Year 1815,Reign of Ryuhan also known as King Sunjo
TAONG 1815, Sa Panahon ng Joseon Dynasty, kung saan kilala bilang isa sa pinakamadilim na bahagi ng monarkiya. Ang Inang Reyna ng kaharian na nagngangalang Reyna Joo ay namumublema kung paano papatatagin kapangyarihan ng pamilya nila sa buong Joseon dahil sa hindi pa nagkakaanak ang mahal na Reyna na si Reyna Yoona at ang Mahal na Hari na si King Sunjo o mas kilala bilang Ryuhan.
“Gusto mong protektahan ang posisyon mo bilang inang Reyna diba?” tanong ng manggamot na si Daerin sa reyna na nakaupo sa kaniyang harap.
Ngumisi ang inang reyna sa kaniya. “Alam na alam mo ang mga pangangailangan ko, Dae Rin.” Sagot nito sa kaniya.
“Dahil kilalang- kilala kita, Inang Reyna.”
“Alam mo na rin siguro ang dahilan kung bakit kita talaga pinatawag diba?” Ngumiti ang manggagaway sa inang Reyna.
“Nais mong magkaroon ng tagapagmana ang Mahal na hari at ang Reyna, diba? Ngunit, 'di mo ito magawa dahil sa baog ang mahal na reyna.” Sagot nito sa kaniya, sumeryoso ang mukha ng inang Reyna.
Nababakas sa mukha nito ang nagpupuyos na kasakiman sa kapangyarihan na mayroon siya. “Kailangan ko ng magiging tagapagmana kung 'di mawawala sa pamilya namin ang palasyong ito.” Pagkwento n'ya sa manggagaway. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana ay 'di ako pumayag na magpakasal sila!”
“Ngunit kailangan mo ang kapangyarihan ng mga Jeon para sa maging Hari ang prinsipe noon diba? Hindi mo basta- basta matataboy ang reyna sa palasyo pwera na lang kung mag taksil s’ya sa ating bayan.” Nakakalokong tanong ni Daerin sa kaniya, napabuntong hininga ang reyna sa nadinig nito.
“Maari mo ba akong tulungan?” ngumisi si Daerin sa kaniya at saka sumimsim sa maliit na tasa ng tsaa na nakahanda sa harap n'ya. Gano'n din ang ginawa ng Inang Reyna.
“Alam mong handa akong pagsibilhan ka, mahal na inang Reyna. Ngunit, ang hiling mo ay mahirap gawin lalo na't 'di makukuha sa mundong 'to ang solusyon na kailangan mo.” Sagot n'ya rito, nagtatakang tumingin ang Inang Reyna sa kaniya.
“Anong ibig sabihin mo?”
“Dahil ang nakatakdang magdala ng anak ng Hari ay matagal ng patay.” Nagkunot ang noo ng Mahal na Reyna. “Kung patay na s'ya ay paano ang gagawin mo? At sino ang maaring magdala ng anak ng hari?” tanong n'ya rito.
Mahinang ngumisi si Daerin.
“Kailangan mo ba ng kamag-anak ng babaeng iyon? Sa pagkakaalam ko ay pinapatay ko na ang natitirang kamag-anak ng babaeng ‘yon.”
“Hindi ko kailangan ang kamag-anak niya. Siya mismo ang kailangan ko.”
“Anong ibig sabihin mo? Matagal ng patay ang babaeng ‘yon, Daerin. Hindi mo na siya maaring magamit pa.”
“Maraming sakop ang aking kapangyarihan, Mahal na inang reyna. Isa akong Shaman na nagtataglay ng malakas na itim na kapangyarihan.” Giit ni Daerin sa kaniya, ‘di maipaliwanag ng inang reyna ang nararamdaman niyang curiosidad sa sinasabi ng babaylan sa kaniya. Ngumisi si Daerin bilang pahayag na alam na niya ang iniisip ng inang reyna.
“Kukunin ko siya sa kabilang mundo. Sa mundo na malayo ang pagitan sa atin.” Mas lalong na-curious ang mahal na inang reyna. “Bubuhayin mo ang batang 'yon?” tanong n'ya rito, tumawa si Daerin. Isang tawa na nakakakilabot at nakakatakot pakinggan. “Hindi ako Diyos, Inang Reyna. Isa akong manggagaway,” natatawa nitong sagot sa kaniya.
“Wala na akong pakialam sa mga paraan mo, Daerin. Ang mahalaga sa akin ay ang bagong tagapagmana ng trono, ang bagong hari ng Joseon.”
“Siya lang ang nag-iisang babae na maaring magdala sa susunod na tagapagmana. Ang batang dadalhin n'ya ay ang mag-aangat sa buong Joseon, makikilala ang panahon na ito bilang isa sa pinakamasaganang paghahari sa buong kasaysayan ng ating bansa. Ang kaharian natin ay magiging masagana ulit gaya ng dati. At ang pangalan mo bilang isang Inang Reyna ay kahit na kalian man ay 'di malilimutan magpakailanman.”
“Dalhin mo na siya sa akin sa madaling panahon.”
“Sigurado ka na ba, Inang Reyna? Sapagkat, sa oras na mahulog ang loob ng mahal na hari sa babaeng iyon ay magdudulot ito ng gulo sa ating palasyo.” Seryoso nitong saad, ngumisi ang Inang Reyna sa kaniya. “Kahit na kailan ay 'di mahuhulog ang Mahal na Hari sa babaeng 'yon at hindi rin ako papayag. Hindi tanga ang mahal na hari upang mahulog sa babaeng makakasiping lang n’ya upang mabigyan siya ng anak.”
“Kahit na silang dalawa talaga ang nakatakdang maging magkasama habang buhay? Malaking sugal ang gagawin mo mahal na inang reyna.” tanong nito sa kaniya.
“Sinabi mo na rin 'yan sa babaeng iyon dati at napigilan ko ang nalalapit nilang pag-iisa ng hari. Magagawa ko ulit 'yon ngayon dahil ako ang Diyos sa palasyong ito. “ nanggigil nitong saad.
Napangisi na lang si Daerin sa mga sinasabi nito.
“Iba talaga ang dala ng kasakiman. Matatalo ba ng pag-ibig ang kasamaan na dulot ng kasakiman at obsesyon?” tanong ni Daerin sa kaniyang sarili.
“Gawin mo na ang nais ko, Daerin. Umpisahan n'yo na ang paglikha sa susunod na tagapagmana.” Utos nito, napailing na lang si Dae Rin dahil alam n'yang walang makakapigil sa hinaharap pero wala rin namang makakapigil sa pagiging sakim ng inang reyna.
DINIG NA DINIG ni Reyna Yoona ang kabog sa kaniyang dibdib habang tinitingnan ng Doktor ang kaniyang pulso. Umaasa siya dahil dalawang linggo na s'yang hindi dinadatnan, maaring buntis na siya. Sinisimulan na n'yang makita sa kaniyang isipan ang hinaharap ng magiging pamilya nila ni Ryuhan o mas kilala bilang Haring Sunjo.
Huminga s'ya ng malalim, at ngumiti bago tumingin sa Royal Phyisician ng palasyo. “Manggagamot Jung, buntis na ba ako?” tanong n'ya rito.
Mas lalong napayuko ang doktor para itago ang lungkot na rumehistro sa mukha nito. “Patawad Mahal na Reyna ngunit hindi pa po kayo nagdadalang tao,” saad nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya ng madinig niya 'yon. Mula ng magpakasal sila ng Mahal na Hari ay kahit na minsan ay 'di pa sila nabibiyayaan ng isang supling.
Lahat na ng posisyon na nakalista sa libro ng Qing Dynasty at Tang Dynasty ay sinubukan niya kahit nakakangawit ay ginawa niya pero wala. Wala pa ring nagbabago sa relasyon nila ng Mahal na Hari at 'di pa rin sila nagkakaanak. Pakiramdam niya ay nagsisisi na ang Hari dahil pinakasalan siya nito. Sa tatlong taon ng kanilang pagsasama ay ‘di niya ito lubusang mapasaya.
Pakiramdam niya ay pasakit lang s'ya sa mahal na hari. “Huwag ka ng malungkot, mahal na Reyna maaring sa susunod na pagtatabi n'yo ng mahal na hari ay may mabuo na.” nakangiting saad ng Court Lady nito na si Lady Seo.
“Sana nga, sana sa susunod na pag-iisa naming ay magkaroon na kami ng anak. Sa tingin ko kasi ay magbabago ang pakikitungo n'ya sa akin. Sa tingin ko kapag nagkaroon kami ng supling ay mamahalin niya rin ako.” Malungkot nitong tugon sa kaniya. Si Reyna Yoona ay isa sa pinakamagandang babae sa buong Joseon. Isa sa mga tagahanga ng noon ay prinsipe pa lang na ang Mahal na Hari, bago pa ito maging si Haring Sunjo. Dahil sa angkin n'yang ganda at sa kapangyarihan na taglay ng kanilang pamilya. Nakuha niya ang gusto niya at napangasawa niya ito.
Pero hindi naging madali ang lahat para sa kaniya. Ang prinsipe na noon ay puro kasiyahan at pakikidigma lang ang hilig ay napilitang magpakasal sa kaniya. Sa edad na 17 ay kinasal siya at naging Reyna na ng buong Joseon pero hindi ng puso ni Ryuhan.
“Huwag po kayong mag-iisip ng ganyan, Mahal na reyna.” Saad ni Lady Seo sa kaniya pero mahina na lang s'yang ngumiti.
KINAHAPUNAN, gumawa ng pinatuyong persimmon si Reyna Yoona para sa kaniyang Mahal na hari. Nakangiti s'yang pumasok sa tahanan nito at sinalubong s'ya ng mga Eunuch ng hari. Ang mahal na hari ay mayro’ng mahigit 50 Eunuch na sumusunod at nagbabantay sa kaniya araw- araw. Sila ang nag-aalaga sa hari at naninigurado na walang mangyayaring masama dito. “Mahal na Reyna, ano pong ginagawa n'yo rito?”
“Gusto kong dalawin ang aking Hari, ginawan ko s'ya ng pinatuyong persimmon para kainin ngayon hapon,” saad nito sa kaniya.
“Ngunit 'di po muna tumatangg—” natigil sila sa pagsasalita ng makarinig sila ng kakaibang tunog.
“Oh! Mahal na hari! Binabaliw mo ako!” nagkatinginan ang mga Eunuch sa mga nadinig nila. Napayuko naman si Reyna Yoona, nakaramdam ito ng kirot sa kaniyang puso. Ginagawa na naman niya, kahit mag-asawa na kami ay nagdadala pa rin siya ng ibang babae sa kaniyang tahanan upang paglaruan. Napayuko ang mahal na reyna sinubukan niyang itago ang naramramdaman niya.
“Patawad po Mahal na Reyna,” saad nito sa kanila.
“Gusto mo bang diinan ko pa kahit nasa ganyan kang posisyon?” dinig na dinig n’ya ang bedroom voice ng Hari.
“Kahit anong nais n'yo... kahit ano! Sa'yong- sayo ako!” sagot naman nito sa kaniya kasunod ang malalim na paghinga at ang pag-ungol nito. Sunod n'yang nadinig ay ang malakas na tunog ng pag-uumpugan ng balat ng dalawa.
Hindi siya umungol ng ganyan sa t'wing nagsasama kami. Ginagawa ko naman ang lahat para mapasaya siya.
“Ito ang gusto ko sa'yo, ibang- ibang ka kay Yoona hindi ka nakakainip,” saad ni Haring Ryuhan sa kaniya. “Mas magaling ba ako sa kaniya, Mahal na hari?” tanong nito sa kaniya at nagtawanan ang dalawa.
“Aah! Aah!” maharot na ungol ng babae.
“Sa tingin mo ay pag-aaksayahan kita ng oras kung 'di mo ko napapasaya?”tanong n'ya sa babaeng 'yon.
“Aah! Mahal na hari! Ah!” ungol n'ya rito, dinig na dinig nila ang bawat pagsalubong ng hari. Nag-init ang tainga ni Reyna Yoona habang nakatingin sa halos transparent na cover na kwarto. Kitang- kita n'ya ang anino ng asawa niya na may kasamang ibang babae, namuo ang kaniyang luha pero pinigilan niya ito.
“Mahal na Reyna, sa tingin ko dapat ay bumalik na lang kayo sa susunod na araw. Kilala n'yo ang Mahal na hari mas nagtatagal siya sa kwarto siya kaysa sa kaniyang trono.” Saad ni Eunuch Jang sa kaniya.
“Hindi, hihintayin ko na lang siya. Gusto kong kainin namin ng sabay ang ginawa kong pagkain.” Nakangiti nitong saad habang tinatago ang nararamdaman n'yang sakit.
“Hihintayin ko na lang silang matapos. Maghihintay ako dito,” saad n'ya at saka siya naupo. Matyagang naghintay si Reyna Yoona hanggang sa matapos ang hari at ang babae nito. Hindi nagtagal lumabas ang babae sa kwarto ng mahal na hari. Masama n'yang tiningnan ang babaeng 'yon na anak ni Punong Ministro Choi at isa sa mga napagpilian ng Inang Reyna upang mapangasawa ni Mahal na Hari, iyon ay si Boksoon. Isang magandang dalaga na may kulay brown na buhok at mapulang pisngi. Maganda rin ang katawan nito at maraming mga kalalakihan ang nais s’yang makuha ngunit sa hari lang siya tumitiklop. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang mahal na reyna.
“Mahal na Reyna, kinagagalak ko pong makita kayo.” agad itong yumuko upang magpakita ng respeto.
Ngumiti siya rito at pinilit na itago ang nadadama niyang inis. “Magandang araw, Boksoon. Maari ko na bang makausap ang Mahal na hari, ang aking asawa?” tanong niya rito, napaatras ang dila ni Boksoon at agad na inayos ang kaniyang Hanbok na gusot- gusot.
Bumukas ang pintuan at lumabas ang mahal na hari mula doon. Ang hari na si Sunjo, Ryuhan ang totoo n’yang pangalan. Isa s’yang batang hari na naupo sa trono noong 14 na taong gulang pa lang ito. Ang Mahal na Hari ay tanyag sa angkin nitong talino, tapang at kagandahang lalaki. Sa edad na dalawampu’t taong gulang ay marami na s’yang napagtagumpayan na laban at mga napasang batas.
Binaling ng Mahal na Reyna ang kaniyang paningin sa Mahal sa Hari. Nakita n’ya ang itsura nito, hindi nakasuot ng maayos ang panloob nito kaya kitang- kita ang pawisin nitong katawan. Tumutulo ang pawis nito sa kaniyang mukha papunta sa kaniyang abs. Maganda ang katawan ng hari at gano'n din ang mukha niya. Malalaki ang mga mata n'ya na siyang nakadagdag sa kaniyang kakisigan. Mayro’n din siyang malalaking tainga at pinkish na labi. Maikukumpara mo ang mahal na hari sa isang puting engkanto. Isang gwapong nilalang na tila ba sa isang libro mo lang mababasa.
Namula si Reyna Yoona ng makita n'ya ang halos hubad na katawan ng hari.
“Ano na namang ginagawa mo dito?” Naiinis n'yang tanong sa mahal na reyna. Ngumiti ito sa kaniya na agad niyang kinainis.
“Ginawan kita ng masarap na meryenda, Mahal na hari.”
“Kung kukulitin mo na naman ako sa paggawa ng magiging tagapagmana ay huwag mo ng subukan. Kung pwede lang, Mahal na reyna, tigilan mo muna ako sa mga paandar mo sa akin.” Saad n'ya sa Mahal na reyna, napangisi si Boksoon sa nadinig niya at ang Reyna ay napayuko na lang.
“Nais lang naman kitang makita, alam mo naman na kapag nakikita kita ay nababasawasan ang aking lungkot, Mahal na hari.” Ngumisi ito sa kaniya na tila ba biro lang sinabi niya rito.
“Huwag na tayong maglokohan pa, Mahal na reyna. Mahihirapan ka lang.” Sagot nito sa kaniya at saka siya dinaan nito na parang hangin.
“Sana makita mong importante din ako, aking Mahal na hari....”
MODERN TIMES, JULY 2017
MABILIS ang pagtakbo na ginagawa ni Summer habang lumalayo siya sa pinanggalingan niya. “Akala n'yo gusto ko 'yung amoy ng palay and stuffs? I will go back to my life! Damn!” sigaw niya at saka niya mas binilisan ang kaniyang pagtakbo.
Duh, ano bang katangahan ang pagtanggi sa araw- araw na shopping sprees? Her Mom told the whole world that she disappeared because she did some charity and sent her into a city called Traxum to make her live according to how she should live.
Para sa kaniya ay mahal masyado ang lotion niya para lang maarawan at magtanin ng palay. At masyadong makinis ang tuhod niya para lumuhod ng tatlong oras sa isang araw para magdasal at magreflect sa wild lifestyle niya.
Blowjob lang ang niluluhuran niya at hindi santo. Masyado nang nakikialam ang mga magulang niya sa buhay niya. Mula sa lalaking mamahalin niya at sa dapat niyang gawin. She can't take it anymore, at ngayon gusto nilang magbago siya at magpakamadre. She already did a lot for them, now it’s her turn to make herself happy.
They turned me into this. They don't have the right to change me because they took away the only one who changed me. They took him away from me making my life meaningless. There's no way that I'll come back to being innocent the innocent Summer that they know.
“Nandoon siya! Huliin n'yo!” sigaw ng isang boses, kilala n'ya 'yon dahil iyon. “Ms. Foccault, don't make this hard for me! Show yourself!” sigaw ulit no'n, pinagpatuloy niya ang pagtakbo niya kahit kumakabog ng sobra ang kaniyang dibdib.
“You know that your Mom will not like this. Baka mas lalo kang 'di makabalik sa Maynila kung magtatago ka lang diyan.” Her butler told her.
“Oh natatakot ka na baka pag nakatakas ako at nagsumbong kay Papa ay sasabihin ko na you slept with the maid kaya ako nakatakas!” natatawa n'yang asar rito.
“Ma’am Summer, alam mong kahit na anong gawin mo makikita at mahahanap ka nila. Bumalik ka na lang doon baka mamaya mas magtagal ka rito sa Traxum City.” Saad muli ng butler niya pero binelatan lang niya ito.
“Mas maiging maging pulubi ako kesa ang magtagal dito at bumalik sa lalaking 'yon!” singhal niya at saka siya bumelat.
Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo niya hanggang sa marating niya ang high way kung saan may nakaparadang sasakyan.
It was a BMW at lumabas ang isang babae mula doon. Agad s'yang tumakbo papunta sa sasakyan na iyon at sinilip ang loob no'n. She saw the keys and inside the car there were luggages. It seems like pupunta ang babaeng 'yon sa malayong lugar. Sinilip niya ang babae at nakita niya ito na namimili pa ng kaniyang binibili.
She hopped inside the BMW. Ang una n'yang pinihit ay ang susi nito at umandar ang sasakyan. “Makakabalik na ako,” she whispered. “Makakabalik ako sa dati kong buhay, magiging masaya ulit ako. Tama, magiging masaya ulit ako.” saad n'ya sa kaniyang isip.
“Pwede pa naman akong maging masaya diba?” She absentmindedly asked herself.
Hindi niya alam kung bakit niya naisip na kailangan niyang maging masaya ulit. She was living her life leaning on artificial happiness right now at kuntento na siya doon.
Dahil kahit na kailan, 'di na siya ulit magiging masaya.
Pero bago pa man siya makapagpunyagi ay nakita niya ang humahabol sa kaniya. Only a few meters far from her, at alam niyang nakita nito na nasa loob na siya ng sasakyan. Sinimulan na niyang paandarin ito at within few seconds, pinaharurot na niya ito.
She silently uttered a sorry to the owner of the car, “I'm gonna change your car, I'm going to give you porche plus a shopping spree to whatever brand of clothes you want. Just I'll borrow this to get to my life!” She whispered.
Tumatawa siya na parang baliw habang sinusundan ng tingin ang humahabol ang kaniyang butler. Mas binilisan niya ang patakbo niya hanggang sa ‘di na niya namalayan na napasok siya sa ibang lugar. Isang lugar na ibang awra ang ibinigay sa kaniya ng pinasok n’yang lugar.
Tama, ibang lugar. Suddenly she was in woods again. A different woods, kaya mas binilisan niya ang patakbo niya. “Nasaan ako? Is this still Traxum City? Oh My God! Mom really wants me to die in this place!” She cussed.
Agad siyang napakambyo ng may makita siyang babaeng nakasuot ng satin black dress with red ribbon. Nakasuot din ito ng kulay itim na kapa na nakapalibot sa ulo nito. She had a very bright red lips and dark make up. The lady looks creepy but she’s beautiful. Sa sobrang gulat at takot niya at di na s'ya nakapag preno pa. Ang tanging alam lang niya ay bumangga ang sasakyan niya sa puno.
“Oh f**k!” She cussed ng mauntong siya sa headboard ng sasakyan. Naiinis siyang tumingin sa babaeng nakasuot ng weird clothes at palapit na sa kaniyang sasakyan. Nakaramdam si Summer ng kirot sa kaniyang ulo kaya hinawakan niya ‘yon. Mas lalo s’yang nainis ng makita n’yang dumudugo ang right side ng kaniyang temples.
“What the actual hell! Urgh!” she cussed at bumaba siya ng sasakyan. Kahit na may sugat ang ulo niya ay sinugod niya ang babaeng papalayo sa kaniya.
Ngumiti ang babae sa kaniya ng creepy pero di niya pinansin 'yon. Masyado siyang naiinis at gusto niyang manabunot. “Nababaliw ka ba ha? If you want to die just go on and drink some zonrox!” Reklamo niya sa babaeng ‘yon.
Nanatiling nakangiti ang babae sa kaniya. “Maligayang pagdating sa Joseon, Binibini. Kanina pa kita hinihintay.” Creepy nitong saad sa kaniya. Nagkunot ang noo n'ya ng mapagtanto niyang ibang place ang binanggit ng babae sa kaniya. So wala na siya sa Traxum, kaya puro puno at damo na ang nakita niya sa daan. She was driving with a speed of light a while ago, she’s informed that she’s overspeeding. Oo, ganon siya kadesperado na makaalis at lumaya
Joseon? Is there a place call Joseon in this small province? Oh God! What the heck!
“So is this the kabilang bayan after Traxum? I mean nag-over speeding kasi ako kanina. So, is this malayo to Traxum or near to Traxum?” She asked her but she just smiled.
“Okay, is that smile means that this is far to Traxum?” She asked her again pero ngumiti lang siya ulit. She assumed that it means a yes.
“Pasensya ka na kung nagulat ka at naaksidente ka gamit ang iyon palanquin,” saad n'ya rito.
Palanquin? What the hell is Palanquin?
Tumingin siya sa BMW na warak at pansin n’yang iyon nga ang tinutukoy n'ya. “I just stole it to run- away but back in Manila I have a Mercedez Benz and an Audi.”
“Alam ko, muntikan ka pang maaksidente ng dahil sa akin. Gabi na at malayo pa ang pinanggalingan mo, nais mo bang tumuloy sa aking tahanan bilang tanda ng aking paghingi ng tawad?” Nawala ang inis niya rito, at napalitan ng pagtataka.
“Okay ang lalim ng tagalog mo, medyo nakaka dugo ng nose.” Nagsisimula ng kabahan si Summer sa lalim ng tagalog ng babaeng nasa harap niya. Her clothes is also familiar to her, pakiramdam niya nakita na niya ito sa napanood niya. She just can’t remember what show it is. She shrugged off the thought on her head.
It’s weird. This is weird.
“Pagpasensyahan mo na, binibini. Tinatanggap mo ba ang alok ko?” Tumingin siya sa relos niya at nakita niyang huminto ang oras nito. Gano'n din sa sasakyan niya na patay na ang makina, “Gagamutin ko na rin ang sugat mo, binibini.” Alok n'ya muli rito.
Hinawakan niya ang ulo niya at nakita nga n'yang may sugat ito. “Okay... Uhm, but I'm gonna stay for one night only kasi I'm running away, you know. Do you have an aircon or do you have bath tub? Gusto kong mag bubble bath sa lodge na i-o-offer mo.” tanong niya rito. This place looks to provincial for her, mas probinsya pa ito kesa sa Traxum City.
“Sumunod ka sa akin, Binibini. Dadalhin kita sa magiging tahanan mo,” saad nito sa kaniya. Binuksan niya ang sasakyan at saka kinuha ang malaking maleta na nandoon maging ang Gucci handbag na naroon dahil may cellphone at mga make up kits na nandoon. Total, kinuha na niya ang BMW kukunin na lang din niya ang mga gamit upang magamit n’ya ito. Ayaw niyang mamaho, kailangan kahit feeling fugitive siya ay mabango pa rin siya. Pero nabigla siya nang makarating sila sa main road dahil may mga kabayo siyang nakita kung saan may sakay- sakay itong mga tao na parang nakabath robe lang. Dumating sila sa kabihasnan at nakita niya ang aktibong market doon. Mga taong kakaiba at tila ba nabubuhay sa old fashion na paraan.
Nagtinginan ang mga tao sa kaniya. “Sino 'yan? Dayuhan ba iyan?” tanong ng mga ito sa kaniya pero hindi na lang niya pinansin ito. Her light hair color and hazel eyes make her look like she's a foreigner kaya sanay na siya sa komentong iyon. “Are we far yet?” tanong niya sa babae pero hindi ito sumagot. Hanggang sa makarating sila sa isang eskinita kung saan may mga babaeng nakasuot ng kulay asul at purple na robe. Para silang mga ninja sa itsura nila, nagsimula s'yang kabahan dahil ‘di na normal ang nakikita niya. Lalo pa ng mapansin niyang may mga swords ang mga ito.
“Is my Mom playing tricks on me again?” She asked herself.
“Dalhin n'yo na siya sa Inang Reyna,” at nagulat na lang siya ng makaramdam siya ng presensya sa likod niya at bilang may kumirot sa leeg niya. And with that, she lost her consciousness.