Chapter Five

2069 Words
"Sunod ka na, dito lang ako." Udyok ko kay Yko. Mukhang may chicks na agad na na-magnet ang mga kaibigan nito. Kanina pa naman ako nito binabantayan kaya naisip ko, baka naiinip na ito. "No. I'll stay here. Huwag ka ngang makulit." Masungit nang ani nito."Gusto mo sigurong balikan ka no'ng pangit na iyon." "Sino?" takang tanong ko rito. "Iyong lumapit sa 'yo. Nakalimutan mo agad?" inirapan pa ako nito. "Not interested." Tipid na ani ko. Saka inilabas na lang ang phone. Pagbukas ko ng social media ay mukha agad ni Yko ang nakita ko. "Yucks." Komento ko, nakabalandra kasi ang mukha nito sa isang dating scandal na article. Hinablot n'ya iyon sa akin at binasa. "Sino naman itong babaeng dine-date ko raw?" bahagya akong natawa sa naging tanong nito. "S'ya iyong model na nakasama ko sa isang photo shoot. Kayo pala?" kantiyaw ko rito pero mas lalong lumarawan ang pandidiri sa mukha nito. Kung si Kuya Cayde o kaya si Kuya Soul ang ma-headline na may dating rumor ay hindi na ako magtataka, malandi ang mga iyon. Parang lahat ng possible na babaeng pwedeng ligawan ay pinapatos nila. Pero si Yko, medyo seryoso kasi ang isang ito. Ewan ko lang ha, pero possible na nagpapa-good boy lang ito ngayon, hindi ko sure kapag sila-sila lang magkakaibigan. "Hindi ito totoo. Ikaw, Bible, matuto kang bumusisi ng mga totoo at fake news ha." "Opo, Kuya." Tugon ko naman dito. Mas lalo itong napasimangot. Binuksan ko ang article. Maganda naman itong si Isabel Gravana. Kaso lang hindi ko makalimutan na itinulak n'ya ako sa dressing room dahil lang puring-puri ako ng photographer. "Fake news lang iyan. Huwag mo nang pakatitigan. Dapat talaga hindi ka nagso-social media, puro mga fake news lang ang makikita mo." "Oh, bakit parang galit ka?" tanong ko rito. "Hindi ako galit." Umirap pa ito. "Don't worry, hindi rin naman ako naniniwala. Mas maniniwala pa ako kung sila Kuya ang makita kong naka-headline rito. Landi-landi kaya nila, pareho sila ni Kuya Cayde." "Oo, ako good boy." Biglang naging confident ito. Nakaramdam ako nang lamig kahit suot ko ang jacket n'ya, kaya naman isinuksok ko sa dalawang bulsa ang kamay ko. "Oh, ano ito?" curious na ani ko ng may makapa ako sa isang bulsa. Lumingon sa akin si Yko at waring hinintay rin ang dinudukot ko sa bulsa. Nang mailabas ko ay takang-taka kong pinagmasdan iyon. Kwintas kasi iyon, pambabae. Tapos may pendant na super liit na parang bible. Ang ganda ng kwintas. Kanino naman kaya ito? Sinulyapan ko ito. Siguro may kikitain itong chicks kaya may nakahandang regalo. "What?" tanong nito sa akin. Medyo defensive ang pagkaka-what ng isang ito. Ang makapal nitong kilay ay umangat pa nga. "Mangchi-chicks ka siguro mamaya, 'no? Ready na ready sa regalo. Malabong sa 'yo ang kwintas na ito. Pang-girl ito, eh." "Pasalubong ko iyan sa 'yo." Sabay irap nito, saka inagaw ang hawak kong kwintas. Hinawi nito ang buhok at hinawi iyon, saka sinimulan ikabit iyon. Gulat na gulat ako. Napaka-thoughtful naman ng isang ito. Kinapa ko ang pendant, saka iyon hinawakan. Bago ko s'ya nilingon. Malawak ang ngisi ko. "Grabe, kwintas lang? Walang earrings and bracelet?" Puro yata simangot ang alam nitong facial expression, eh. Saka ako sinamaan nang tingin. "Itong babaeng ito, imbes maging grateful nagrereklamo pa." Himutok nito. Malakas tuloy akong natawa. Yes, kami lang naman ang narito sa pwestong ito. Hindi ko kailangan magpaka-demure. For a show lang naman ang pagiging Maria Clara ko. Kapag nasa paligid lang si Vivian na ingit na ingit dahil may 'class' ako. Triggered na triggered. Hindi n'ya alam mas malalala pa ang ugali ko kay Batsy. Kay Batsy na may times inookray n'ya dahil may pagka-boyish kumilos. "Thank you pa rin naman, Yko. Kahit walang earrings and bracelet. At least may pasalubong." "Tsk." Pagsusungit nito. Nagawi ang tingin namin kina Kuya Soul na pabalik na. Nagtatawanan ang mga ito na may nililingon-lingon pa. "Tuwang-tuwa na naman si kaluluwa. Siguro may nakita na namang babae." Pasaring ko sa aking kapatid. Tinap lang nito ang ulo ko, sabay pisil sa baba. "Ouch, ang sakit 2 slice naman ulit ng cake pag-uwi natin." Hindi lang si Kuya Soul ang natawa sa sinabi ko. Pati na ang mga kaibigan nito na madalas din namang mang-spoil sa akin. Pinakawalan naman ni Kuya ang babang pinisil nito. "Ang takaw mo talaga. Hindi ka naman tumataba." Nakisiksik ito kaya naman bahagya akong umusog sa tabi ni Yko. "Bakit bumalik na kayo rito? Nakakita ba kayo ng chicks?" "Itong si Bible palaging ang tingin sa atin nangchi-chicks. Masyado bang halata?" tanong ni Kuya Cayde kaya naman mabilis akong tumango. Kulang na lang mautot ito sa katatawa nito, eh. "Nakatatak na sa noo ninyo." Tugon ko naman. "Pasaway, tara na nga." Inakbayan ako ni Kuya. "Wait, iyong jacket mo." Lingon ko kay Yko. "Mamaya na, bunso. Sasama naman kami sa bahay n'yo." Tumango ako sa naging tugon nito. Yumakap na ako sa bewang ni Kuya Soul, habang nakaakbay ito sa akin. "Bili mo ulit akong cake, ha." Paalala ko sa kapatid. Para hindi na ako mag-dinner mamaya. "Fine." "Tapos kapag nakatulog ako later huwag mong kalimutan iyong assignment ko." "Oo na." Sumusukong ani nito, makulit ako. Si Kuya Soul ang sumasalo ng lahat ng iyon. Kumuha pa rin ako ng business course kahit wala akong balak na tumulong dito sa negosyo. Kaya nga iyong mga assignment and output ko ay sinasalo nito. Basic lang sa kanya iyon. Ito ang nag-drive, nakipag-unahan pa si Kuya Cayde sa passenger kaya naman ako at si Yko ang naupo sa backseat. Syempre hindi rin nakalimutan ng kapatid ko ang additional cake ko. Pwede akong kumain nang kumain ng mga ganito dahil may 2 weeks naman akong pahinga sa side line ko. Pinush ko na ang modelling dahil malaki ang naging offer sa akin sa una ko pa lang na project. Mga minor project pa lang naman ang nakukuha ko, pero maganda naman ang bigayan. Sabi ni Lolo J ay ayos lang daw kahit hindi ako magtrabaho. May pera naman daw kami. Pero dahil nga gusto kong patunayan ang sarili ko, hindi ko pinansin ang sinabi nito. Magwo-work din ako, hindi pwedeng puro na lang sa bulsa ni Kuya Soul at Lolo J manggaling ang mga pinaggagastos ko. May allowance ako galing sa dalawa pero hindi ko iyon ginagalaw. Pasok lang iyon nang pasok sa bank account ko. Habang ang kinikita ko sa pagmomodelo ay s'yang ginagamit kong pangtustos sa pag-aaral ko. Pati na rin ang sweldo ni Ate Calline na s'yang assistant ko ay doon din nanggagaling. Alam naman nila kuya ang diskarte. Hindi rin sila tumutol dahil alam nilang gusto ko naman ang ginagawa ko. Hindi pwedeng ordinary palamunin lang ang tulad ko, kailangan naiiba. Hindi pwedeng same lang kami ni Vivian na, palamunin lang. Ayaw na ayaw kong maging magkatulad kami nito. Pagkatapos naming mabili ang request ko ay dumeretso na kami pauwi. Akala ko nga tatambay pa sila sa bahay ng isa sa mga kaibigan nila. Pero ang bilis talaga nilang mag-decide, ang ending tuloy ay rito rin sa bahay. Manonood din daw sila ng movie. "Porn siguro panunuorin nila." Mahinang bulong ko habang papasok sa kabahayan. Umakbay sa akin si Yko. Sabay bulong. "Of course not, Vera." Nanulis ang nguso ko."Pangsupot lang ang mga ganoong palabas." Saka n'ya ako iniwan at sumunod sa kanyang mga kaibigan. Lah, mga supot din naman sila. Ano bang tingin nila sa mga sarili nila? Dah! "Ganda? Tulala ka d'yan. Anong iniisip mo?" biro ni Ate Dangdang na may dalang baso ng juice. For sure para kay Lolo J iyon. Dahil si Lolo lang naman ang mahilig uminom ng fresh apple juice. "Wala lang ito, Ate. Saka wala po akong isip para mag-isip." Natawa ito, bahagya pa ngang natapon ang juice. "Joker ka talagang bata ka. Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita." Sa totoo lang, karamihan ng mga tao sa paligid ko ay iyan ang madalas na itanong sa akin. Sakto lang naman ang katawan ko, hindi ako mataba, hindi rin super payat. Matakaw akong kumain, pero hindi sa bilbil nag-stay ang mga extrang taba. Nasa pwet at dibdib. Mabulas ang katawan, hindi rin super puti ang balat. Kahit gano'n, mukha pa rin akong patpatin sa paningin nila. Gustong pakainin nang pakainin. "Sige po, hatid n'yo na lang po sa room ko." Tugon ko, and of course, hindi ako marunong tumangi. "Oh s'ya, sige! Ihahatid ko lang sa room ng Lolo J mo ito. Tapos ipaghahanda kita." "Pasabi nga rin po pala kay Ate Raquel na ipaghanda si Kuya at ang mga bisita ng snacks." "Okay, ganda!" ngumiti ako rito saka humakbang na patungo sa hagdan. Tatambay ako sa kwarto ko na madalas kong gawin. May times kasi na bigla na lang sumusulpot si Daddy o kaya naman si Mommy. Iniiwasan ko sila, gumagawa na lang ng sangkaterbang dahilan para hindi ko sila makaharap. To the rescue naman si Kuya Soul kapag nagkakataong naaabutan ako ng parents namin sa sala. Alam ni Kuya kung gaano ako kailang na harapin ang mga ito. Pagdating sa silid ay agad kong ibinagsak ang sarili sa kama. Pero saglit lang din, dahil naalala kong ihanda iyong mga sasagutan ni Kuya. May time pa ako para gawin iyon, pero ayaw kong gawin. Hindi talaga ako kabanal-banal. Hindi magandang ehemplo. Pwera na lang kapag nasa paligid si Vivian. Masyadong childish ang inaakto ko, pero wala akong pakialam. Manonood muna ako ng TV. May sinusubaybayan din akong show, show iyon about sa mga aspiring models. Minsan nga'y ginagaya ko pa ang style nila, pinag-aaralan pati mga lakad at post nila. Hindi lang simpleng pagmomodelo ang pangarap ko, gusto kong maging famous. Well, another childish act. Pangarap din kasi ni Vivian, kaso malabo namang matupad n'ya iyon. Masama na kung masama, hahadlangan ko talaga s'ya. Habang focus ako sa panonood, kumatok si Ate Dangdang at ipinasok ang pagkaing inihanda n'ya. "Sandwich and spaghetti." Sakto lang naman ang serving, tapos naalala ko ang cake na binili namin. Ipinakuha ko iyon rito at ni-request na ilagay sa plato. Sinimulan ko na ring kumain habang nanonood sa TV. Habang nanonood, hindi ko maiwasang kabahan. Sinesermunan kasi ng menthor iyong isang model na mabagal kumilos. Kahit hindi ako iyong pinagagalitan ay kabado pa rin, dahil sa tuwing nanonood ako ay feeling ko naroon din ako. May kumatok na naman. "Ate Dang, pasok ka na." Kaso nang bumukas ang pinto ay hindi naman si Ate Dangdang iyon. Si Yko. Binuksan nito ang pinto, as in bukas na bukas. Saka s'ya humakbang palapit sa kama ko. Umupo ito sa gilid, pero hindi na kontento. Tumayo ito at hinila ang gaming chair ko. Saka s'ya naupo roon. Hindi man lang salubungin ang nagtatanong kong tingin. "May kailangan ka?" mukha kasing balak na nitong ibuhos ang buong atensyon sa pinapanood ko. "Sabi ng Kuya mo may mga kailangan kang tapusin na activity. Tutulungan na kita." "Ha? Pero nangako s'yang s'ya na ang gagawa." Sa wakas lumingon ito at tinignan na ako. Inangatan ko s'ya ng kilay na waring hinahamon sya sa ire-rebut n'ya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Vera?" ito na naman s'ya, mukhang sesermunan na naman n'ya ako. Talo n'yo pa si Kuya Soul, eh. "Pero nagkasundo kami bago umalis." Reklamo ko rito. "It's your assignment, your activity. Ikaw dapat ang gumawa. Ikaw ang nag-aaral---" may sasabihin pa sana si Yko, pero bumalik na si Ate Dangdang. Nagulat pa nga ito nang abutan kami na mukhang mag-aaway na. "Inaaway ka n'ya, Ganda?" "I'm not." Agad na tangi ni Yko. "Inaaway n'ya ako, Ate Dang. Sabi n'ya sa akin ang tamad-tamad ko raw. Hindi raw ako aasenso dahil tamad ako." Napasinghap ang lalaki. Namilog pa ang mata nito. "You brat!" "See... brat pa ang tawag n'ya sa akin. Ang sama ng ugali ng bisita ni Kuya Soul, Ate Dang. Sana hindi mo s'ya isinama sa mga pinameryenda mo, may maitim na budhi ang taong ito." "It's to late. Naubos ko na ang merienda. Ilabas mo na ang mga activity mo, panonoorin kitang magsagot." "Ituturo mo ang sagot?" "No, igu-guide lang kita." "Pero si Kuya Soul hindi n'ya ako gina-guide, sinasabi lang n'ya, magpahinga ka na para maaga kang magising at hindi ma-late." "I'm not your brother. I'm Yko Aragon." Sungit naman ng person. Gano'n talaga siguro kapag matanda na. Buti na lang talaga kami ni Batsy na magkaedad ay nagkakaintindihan. Pero pagdating sa kanilang matatanda, ang hirap nilang intindihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD