Alazne
*
*
Nakaupo ako nakatitig sa mga pagkain nakahain sa hapag kainan.
Maghanda ako ng candlelight dinner para sa first anniversary namin ni Jaleel, Halos makalahati ko na ang wine pero wala pa si Jaleel, Sa nakalipas na mga buwan naging maayos ang pagsasama namin ni Jaleel, Hinayaan niya ako matulog sa tabi niya naghahalikan kami pero hanggang sa halik lang. Walang namagitan saamin kahit na anong pang-aakit ko. One-year na kami mag-asawa pero virgin parin ako.
Kahit na alam ko na niloloko niya ako nagbulang-bulangan ako para lang makasama sya. Umaasa ako na darating sya at maalala nya ang wedding anniversary namin.
Kinuha ko ang phone ko nag picture ako at nag post sa Facebook
" Happy first anniversary hubby! I will wait for you no matter what happens. Thank you for everything"
Ilan sandali lang nagkagulo na sa comment section.
Zenni: OMG! Sino ang malas na lalaking yan? Bakit ka pinaghintay?"
Brittany: OMG ate may tangang pumatol sayo?
Gwen: Sino ang lalaking yan? Sabihin mo ipapatay ko.
Napangiwi ako binura ko nalang ang post ko kung ano-anong kalokohan ang na babasa ko.
Sunod-sunod naman ang text massage ang natanggap ko naisip ko I block lahat ng kaibigan at pinsan ko
Naubos ko ang alak pero walang Jaleel na dumating.
" May kasama na naman siyang babae." Malungkot na sambit ko habang nakatitig sa post sa f*******: nakikipag halikan siya sa babae nasa club sila kasama ang mga kaibigan niya.
" Tumayo ako kinuha ko ang susi ng kotse ko ilang sandali lang nag-mamaneho na ako hindi ko alam kung saan ako pupunta basta nagmamaneho lang ako huminto ako sa naglalakad na lalaki
" Daniel Borlin." Nakangiti na tawag ko napalingon saakin ang tinawag ko hinubad ang suot na sombrero
" Ms Shoun." Nakangiti na tawag ni Sir Daniel teacher ko ng highschool, Siya din ang nagturo saakin magluto eight years ang age gap namin matagal nawala si Sir Daniel tatlong taon din sya nawala
" Sakay na ihahatid na kita." nakangiti na wika ko
Nakangiti na pumasok si Daniel sa kotse ko nagmaniho ako tahimik na nakatayo lang saakin si Sir Daniel
" Ilang taon kana Alazne?" Tanong ni Daniel
" 21 na ako. Bakit mo naitanong? Sya nga pala bakit ngayon kalang nagpakita saakin? Umalis ka daw sa pagtuturo umalis ka din sa apartment na inuupahan mo. Wala kang social media account. Kaya hindi ko alam kung saan ka hahanapin." Nakangiti na tugon ko na may kasamang tanong
" May trabaho ako kasi sa ibang bansa ang hirap ng naging trabaho ko. Isang most dangerous serial killer na hindi basta-basta nahuhuli. Inabot ako ng tatlong taon muntikan na ako mamatay." napapakamot sa ulo na paliwanag ni Daniel
" Mas lumapad ang katawan mo ngayon Daniel mas gwapo ka tingnan. " Nakangiti na sabi ko
" Ang ganda mo na Alazne! Pwede ba ako nanligaw sayo?" Tanong ni Daniel
" Sa ngayon hindi pa pwede may asawa ako. Ipakasal ako ng mga magulang ko alam mo bang isang taon na kami mag-asawa pero virgin pa ako. Sabi niya hindi pa siya handa magkaroon ng anak." wika ko sa malungkot na boses
" Hindi ka mahal ng lalaking yon! Alam mo kasi pagmahal mo ang isang tao impossible na hindi ka makaramdam ng init ng katawan. Pakiramdam mo sa tuwing hinahalikan mo sya parang gusto mo na siyang hubaran. Makadikit lang ang balat niya sayo galit agad alaga ng lalaki. Pag may gusto sayo ang lalaki makaramdam siya ng kakaibang init ng katawan nakakabaliw para bang gusto mo siya laging kasama. " Mahabang paliwanag ni Daniel
" Hahaha! pina-ikot ikot mo pa isa lang ang ibig sabihin non nalilibogan ka. " Natatawa na tugon ko
" Hahaha! Baka bakla ang asawa mo. " Natatawa na tugon ni Daniel
" Saan ka nga pala pupunta?" tanong ko
" Nagbakasakali na mahanap ka, Wala ka kasi sa bahay mo pero nandoon naman painting's mo? " Tugon niya
" Hinanap mo din ako?" tanong ko Hindi ko maiwasan ang matuwa
" Yup! " tugon niya
" Club tayo." Nakangiti na aya ko
Pagkalipas ng ilang minuto nandito sa paboritong tambayan ni Jaleel na club.
Pagpasok namin agad kami nag order ng tig dalawang shot ng vodka.
" Alam ko maganda ako." nakangiti na wika ko tumawa si Daniel napailing nag order siya ng one bottle of vodka
Naghanap kami ng bala to table naupo kami na magkatabi ni Daniel panay ang titig saakin ni Daniel
" Hahaha! Parang kakainin mo ako ng buhay kung makatitig ka." Natatawa na wika ko
" Hahaha! Sabihin mo pag hiwalay kana sa asawa mo papakasalan kita Wala nang ligaw-ligaw. Akala ko sa pagbabalik ko single kapa. Malas ko naman alam mo ba kaya ako nagturo dahil sayo. Na love at first sight ako sayo Alazne sa tuwing nakikita kita para bang gusto kitang iuwi sa bahay. I'm single ikaw kasi ang gusto ko sana maging girlfriend. Pero sa ngayon pwede mo ako maging kaibigan." nakangiti na pahayag ni Daniel
Napanganga ako sa aking narinig pambihira ako ang dahilan kaya sya naging teacher, Akala ko ba naman may target sya kaya sya nagturo.
" Maghintay ka ng dalawang taon saka mo ako ligawan, Dalawang taon pa bago kami maghiwalay, Sapilitan ang pagpapakasal ko hindi ko ginusto. Mahal ko ang lalaki pero hindi niya ako mahal anniversary namin ngayon pero ayon sya may kahalikan na babae." wika ko sabay turo sa kabilang sulok kay Jaleel
" Gusto mo ba malaman kung mahal ka niya? Halikan mo ako pakita mo na hindi lang siya ang lalaki. Ginagawa kang tanga ng asawa mo hindi ka niya mahal. Kasi kung mahal ka niya hindi niya magagawa tumingin sa iba." Seryoso na wika ni Daniel
Napatingin ako kay Jaleel napansin ko na gumigiling ang babae sa kandungan ni Jaleel nakapikit si Jaleel kagat ang kanyang pang-ibabang labi. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang selos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para akong binuhosan ng malamig na tubig.
Napatingin saakin si Jaleel Singkit mata niya akong tinitigan
" Tumayo ako naupo ako ng paharap kay Daniel walang pag-aalinlangan na inangkin ko ang labi ni Daniel mapusok ang pagkakahalik ko hinawakan ni Daniel ang batok ko ang isang kamay niya sa bewang ko, Dahil siguro sa tama ng alak kaya sarap na sarap ako sa pakikipag halikan
" Hey! enough. " hingal na awat ni Daniel, nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa kinaroroonan ni Jaleel nakatayo na siya nakapamewang nanlilisik ang mga mata wala na ang babae na kahalikan niya hindi lang kahalikan pasemple silang nagtatalik.
Nagkatitigan kami ni nagsukatan kami ng tingin.
" Hinding-hindi na ako magpapakatanga sayo. Simula ngayon gagawin ko ang ginagawa mo. Hindi na ako maghahabol sayo. Akala ko kaya kung magmahal unconditionally, Hindi pala dati kasi halik lang pero nakikipag talik na siya. " Garalgal na wika ko
Kinabig ni Daniel ang batok ko Marahan niyang inangkin ang labi ko. Umiiyak ako hindi ako tumugon sa kanyang halik kusa siyang tumigil sa paghalik saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit
" Mahal na Mahal mo sya! Pinagsisihan mo ang paghalik mo saakin, Tutulungan kitang napasayo ang kanyang puso. Simula ngayon ako ang magiging kakampi mo sa lahat ng oras. Mahal kita Alazne handa akong gawin ang lahat makita lang kitang masaya. I love you unconditionally." Malambing na wika ni Daniel
Sumubsub ako sa leeg ni Daniel umiyak ako ng umiyak yakap lang niya ako
" Tahan na, Sa bahay ka nalang magpalipas ng gabi, Don't worry hindi na kita hahalik wala akong gagawin sayo. Masaya na ako na Makita kang muli namimiss ko na ang Alazne na palangiti laging ninanakaw ang ulam ko " Mahinahon na wika ni Daniel
Umalis ako sa pagkakaupo sa kandungan ni Daniel pinunasan ko ang luha ko, Ang sama ng pakiramdam ko nasaksihan ko ang harapan na panloloko ng asawa ko, Gusto ko gumanti para ipakita sakanya na kaya ko din gawin ang ginagawa niya. pero inuusig ako ng konsensya ko pakiramdam ko nagtaksil agad ako sakanya, Hindi ko kaya magtaksil sa asawa ko kahit na anong gawin ko Hindi ko kayang ibalin sa iba ang pagmamahal ko.
" Uuwi na ako ito ang calling card ko, mag-ingat ka mafia boss ang asawa ko baka paglabas mo may sasalubong sayo na bala." Malungkot na wika ko sabay abot ng calling card ko
" Salamat Ash! Huwag kang iiyak dahil lang sa lalaki, Bakit hindi ka magbakasyon para makapag isip ka. " Nakangiti na wika ni Daniel sabay kuha sa kamay ko ng calling card.
Naglakad na ako palabas ng club akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko ng bigla nalang ako lumutang para akong sako ng bigas na pinasan ni Jaleel
" Bakit? bitin kaba sa babae kanina? " Panunuya ko
Pinasok ako ni Jaleel sa dala niyang sasakyan sa back seat kami.
" Sa bahay Migs." Walang emosyong na utos ni Jaleel sumandal ako sa upuan pumikit ako parang Umiikot ang paningin ko
" After three years nagkita na naman kayo ni Daniel! May relasyon ba kayo Alazne?" Galit na tanong ni Jaleel
" Wala! Nakipag halikan lang ako. " baliwala na tugon ko
" Damnit! Kailan mo pa ako niloloko? Asawa mo ako Alazne hanggat kasal ka saakin wala kang karapatan manlalaki." Galit na bulyaw ni Jaleel
" Tsk! Pag ikaw pwede? Bakit na gagalit ka? Kilan kita sinumbatan sa panloloko mo saakin? Alam ko naman hindi mo ako gusto takot ka lang na mawalan ng mana. Gagawin ko ang gusto kung gawin total sa papel lang naman tayo mag-asawa." Galit na tugon ko
" Papatayin ko ang lahat ng lalaking lalapit sayo, Akin kalang Alazne ako lang ang may karapatan sayo." galit na wika ni Jaleel hinawakan niya ang magkabilang panga ko gamit lang ang isang kamay niya
" Napagtanto ko na hindi na pala kita Mahal, Huwag mo akong takutin Jaleel hindi ako takot sayo, Kaya kitang patayin kaya kong gawin impyerno ang buhay mo. " Walang emosyong na wika ko binitawan niya ang panga ko
" You love me! I know that." galit na bulyaw ni Jaleel
" Oo Mahal kita noon! Pero nawawala din pala ang pagmamahal dahil sa paulit-ulit na nasasaktan. Nawawala ang pag-ibig napapalitan ng pagkamuhi. Magsama tayo sa iisang bahay ng walang pakialam simula ngayon hinding-hindi na ako maghahabol sayo. Maghiwalay tayo pagkatapos ng dalawang taon. " Mahinahon na wika ko
Makakalimutan din kita, Hinding-hindi na ako iiyak dahil lang sa lalaki Ginawa ko na ang lahat pero wala talaga, Alam ko na sinubukan din niya akong mahalin. Isang taon na nagsasama kami sa iisang kwarto hindi niya ako magawang angkinin kahit na anong pang-aakit ko.
Hindi umimik si Jaleel nakatingin siya malayo.
Pagdating sa bahay magkahiwalay kami ng tulog sa sofabed ako sa kama si Jaleel wala kaming kibuan.
Kinabukasan maaga ako nagbihis ng crop top at booty short nagsuot ako ng rubber shoes, lumabas ako ng bahay nag-umpisa ako mag jogging paikot sa loob ng subdivision malawak ang kalsada marami din ako kasabay
" Ash! sexy mo ngayon." Bati ng isang binata na kapitbahay namin sinabayan ako sa pagtakbo
" Hahaha! Ikaw din gwapo mukhang malaki." pagbibiro ko sa umbok ng cotton shorts niya ako nakatitig
" Hahaha! bakit maliit ba ang sa asawa mo?" pagbibiro ng binata
" Wala eh! Sa papel lang kami mag-asawa hindi sa kama." Natatawa na tugon ko
" So pwede ako manligaw?" Seryoso na tanong ng binata
" Maghintay ka na maging single ako dami nyo nakapila." natatawa na tugon ko
" Talaga? Kilan mo siya hihiwalayan? Ako na ang bahala sa gastos sa divorce nyo." Nakangiti na wika ng binata
Huminto ako napangisi ako napansin ko tumatakbo din si Jaleel nakatitig saakin ng masama
" Patikim nga ng labi mo." Nakangiti na wika ko sabay kabig sa batok ng binata siniil ko ng halik sa labi ang binata natigilan siya
" Ahemmm!. Ahemmm! Ahemmm." Tikhim ni Jaleel nakatayo siya sa likuran ng binata
" WOW! Ang tamis at lambot ng labi mo." Buong paghanga na wika ng binata
" I'm Alazne Shoun soon single na ako." Pakilala ko sa lalaki
" I'm Justine Single." Nakangiti na tugon ng binata nakipag kamay ako
Hinawakan ko ang kamay ni Justine tumakbo kami palayo kay Jaleel narinig ko ang malulutong napagmumura ni Jaleel galit na galit siya saakin at sa lalaking kahalikan ko
" Kung hindi kita mapapaibig ipapakita ko nalang sayo na hindi lang ikaw ang lalaki. Makikipag laro nalang ako sa mga lalaki kaysa naman umiyak ako sa sulok dahil sa sama ng loob. " Piping sambit ko
" Business ko ang kailangan ni Jaleel kaya nya ako pinagtiyagaan ng isang taon. Tapos na ako sa pakikipag utuan ipapakita ko sayo na hindi lang ikaw ang lalaki.
Habang tumatakbo ako nakasalubong ko si Devon nakangisi ng nakakaloko ang gago kumindat lang siya nilagpasan ko siya na parang hindi kami magkakilala