ANG HINDI ALAM ng apat, bago paman ang gabing iyon, ay pinuntahan ni Lucas si Nylon. He tracked Nylon’s whereabouts. Kapupunas lang ni Nylon ng katawan dahil galing ito sa pagwo-work out sa gym. Hindi na niya binasa ang mga notification sa cellphone, nakatanggap siya ng ilang beses na miscall mula kay Nikka. He knew what Nikka would talk about. She will rant about the kiss photo again. Iyon naman ang gusto din niya, ang tigilan na siya ni Nikka dahil nabibingi na siya sa mga sinasabi nito. He guessed that would have been their end already. Nakasalubong niya si Lucas na nakapang work-out attire din. He blinked his eyes and stared at the apparition. For all he knew, hindi naman doon nag gi-gym si Lucas, it was a new sight to behold, having the same man in the floor. “Hey,”