"Hindi maganda." Mahinang komento ko habang nakaupo sa buhanginan, katabi ko si Kuya Abram at Yko. Napabungisngis ang dalawa sa sinabi ko. "So mean!" sagot ni Kuya Abram sa akin. "Mean daw? Totoo naman. Hindi ako sinungaling." Sagot ko saka muling sinulyapan ang mga babaeng nakikipagharutan sa iba ko pang kuya, I mean sa mga kaibigan ni Kuya Soul. Katatapos lang naming mag-dinner, tapos naisipan ng iba naming kasama na mag-night swimming. "Ikaw talaga," bahagya pang tinap ni Yko ang buhok ko. "Tignan n'yo iyong kasama ni Kuya Soul. Mukhang hihiwalay na iyong ilong n'ya. Naku! Masagi lang ng kaunti iyan, bali iyan for sure." Natawa si Yko at Kuya Abram sa komento ko. "Ikaw talaga... huwag pintasera. Kapag ikaw ang nagnobyo tiyakin mo na hindi rin mapipintasan ng Kuya mo." "Sino