NAGULAT si Iris nang makita niya ang sarili sa loob ng eroplano. Nagtaka pa siya kung paano siya nakarating doon. Wala siyang maalala. Basta pagmulat ng mata niya ay nasa loob na siya ng eroplano. It looks like a private plane because of the set-up.
Tumingin si Iris sa bintana ng eroplano at nakita niyang nasa ere sila. Tinignan niya ang kabuuan ng eroplano upang tignan kung may kasama siya. Natigilan siya nang makita niya ang kaniyang magulang. Natuwa siya at mabilis na nilapitan ang mga ito.
“Ma, Pa.” Tawag niya sa kaniyang magulang ngunit parang hindi siya narinig ng mga ito. “Ma! Pa!” Nilakasan niya ang kaniyang boses pero hindi pa rin siya pinapansin.
“Ma—” napatigil si Iris at napatingin sa sariling kamay. Hinawakan niya ang kaniyang ina ngunit tumagos lamang ang kaniyang kamay.
“Anong nangyayari?”
Pabaling-baling ang ulo ni Iris at pinagpapawisan na rin siya.
“Mama! Papa!”
Patuloy lamang sa pag-uusap ang kaniyang magulang at talagang hindi siya naririnig ng mga ito.
Kapagkuwan nakita na lamang niya ang sarili na wala na siya sa loob ng eroplano. Nakalutang na siya sa ere at nakita niya ang eroplano na nakalayo na.
Then the plane exploded.
Mabilis na napabalikwas ng bangon si Iris. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Deretso ang titig niya sa pader. Nakatulala siya ng ilang minuto bago siya bumalik sa kaniyang sarili. Doon niya lamang naramdaman ang mainit na likido sa kaniyang pisngi. Pinunasan niya ang kaniyang luha saka siya humugot ng malalim na hininga.
Nanaginip na naman siya ng masama. At sa tuwing nananaginip siya, ang magulang niya ang nasa kaniyang panaginip. May mga pagkakataon na talagang nananaginip siya ng ganito lalo na kung malapit na naman ang death anniversary ng kaniyang magulang.
Dahil sa kaniyang panaginip hindi na siya nakatulog hanggang sa sumapit ang umaga.
IRIS WASN’T IN THE MOOD WHEN SHE ENTERED HER CLASS ON THE MORNING OF SATURDAY. So, different from the smiling Iris every day. She felt gloomy and had no energy to talk to the people around her. She remained silent the whole class and didn’t respond to Nate even though he kept talking.
“Iris, are you okay?” tanong ni Rose. “Kanina ka pa walang imik.”
Umiling si Iris saka nagpaalam. “Uuwi na ako.” Matamlay niyang saad.
“Iris.” Ani Rose ngunit hindi siya pinansin ng kaibigan.
Tumalikod na si Iris at naglakad palayo.
Lumabas si Iris ng Research School. Naglakad siya sa sidewalk at naghanap ng pwedeng mapagbilhan ng bulaklak. Nang madaanan niya ang isang flower shop, tumigil siya para bumili.
“Maalala kita.” Sabi ng nagtitinda.
“Po?”
Ngumiti ang matanda na nagtitinda sa flower shop. “Natatandaan kita. Isang beses sa isang taon na bumibili ka ng bulaklak rito.”
Napatango si Iris. “Opo. Bumibili nga po ako rito.” Aniya. Hindi niya inaasahan na natatandaan siya ng matanda.
Pagkabili ni Iris ng bulaklak, umalis na siya sa flower shop saka nagtungo sa paradahan ng minibus para magtungo sa kabilang bayan. Sumakay siya roon at umupo siya sa pinakalikod. Nang mapuno ang minibus, umalis na ito.
Iris stared at the flower in her hands. Maingat niyang hinawakan ang bulaklak saka malungkot na napangiti.
Nang makarating siya sa kabilang bayan, bumaba siya sa minibus saka pumara ng tricycle. Nagpahatid siya sa sementeryo. Pagdating niya doon, nagbayad siya at bumaba. Pumasok siya sa sementeryo at tinungo ang puntod ng kaniyang magulang.
Isang beses sa isang taon na pumupunta siya rito upang dalawa ang kaniyang magulang. Nang makarating siya sa puntod ng kaniyang magulang, maingat niyang inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng kanilang puntod.
“Ma, Pa, it’s been twelve years since you two left this world. My nightmare is getting worse and worse.” Aniya saka umupo sa may damuhan. Sa tabi mismo ng puntod ng kaniyang magulang.
During those years without her parents, she felt so lost. It was hard to cope. Nang mawala ang kaniyang magulang at bigla ring nawala ang nakakatanda niyang kapatid, ipinunta siya sa isang orphanage. Doon na siya lumaki at nang mag-eigtheen siya saka siya umalis. She used her parent’s insurance for her daily expenses and school expenses. Mabuti na lamang at nakuha siyang scholar kaya naman hindi siya nag-problema ng pera para sa kaniyang tuition fee.
Talagang mahirap lalo na at nag-iisa lamang siya. She has nothing that she can rely on. Wala siyang alam na puntahan. Wala rin siyang kilala na kamag-anak nila.
Iris sighed. The only thing that accompanies her now is the nightmare of the past.
JOSEPH looked at the arch above the gate. Kumunot ang nuo niya. “What is she doing in the cemetery?”
Bukod kasi sa personal na impormasyon na inalam niya tungkol kay Iris hindi na niya inalam ang iba tungkol rito.
“Milord, maybe she visited someone. Her parents?” patanong na sabi ni Andrew.
Bahagyang natigilan si Joseph. “Right. I saw her buying flowers earlier.” Aniya.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakita ni Joseph na palabas na si Iris ng sementeryo. Halata ang malungkot na anyo ni Iris.
“Follow her, but not too close.”
“Yes, Milord.” Andrew maneuvered the car but slowly and far from Miss Iris.
NARAMDAMAN naman ni Iris na may sumusunod sa kaniya kaya tumingin siya sa paligid ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao. Napabuntong hininga siya saka binilisan ang paglalakad. May dumating na sasakyan kaya pinara niya ito.
Nagpahatid si Iris sa isang park malapit sa apartment na tinitirhan niya. Umupo siya sa isang bench at pinanood ang mga bata na naglalaro. Kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang.
A small yet sad smile appeared on her lips. Mabuti pa ang mga bata, walang problema sa mundo. They still couldn't feel the real happiness, sadness, and meaning behind it.
Iris stayed in the park until dark came. Kapagkuwan bigla na lamang umulan ng malakas. Napangiti na lamang siya saka naglakad sa ilalim ng malakas na ulan.
Nag-aalala naman si Joseph na nakasunod kay Iris habang nasa loob ito ng kotse. Hindi niya alam kung dapat ba siyang bumaba ng kotse upang lapitan ang dalaga. He stared at Iris. The rain was pouring into her, and yet she didn’t mind it.
Joseph blew a loud breath. Kinuha niya ang payong sa tabi niya. “Andrew, wait for my call.”
“Yes, Milord.”
Joseph looked at Austin sitting in the passenger seat. Napailing na lamang siya nang makitang kumakain ito ng minatamis. Nakarami na itong kinain. “Austin, lessened eating sweets.”
Tumango si Austin. “Yes, Milord.”
Binuksan ni Joseph ang pinto ng kotse saka binuksan ang payong at bumaba. Tumakbo siya patungo kay Iris saka ito pinayungan.
“Do you want to get sick?” seryosong tanong ni Joseph.
Nagulat naman si Iris nang makita si Joseph. Ngumiti siya. “It’s not about getting sick. It’s about forgetting my pain here.” Itinuro niya ang tapat ng kaniyang puso.
Umatras si Iris upang lumayo kay Joseph kay muli siyang nabasa ng ulan. Joseph could see the pain and sadness in Iris’s eyes. “You will get sick if you continue to get wet by the rain.”
“I’ve been doing this every year since my parents died.” Sabi ni Iris saka malungkot na ngumiti. “And yes, I get sick every time I do this.” She spread her arms and turned around in front of Joseph. “Pero ramdam ko ang ginhawa kapag naliligo ako sa ulan. So, just let me.”
Mahinang napabuntong hininga si Joseph saka hinayaan si Iris na maligo sa ulan. If she gets sick, then he will take care of her.
Iris was smiling and looked at Joseph. “Anong ginagawa mo rito?”
“I wanted to see you, so, I came here.”
“I?” Itinuro ni Iris ang sarili.
Tumango si Joseph. “Yeah, I wanted to see you. But I didn’t expect you to see you like this.”
Iris smiled. “You wanted to see me? You sounded like you missed me.”
Nagseryoso ang mukha ni Joseph. “That’s right. I miss you.”
Unti-unting nawala ang ngiti ni Iris sa labi nang makita ang seryosong mukha ni Joseph. Nag-iwas siya ng tingin. “I was just kidding.”
“I am not kidding, Iris.” Seryosong saad ni Joseph.
Nawalan ng imik si Iris. Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin. “Ahmm…” Kapagkuwan naramdaman niya ang pagkahilo.
Hinawakan ni Joseph ang kamay ni Iris. “I’m serious. I like you a lot.”
Hindi na masyadong pinansin ni Iris ang huling sinabi ni Joseph dahil nahihilo siya at sumasakit na ang ulo niya. Napahawak siya sa braso ni Joseph nang maramdaman niyang matutumba siya.
Mabilis namang hinawakan ni Joseph ang dalaga. “Are you okay?”
Before Iris could say anything, she suddenly passed out.
“Iris!” Mabilis na sinalo ni Joseph si Iris.
Nang makita naman ni Austin ang nangyayari, mabilis siyang tumakbo patungo sa Mafia Don. “Milord!”
“Hold the umbrella for me.” Ibinigay ni Joseph ang payong kay Austin saka pinangko si Iris.
Then Andrew arrived. Austin quickly opened the backseat door.
Ipinasok ni Joseph si Iris sa backseat saka siya umupo sa tabi nito. He held Iris in his arms.
Andrew drove the car towards the De Luca Household.
Nang makarating sila sa mansyon, Joseph carried Iris to his room and called the maid to change Iris’ clothes. At nang lumabas ang mga maid sa kwarto niya na nagpalit ng damit ni Iris agad siyang pumasok.
Nilapitan niya ang dalaga saka sinalat ang nuo nito. Kapagkuwan napansin niya ang suot nitong bracelet. Napangiti na lamang siya.
But looking at Iris with a burning fever, Joseph could blow a loud breath. “Now, you got sick.” Aniya.
And as he said, he took care of Iris for the entire night, hoping her fever would go down.