Nakakapagod. Iyon ang totoo, pero sa tuwing naririnig ko ang mga papuri ng mga tao sa paligid, ang makita ang mga ngiti nila, parang naiibsan iyon. Natapos kami sa photoshoot na sobrang-sobra ang satisfaction ko. Ang ilan sa team ay nag-pack up na. Ang grupo ni Cinco ay naiwan pa, gano'n din kami. Nagyaya pa ito nang inuman, pero si Yko ang tumangi para sa akin. Kanina ay kasama namin si Ate Calline rito sa pwesto namin, pero umakyat na rin ito ng hotel room n'ya dahil gusto na raw n'yang matulog. Naiwan kami rito sa dalampasigan, naglapag si Yko ng sapin, sapat sa tatlo o apat na tao. Nakahiga ako, habang nakaupo naman si Yko. Kapwa kami nakatingala sa kalangitan. "Kapag nakakakita ako nang makinang na star, tulad n'yan..." turo ko sa star na angat ang kinang sa kapwa n'ya mga s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books