Chapter 4

1074 Words
   STACE    STACE MONTEVERDE A.K.A the luckiest girlfriend in the world. Hindi alam ni Lucas Monteloyola kung hahagalpak siya ng tawa o maiinis sa mukha ng babaeng iyon. He was scrolling through her IG account, naroon pa rin ang tagline na ‘luckiest girlfriend’ dito although hindi na nito followed ang account ni Nylon. Napaka-ironic naman at hindi nito mapakawalan ang tagline nito.      Nawala na rin ang Joint account ng dalawa.      Obviously, mali ang binigay na number ni Stace, boses barako ba naman ang sumagot sa kaniya sa kabilang linya. He even has to change his own number dahil nabosesas siya ng barakong boses na iyon, na fan pala niya at walang humpay na nagmi-miscall na tuloy sa kaniya.      Napahalakhak siya ng ibigay na ni Will ang totoong number ni Stace.      “Why do you need this girl’s number, Lucas?” himig lang ni Will na na-a-amused. Nasa meeting room sila ng Insignia. Nasa gilid naman ng leather chair niya si Eros, ang aso niyang natutulog.      “They’re about to sign the contract, right?” tugon lang ni Lucas na pangiti-ngiti.      Two months ago, ay isa sa mga social media star na naka-line up sina Stace at Nylon na isa-sign up sana nila sa Insignia. Sa dami ng social media star ay hindi na niya natututukan, he just let Will and his other secretary prepare the meetings and contracts.      Dahil na rin sa nangyari sa couple ay hindi na nga tumuloy ang dalawa. Nalimutan na rin nilang ifollow-up ang mga ito kung tutuloy pa ba ang deal. Saktong inmpormasyon ni Stace ang nakalagay sa information sheet nila.      “Why don’t you call this, Stace? Ask her if she’s still interested to sign the contract with us,” tugon ni Lucas mula sa paglunoy sa mga litrato ni Stace.      Stace has this sweet and trendy girl vibe in IG, pastel colors ang halos filters nito. Good girl kumbaga. No one would have predicted she would have this tryst with Lucas on the phone.      “I think, she wouldn’t, given that this couple broke-up.”      “Well, I mean, if we can sign her?”      “Ohh, a stand-alone?” linya ni Will na medyo na i-intriga na sa kaniya.      “Don’t tell me you have something in your sleeves for this woman? You’re into good girl types now, Lucas.” Wiggle ng mga eyebrows ni Will.      “No, she’s really good Will,”explanation niya. “She will add spice to our brand. Imagine this,” his elbows lifted to paint a picture. “Good girl gone wild because of wrecked love!”      “Wohoo! That’s exciting!”      “Now, call that girl, pronto!” STACE      TANGHALI NA NG MAPADILAT ang mata niya, nagising siya mula sa pagri-ring ng telepono niya. With hair in havoc, at bibig na walang toothbrush at may muta pa siya sa mata, ay sinagot niya ang tawag.      “Hi, Stace, glad you picked up!” aniya ng isang lalaking boses.      Sinong Pontio Pilato kaya ‘to? Marami ba siyang nabigyan ng numero niya sa bar kagabi? Naaya siya ng mga kaibigan niya kagabi ulit, at dahil bored siya ay pumunta pa rin siya, given na hindi na sila pupunta sa dating bar kung saan na-meet niya si Lucas.      “Yes, I’m sorry, I just woke up.” Inamoy niya ang hininga niya at nangasim ang mukha niya.      “This is Will from Insignia, remember me?”      “Oh,” she almost jumped out from her bed. “Sorry, Mr. Will, alam kong may email ka‎’yo last month.”      “It’s okay alam naman natin ang nangyari. Now here’s a hunch. Kung gusto mo, gusto ka pa ‘ring i-sign in ng head boss namin. He thinks you are fit for his new project.”      Nanlaki ang mata ni Stace. Aminin man niya o hindi, kelangan niya ng raket. Hindi na enough ang pagpo-post niya ng products sa IG, nabawasan rin ang followers niya mula sa break-up nila ni Nylon, dahil aminin man niya o hindi, yung sumusuporta sa loveteam nila ay totoong crush lang talaga si Nylon. Kumbaga mga fake fans pero one sided lang talaga ang sinusuportahan.      “O-okay,”she doesn’t want to seem so eager and desperate. “That seems interesting.”      “If it’s fine with you, the head boss wants to conceptualize the project with you.”      Insignia’s boss! Whew. Ma-mi-meet na niya ito. Ang alam niya, maraming social media star ang na-ma manage naman ng Content company na ito, at unlimited ang projects. And they are creative too at sumusunod sa branding na nakadepende sa personalidad ng creator. And again, she will be meeting the boss!      Only one thing, is that Lucas Monteloyola is under Insignia also. Pinanood niya ang Youtube nito at nag research siya. Under pala ito ng Insignia. Kaya’t nagdadalawang isip pa siya.      Oh well, they will be under one roof ngunit hindi naman siguro sila laging magkikita, ano?      “Okay, I’m in. I’m happy to meet him, that would be cool.”      “Very cool,” anas ni Will sa kabilang linya. “Ipe-prepare ko  na rin ang kontrata.”      Nagpaalam na sila sa isa’t-isa at bigla siyang napatalon sa kama. Being under a company means she will be officialy hired soon to create content – at least mas stable iyon dahil may active promotions at advertisers ang Insignia, marami din silang tie-up at partners.      Dali-dalisiyang naligo at nagbihis. Ipe-prepare na niya ang sarili. Magpapa-facial siya at manicure. Para ay presentable siya sa meeting.      Habang kinukuskos ang kuko niya ay napapa-sulyap sa kaniya ang manikurista, mukhang kilala siya nito o hindi.      “Maám ikaw ba si Stace?” aniya ng ale. “Parang ikaw ata tinutukoy ng anak kong sige sa pag ce-cellphone.”      Hindi alam ni Stace kung matutuwa dahil at least fan niya ang anak nitong ale na ito.      “Yes po, ako nga po. Saan ba niya ako nakita?”      “Baka sa internet. Maganda ka naman pala, sabi kasi ng anak ko mas maganda at seksi ang isa kaya ka iniwan ng boyfriend mo.”      Hindi alam ni Stace ang isasagot, sa kabilang banda ay natutuwa siya dahil na-appreciate ng ginang ang beauty niya. Bahala na, ka-meeting naman niya bukas makalawa ang boss ng Insignia. She will rise from the ashes! Ipapamukha niya sa walanghiyang Nylon na iyon ang ginto na iniwan nito. Kung saan man itong lupalop ay sana‎ masaya ito.      She just gently smiled at the woman, “Actually mas mabuti pong iniwanan ako, dahil mas na-realize ko na I deserve better.” Siyempre double meaning, means baka mas sisikat siyang mag-isa at magiging milyonarya.      She can’t wait to meet the boss of Insignia. Humanda! Abangan ang mga susunod na kabanata. Don't forget to FOLLOW me and like the story, lovely readers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD