Heather | 2 weeks before Nikki's wedding
Antok na antok ako pero ang telepono ko ay walang tigil ang pag-ring. Sa kagustuhan kong i-clear ang schedule ko this week bago ang kasal ni Ate Nikki ay pasado alas dose na ako nakatulog. Iniuwi ko galing opisina ang mga dokumentong kailangan kong basahin. Simula ng magretiro si Daddy last year ay ako na ang namamahala sa kumpanya.
Ang coffee farm namin sa San Juan ay hindi pa kalakihan noon. But Dad surprised everybody ng pamahalaan nya iyon, sino ba naman ang hindi magugulat? From Respiratory Therapist to Farmer/Businessman. Matagal na siyang kinukulit nina Lolo at dahil nagiisang apo sa father's side nya, he eventually gave in to their request. Soltero kasi ang dalawang kapatid ni Lolo e.
Pinag-aralan nya ang coffee business ng pamilya namin after nilang makasal ni Mommy hanggang sa mapalago nya ito at nagexpand muna sa Asia at kalaunan ay sa Europa at Amerika.
The hospital takes so much of his time and he wants to spend more of his days with the woman she loves — my mom, Anne Marie. I have so much respect for all the people who chose to work in the medical field but it's not for me. They're so busy that even when they're sleeping in the middle of the night, binubulabog pa rin sila ng tawag dahil on-call sila. Like Ate Nikki — although her schedule is more unique as an anesthesiologist. Kaya mas marami silang oras sa isa't isa ni Kuya Hunt.
I looked at the time — ala una ng madaling araw? What the hell?! Kinse minutos pa lang akong naiidlip?? Pikit ang isang mata kong tiningnan kung sino ang tumatawag — Raven??
Sinagot ko ang telepono at narinig kong maingay ang background.
"Raven Sawyer this better be important," ipinikit ko uli ang mata ko habang nasa tenga ko ang cellphone. Ang bunso namin ay talagang nageenjoy sa kanyang buhay kolehiyala at sanay na sanay sa puyatan.
"Tulog ka na agad? Akala ko gising ka pa ng ganitong oras," natatawang sabi nya sa akin.
Hindi ko pinansin ang comment nya dahil may pagka night owl ako. "What in the world is that loud noise baby girl? Nasaan ka?"
"King & Queens. Nakikijamming lang," simpleng sabi nya.
"Huwag kang magpaka inom at magmamaneho ka pa pauwi," paalala ko sa kanya
"Oo na. You worry too much." I can already picture her face grinning. Sa aming lima ay bukod tanging sya lang ang naka dalawang nobyo. Highschool pa lang ay may boyfriend na pero ilang araw lang ay nabreak na agad. Sumubok uli noong 2nd year college pero talagang hindi mag work out. Kaya ayan, loveless at pagtugtog ang pinagkakaabalahan ngayon.
Naghikab ako. "Okay, what do you need baby girl? Tell Ate na para maka sleep na ako. I am so tired from the office."
"Ewan ko ba naman sa 'yo nagpapakaburo ka sa opisina. Hindi naman yun malulugi kung mag absent ka ng ilang araw o di kaya umuwi ka ng maaga. Ikaw kaya ang boss!" nasermunan pa nya ako. Ito talagang batang ito.
"Asus! Tingnan natin yang working habits mo kapag nag graduate ka na at nagtrabaho kay Ate Liv. Malamang mas late ka pang umuwi sa akin." Balik ko kanya.
"Tss! Ako pa ba? Work life balance dapat," pagyayabang nya sa akin.
"Big girl na talaga, alam na ang work life balance. Samahan mo na rin ng love. Dapat work-love-life balance. Sino ba ang boyfriend mo ngayon? Wala pa bang nakakakuha ng atensyon mo?" Wala syang nakukwento sa amin at biglang tahimik sya. Mukhang ayaw lang magkwento.
"Psh. Wala. Bawal ang chismosa. Mauna ka muna mag love life bago ako. Hahaha!" tukso nya sa akin.
"At sino naman ang gagawin kong love life aber?" Nahikab na naman ako. Kapag love life ko ang pinaguusapan inaantok kaagad ako.
"Si Kuya Luc! Pogi na macho pa!" Mukhang boto pa yata si baby girl kay Lucas.
"Hay nako! Pogi nga napaka kulit naman! Hindi na lang, dun na ako sa forever team alone na sinasabi ni Hails," nakangiwi kong sabi sa kanya.
Tumawa ng malakas si Raven. "Ano na? Ano ba ang itinawag mo? Napalaot na ang usapan natin nating lovelife ko na eh."
"I need a favor," umpisa nya ulit.
"Kinakabahan ako dyan sa sinasabing mong pabor."
Narinig ko ang mahina nyang hagikhik. "Grabe ka Ate Hope."
Tinatawag nya ako na Hope kapag naglalambing at may gustong hingin. I have always wanted another sibling aside from Hails pero talagang hindi na nagbuntis si Mommy. Kaya ng ipanganak si Raven ni Tita Shelly, sya ang naging manika naming lahat.
"Sabihin mo na at ng makabalik na ako sa tulog ko." Talagang antok na antok na ako.
"Pumayag ka muna." Ubod ng kulit.
"Oo na nga.." wala sa loob na sabi ko sa kanya.
"I need you to pick up Lexi tomorrow morning may lakad sila Ate Nikki and it's my turn tomorrow to babysit."
May rotation kaming mga ninang at ninong kung sino ang magbebabysit sa panganay ni Ate Nikki, buntis sya sa pangalawa nya at busy rin sila sa pag aayos ng garden wedding nila. They're probably ironing out the last details dahil dalawang linggo na lang at kasal na nila.
"Fine. We'll switch. Ingat ka pag uwi mo mamya. No boys Raven —"
"Just men. I know," she finished my sentence.
Sure dating boys are fun, I went out on dates a few times in highschool and even while studying at Harvard but they're still boys. Pagka-graduate ko ay hindi na ako nagkaroon ng oras makipag date kaya zero ang love life ko.
Now at age twenty six — wala pa rin akong nagiging boyfriend. Sa taas ng ginawa kong pamantayan ay walang pumasa. Dad is my yardstick. Good luck na lang sa akin, sabi nga ni Hails — kung Team Blooming si Ate Nikki, ako naman ay Team Forever Alone dahil napaka pihikan ko.
Wala pang anim na oras ang itinulog ko dahil alas otso ng umaga ko kukunin si Lexi.
"Ninaaaang!" tatakbo na ito papunta sa akin. Naka-pajama pa.
"Baby ko!" Iyon ang tawag ko sa kanya. Niyakap ko sya at binuhat. "Ambigat mo na!" pinupog ko sya ng halik at humagikhik ito.
Nakita kong papalapit si Ate Nikki. "O, nasaan si Raven?"
"Tumawag kaning madaling araw, may biglaang lakad yata ngayon," sabi ko sa kanya.
Nailing ito. "Ang bata talagang iyon kung saan saan nagsususuot."
Napatawa ako at napansin nya, may tantrums na naman yata ang buntis. "Sino pa ba ang pagmamanahan nun sa paglayas layas nya?" kinindatan ko sya dahil sya yung tinutukoy ko.
"Heather Hope!" That's her warning tone.
Hindi naman ako nagpasindak. "Kuya Hunt! Yung asawa mo, nagtatantrums na. Help!"
Agad naman itong nasa tabi ng asawa at inakbayan. May ibinulong at ang buntis ay biglang namula at humagikhik.
"Hay naku! Dyan na nga kayo, akin na itong baby ko at humayo na kayo at magpakarami.. ay wait — may padalawa na nga pala," binato ako ng gusot na paper towel ni Ate Nikki at nakailag kami ni Lexi na karga ko pa rin. Binelatan ko sya.
"Hus inggit ka lang mag boyfriend ka na kasi para hindi ka na #teamforeveralone. " nahawa pa yata kay Hails. Tumikhim pa ito at ngumisi. "Lucas is a good looking guy and very much available," napangiwi naman ako kaya napahagikhik sya.
Umasim ang mukha ni Kuya Hunt. "Good looking guy — talagang kelangan sabihin pa pwede namang very much available lang?" Pinagselosan nya dati si Lucas ng dalawang beses kwento ni Ate Nikki. Una noong nagsurfing sa Palawan at pangalawa sa hospital bago ang civil wedding nila.
"Buntis na ako sa pangalawa mo nagseselos ka pa rin? Umayos ka nga, babe," tatawa tawang niyakap nito ang asawa. God! These two — sino ang mag aakala? Ang sweet nila sa isa't isa. Parang magkabarkada lang kahit mag-asawa na. Gusto ko rin ng samahan na katulad ng kanila.
"Dyan na kayo love birds, mauna na kami ng baby ko. Dito lang kami sa baba sa unit ko." Inabot ko ang bag na may pamalit ni Lexi
"Thank you!! Thank you!" niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi.
"Welcome ate," hinalikan ko rin sya sa pisngi. "See you later!" nagwave ako kay Kuya Hunt.
Pagdating namin sa unit ko "Baby, what do you want to do today." Alas diyes na ng umaga ngayon at nakapag almusal na sya kanina. Ako naman ay nagkape lang.
"Hmm.. I want to bake with you ninang," malawak ang ngiting sabi nito.
"Anong ibebake natin?" I felt giddy. Matagal na akong hindi nakakapag bake.
"Chocolate chip cookies!!!" excited na sabi nito.
"Okay, sandali lang at titingnan ko kung may magagamit tayo sa pagbebake. Kung wala, samahan mo ako sa grocery store ha," tumango tango naman ito at kumuyakoy pa.
Tiningnan ko muna ang pantry kung kumpleto at may ingredients ako. Meron pa kaming magagamit.
"Okay sige, gawin na natin," inilagay ko sa island counter ang mga ingredients saka inilagay sa pre heat ang oven.
"Yey! Tell me what to do," excited na sabi nya sa akin.
"First, we need to wash our hands. So go to the washroom and wash your hands there then meet me here," kaagad naman syang tumalima. Ako ay dito sa sink naghugas ng kamay.
Pagbalik nya ay binuhat ko sya at iniupo sa silya. "Okay, ilagay mo itong parchment paper sa tray," ipinagpilas ko sya at baka masugatan pa.
"What's next ninang?" tanong nito sa akin.
"Mix the packed brown sugar at itong isang granulated sugar," ginawa naman nya.
"Next?" Kung maka next ay akala mo ay matanda na. Lexi is really smart for her age. She's only four.
"Mix the eggs," I measured the vanilla, salt and baking soda and mixed it with the rest. "Now add this flour."
Nagsimula kaming bumilot ng cookie dough. Tuwang tuwa ang batuta na nakaupo sa bar stool sa gilid ko. Parang gusto ko na tuloy magkaanak. Natawa rin ako sa naisip ko — anak agad ni wala nga boyfriend??
Inilagay ko sa oven ang ginawa namin at nagset ng timer. Nine minutes lang ang kailangan namin, pagkatapos ay ibinaba ko si Lexi sa pagkakaupo para maghugas ng kamay sa banyo dahil hindi nya abot dito sa kitchen. I'm promoting independence kahit pwede ko syang buhatin dito sa sink.
I was washing my hands when someone knocked. Probably Hails, wala akong inaasahang iba. Pinahid ko ang kamay ko sa kitchen towel at binuksan ang pinto. Gulat na gulat ako sa taong nasa harapan ko.
"Lucas!" Fresh na fresh ito at mukhang bagongligo. Ang bango ay nanunuot sa ilong ko. "What are you doing here?"
"Good morning," natawa ito ng mahina pagkabukas ko kanina ng pinto. "Raven said you might need help so she asked me."
Kumunot ang noo ko. "What??"
He touched my face and straightened my frown.
With one touch from him and I feel my body burn. He has never touched me in any way before. Then I saw him lean over and stopped when he was an inch away from my lips and whispered, "You've got a little bit of flour on the tip of your nose," he cupped my face with one hand and wiped it with his thumb..
"There — wala na." But he remained cupping the one side of my face at hinayaan ko naman.
And then he kissed my lips while I am still holding the door open. His kiss was soft -- as if he's testing me if I will push him or not. His kiss went deeper, parang may hinahanap at ng mahuli ang dila ko ay sinipsip yun. I felt him pull me to him using his other arm and it encircled my tiny waist. I can feel him growing.
Ang mga daliri nya na nasa batok ko ay gumagalaw na animo ay nagmamasahe kaya lalo akong nawala sa tamang huwisyo. Pakiramdam ko ay lasing na lasing ako sa mga halik nya. He ended the kiss when the timer made a sound. Hudyat na luto na ang cookies. He kissed my forehead.
"I'll get it out before the cookie burns at magalit si Lexi. Close the door behind you baby."
Iyon lang at nagtungo sya sa kitchen na parang dito sya nakatira. Oh my God! Si Lexi! Hinanap ko sya at nakita kong tahimik na nagbabasa ng libro sa dining table at umiinom ng fruit shake na ginawa ko kanina. Oh thank God! Nakahinga ako ng maluwag. I can't help but think about what just happened earlier.
That was intense for my first kiss.