Pagdating ko sa bahay ay ako ang nagulat sa ibinalita sa akin ni Mommy. "Naku kuya, sana mas maaga kang dumating. Noong nakaraang araw lang umalis si Zanjo. Isang araw at isang gabi lang siya dito." "Si Zanjo, bumisita dito sa bahay?" Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng tatlong taon? "Oo, anak. Nangitim siya lalo at pumayat. Sabi ko nga maghintay pa siya ng kahit isang Linggo hanggang matapos ang training mo sa Baguio pero mukhang nagmamadali. Sabi niya nag-iwan na lang daw siya ng sulat sa kuwarto mo." Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Kanina lang masaya ako na kahit papaano ay natutunan ko muling magmahal sa katauhan ni Love. "Sige po Mom. Sa kuwarto na ho muna ako at magpahinga. Sobrang pagod ho kasi sa