Lucas Kanina pa tunog ng tunog ang telepono ko pero hindi ko naging ugali na humawak ng cellphone habang nagmamaneho. Sa dami ng naging pasyente ko sa ospital na nasangkot sa aksidente at ang numero unong sanhi ay pagtetext. Okay lang ang pagtawag kung naka hands free. My phone is connected to my car at nagtataka ako na hindi nagreregister sa screen ko ang mga messages na walang tigil ang dating sa cellphone ko. When I reached my condo, I parked my car and turned off the engine. Saka ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Hindi ko mabuksan at kailan pa nagkaroon ito ng lock? When I pressed it, I recognize the wallpaper. This is definitely not my phone, but Heather's. Ibinalik ko sa bulsa ko at nagsimulang maglakad papasok sa lobby. Nang makarating ako sa unit ko ay nagsimula akong mamili