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang may ideyang biglang pumasok sa isipan niya.
“Oh, no. I know that smile.” Anang Sebas at napaatras sa puwesto nito.
Humakbang naman siya palapit dito. “I-date mo ako para mabayaran mo ang gasolinang nagamit ko sa paghatid sa ’yo papunta rito,” sabi niya.
“No way! Mag-isip ka ng iba.” Magkasalubong ang mga kilay na sabi nito sa kaniya at umiling-iling pa.
“Wala akong maisip na iba.”
“Come on, Sakura!”
“Okay,” sabi niya. “Kung ayaw mo akong i-date... jowain mo na lang ako—”
“That’s insane.”
Napasimangot siya. “Maka-insane ka naman! Para namang sobrang panget ko para ayawan mo ako.”
“Exactly.”
Mas lalo siyang napasimangot dahil sa sinabi nito. “Nako, kung hindi lang ako head over heels in love with you, nunca ka riyan na magsayang ako ng gasolina para lang ihatid ka papunta rito!” nanulis pa ang kaniyang nguso pagkasabi niyon.
Hindi na napigilan ni Sebas ang mapangiti dahil sa naging hitsura niya. Muli nitong pinitik ang kaniyang noo. “Just go. Late ka na kamo sa pupuntahan mo.” Hinawakan pa nito ang kaniyang mga balikat at itinulak na siya papunta sa kaniyang kotse. Ito pa ang nagbukas ng pinto sa driver’s seat at pinapasok siya roon. “Take care, my driver.” Isinarado agad nito ang pinto sa tabi niya.
Kaagad din naman niyang ibinaba ang salamin sa bintana. Kumaway siya rito at nag-flying kiss pa. “Bye lover,” sabi niya ’tsaka binuhay na rin ang makina ng kaniyang sasakyan. “I-date mo ako, a! Tomorrow night.”
“Call my secretary and make an appointment with me. Maybe... I’ll date you.”
“I’ll do that. Bye, Ai!”
“Take care.” Kumaway rin ito sa kaniya bago tumalikod at pumasok muli sa main door.