Lucas That was a good memory shared by Dad. I guess I was too young to remember. But still, bata pa lang ako alam ko ng si Heather ang gusto ko. Weekdays were busy for both Heather and I but I managed to book our trip to Baler for the weekend. Mula sa flight, hotel pati ang mga extra curricular activities na available para sa mga turistang katulad namin. Sabado ng madaling araw ang flight kaya sa bahay na nya ako matutulog ng Byernes ng gabi. Sa sobrang kaexcitedan ko, Huwebes pa lang ay naka empake na ang mga gamit ko. "Morning baby, gising na." Alas tres y media ngayon ng umaga ng gisingin ko sya. Alas singko y media ang flight namin. Nag brew na ako ng kape kanina pagkatapos kong maligo. "What time is it?" Pupungas pungas nitong sabi sa akin. Antok na antok pa sya at ibinaon ang