Dati, tahimik naman na ang buhay namin. Pero hindi ko alam kung bakit naisip ni Lucifer Macbeth na guluhin ako. Hindi alam ni Kuya. Parang tatlong araw sa isang linggo ay ito ang sumusundo kay Vivian sa school. Pero tinitiyak nitong nahaharang ako nito para lang kausapin. "Nakikipagkita ka pa rin kay Yko? Anak naman, ang bata mo pa." "Hindi ko kailangan sagutin iyang tanong mo. Hindi naman kita kilala." Cold na sagot ko rito. Kanina sa classroom pinainit ni Vivian ang ulo ko, ngayon ito namang matandang ito. "You brat!" hinaklit nito ang braso ko. Pilit n'ya akong isinakay sa kotse kahit pa nagpupumiglas ako. May kasama s'yang bodyguard kaya madali lang nila akong naipasok sa loob. "Ano ba! Pababain n'yo ako." "Shut up, Bible. Ang arte-arte mo." Sigaw ni Vivian sa akin na s'yan