Chapter 6 Dinner

2243 Words
Alazne * * Nakasalubong ko si Jaleel papalabas ako ng campus. " Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong ko Humarang ako sa dadaanan niya " Pinahiya mo ako ng birthday party ni daddy." Inis na tugon niya " 17 birthday ko ngayon, Kinausap ko parents ko na ayaw ko maghahanda, Pero pupunta ako mamaya sa parke kung saan tayo madalas magtambay ng mga bata pa tayo, May ibibigay ako sayo." Nahihiya na paanyaya ko " Wala akong maalala na tambayan natin. Hindi rin kita initurin kaibigan ikaw lang naman ang dikit ng dikit kay Zenni. Nakikipag kaibigan ka kay Zenni para mapalapit saakin." Masungit na wika niya " Hindi mo ba ako babatiin? Isang taon nalang legal age na ako. " Nakangiti na tanong ko " Tsk! I wish you in hell." Masungit na tugon niya nilagpasan na ako " Baby! Sama kaba sa penthouse ko?" malambing na tanong ni Jaleel sa babaeng papalapit saamin Yumoko ako naglakad na ako palabas ng campus, Parang sinaksak ang dibdib ko Para siyang nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend. Mas maganda pa ako sa mga magiging girlfriend niya. Bumili pa ako ng mamahalinga damit mamahalin pabango. Lagi akong sexy tingnan pero hindi niya ako napapansin " Manong sa parke nga po." Wika ko sa taxi driver " Kumusta kana iha? Lagi nalang kitang naisasakay pero lagi kang malungkot." Wika ng taxi driver " Manong! May crush kasi ako maganda naman ako, matalino, Hindi ko lang sinigurado kung mabait ako. pero ayaw saakin ng crush ko." Malungkot na tugon ko " Subukan mong Akitin, Sa ganda mo yan impossible na hindi ka magugustohan non. " Nakangiti na tugon ni manong driver " Dito nalang po, " nakangiti na wika ko Inabot ko ang Limang daan " Sayo na po ang sukli." Nakangiti na wika ko nagpasalamat ang taxi driver " Lagi kang ngumiti iha. Para kang angel sa tuwing nakangiti ka nakakawala ng pagod ang ngiti mo. Magugustohan kadin ng crush mo. Pag hindi naku baka bakla yon." Wika ni manong driver tumawa ako " Ice cream po 20 po." Nakangiti na wika ko sa nagtitinda ng ice cream " Oh Iha! Ito libre ko nalang sayo. Happy birthday." Nakangiti na wika ng may edad na lalaki " Salamat po manong. Kumusta po ang apo nyo?" Nakangiti na tanong " Salamat sa tulong mo Magaling na, " Nakangiti na tugon ni manong Ervin " Basta pagkailangan nyo ng tulong huwag kayo mahihiya na tumawag saakin. Handa po ako tumulong sa abot ng aking makakaya." Nakangiti na wika ko " Nakapabait talaga ng batang to, Aba tuwing kaarawan mo nandito ka sa parke. Nakaupo parang may hinihintay. " wika ng ali na nagtitinda ng Kwek kwek. " Salamat po." Nakangiti na tugon ko naglakad na ako palayo sa mga nagtitinda. Nakarating ako sa Puno ng narra. Naupo ako sa ilalim ng puno tahimik na inaalala ang nakaraan " Flashback" " Bakit ba sunod ka ng sunod saakin? " Galit na tanong ni Jaleel " Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo." Tugon ko Umuwi ako na malungkot, Walang gusto makipag kaibigan saakin bukod kay Gwen. Si Zenni at kailani abala sila malayo ang bahay saamin. Maraming silang bodyguard sa tuwing lalabas ng bahay kaya ayaw ko sila kasama. Kinabukasan paglabas sa school naglaro na naman ako sa parke kasama ko ang isang tauhan ni Papa " Hi Jaleel! Ito oh ako ang nagdrawing nito. " nakangiti na wika ko sabay abot ng sketchpad. " Ikaw ang gumawa nito? Baka naman pinagawa mo ito." Tanong niya habang nakangiti " Cute ka pag nakangiti ka." nakangiti na tugon ko " Birthday mo ngayon diba? Bakit wala kang party?" tanong ni Jaleel naupo kami sa ilalim ng puno ng narra " Ayaw ko ng maraming tao. Gusto ko lang ang masilayan ka sa tuwing kaarawan ko. " Nakangiti na tugon ko " Happy birthday! Ash! Simula ngayon tuwing kaarawan mo pupuntahan kita dito, Dito tayo mag tatagpo. " Nakangiti na tugon niya *** End of flashback *** " Sinungaling ka! Simula ng maging kaibigan mo si Zenni hindi mo na ako pinapansin. Nakipag kaibigan din ako kay Zenni pero hindi na naibalik ang pagiging magkaibigan natin. Wala akong maalala na nagawa kong kasalanan " Hawak ko ang chain silver bracelet, Friendship bracelet ang hawak ko suot kona ang isa hawak ko ang para kay Jaleel, May pangalan ko ang para kay Jaleel may pangalan naman ni Jaleel ang bracelet ko. " Madilim na pero wala parin Jaleel na pumunta. Naghintay pa ako ng ilang oras pero wala parin. Kinuha ko nalang ang phone ko nag f*******: nalang ako. Naiyak nalang ako nakita ko ang post ni Jaleel kasama niya ang babae kanina sa school nasa nightclub sila ngayon kasama si Zenni " Sabi mo tuwing kaarawan ko pupuntahan mo ako dito." Umiiyak na sambit ko Tumayo nalang ako sinuot ko nalang ang isa pang bracelet, Naglakad nalang ako nalolongkot ako sa tuwing kaarawan ko " Si Jaleel lang kasi talaga ang gusto ko kasama sa tuwing kaarawan ko. " Umiiyak na wika ko Kinabukasan! Nakasuot ako ng sweatpants at naka white shirt wala akong kahit na anong make-up. " Hey! Bakit naka sweatpants ka?" tanong ng kaklase ko " Wala naman required na uniform sa school na to. Isusuot ko kung ano ang gusto ko." Walang emosyong tugon ko Lahat ng nadadaanan ko naninibago sila sa suot ko, Simula ng lumapit ako ng school lagi nalang maganda ang suot ko. Hindi ko alam kung bakit nandito din si Jaleel, Balak ko dito narin mag college wala kasing uniform dito basta hindi lang nakahubad, Bawal dito ang revealing na kasuotan. " Nakapamulsa ako na pumasok sa classroom nakasimangot ako. Napansin ko pa ang pagsilip ni Jaleel sa pinto ng classroom namin. Buong klasi walang nangahas na kausapin ako. Dati kasi nakangiti lagi ako at nakikipag asaran sa mga kaklase ko 6 pm na ng lumabas ako ng classroom, Nakapamulsa ako na naglakad palabas ng campus Nakasandal si Jaleel sa gate bago lumabas ng campus Nakatitig siya saakin para akong walang nakita, Masama ang loob ko pero wala naman ako magagawa. " Sabi ni mommy sa bahay ka daw maghaponan." narinig kong wika ni Jaleel Para akong walang narinig tuloy-tuloy lang ang maglalakad ko. " Hey! Makikinig kaba?" Inis na sigaw ni Jaleel para akong walang narinig nag-abang ako ng taxi. " Wanna ride?" Tanong ng classmate ko na si Ivan " Sure." Nakangiti na sagot ko akmang maglalakad na ako palapit sa kotse ng kaklase ko. Nagulat nalang ako ng bigla akong lumutang para akong sako ng bigas na pasan ni Jaleel. " Tika! ibaba mo nga ako." galit na utos ko sapilitan ako pinasok sa front seat ng sasakyan niya. Sinuotan ako ng seatbelt umikot sa driver seat " Huwag mo Ubusin ang pasensya ko Alazne. " Galit na bulyaw ni Jaleel pinaharorot niya ang sasakyan palayo sa campus " Pakialam mo ba? Bakit ba lagi kang galit saakin?" galit na tanong ko " I hate you." Galit na bulyaw niya " Tika nagseselos kaba Jaleel?" Tanong ko, Sa isang iglap naglaho na parang bola ang Inis ko kay Jaleel " Hindi! Bakit ako magseselos? Kaya kita nilapitan dahil sa ayaw kong sisihin ako ng kapatid mo sa oras na may masamang mangyari sayo. " Masungit na tugon niya " Jaleel! Talaga bang hindi na tayo pwede maging magkaibigan? " tanong ko sa malungkot na boses " Saan ka mag college? Tanong niya sa mahinang boses " Gusto ko sa school na to, Malayo sa mga kaibigan ko, Kaya dito nalang ako mag-aaral." mahinahon na wika ko " Huwag ka muna mag-boyfriend bata kapa. Pag-aaral mo na ang unahin mo. " Seryoso niyang wika " So boyfriend na kita?" Nakangiti na tanong ko " May girlfriend na ako. Hindi kita gusto." masungit na wika niya " Ihatid mo ako sa bahay ko, May gagawin pala ako ngayon." malungkot na wika ko Hindi siya umimik nagpatuloy lang sa pagmaneho, Nakatitig lang ako sa mukha niya habang tahimik siyang nagmamaneho " Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong niya sa mahinang boses " Umuwi agad ako pagkalabas ko ng school." Pagsisinungaling ko " Sasama kaba sa Saturday sa beach?" tanong niya sa mahinang boses " Ayaw ko! Mapapahiya lang ako doon, Marami akong gagawin sa Saturday." Tugon ko sa mahinang boses " Pumunta ka! Pupunta ako." Wika niya " Gusto mo ako makasama?" tanong ko " Hindi! Ayaw ko nga na lumalapit ka saakin, Magagalit na naman saakin si Zenni paghindi ka pumunta. Aakalain niya na inaway na naman kita." tugon niya " Si Zenni na naman? Alam naman ni Zenni na may gusto ako kay Jaleel pero lagi niyang inaaya kung saan-saan si Jaleel." Piping sambit ko Pagdating sa harapan ng gate ng bahay ko bumaba na ako, Hindi na ako nagpasalamat kay Jaleel binuksan ko ang gate akmang sasara ko na ng mapansin ko nakatayo si Jaleel sa harapan ng gate nagkakamot ng batok " Bakit? " Nagtataka na tanong ko " Nagugutum ako! May pagkain ka d'yan?" Tanong niya halatang nahihiya Niluwagan ko ang pagbukas ng gate pumasok naman siya sinarado ko ang gate naglakad ako pasunod kay Jaleel " Akala ko ba invited ako sa house nyo for dinner?" tanong ko " Ahm! May biglaan lakad si mommy." Tugon ni Jaleel " Gustong-gusto kasi ni mommy magkaroon ng babaeng anak. Magbuntis si mommy dati kaso nakunan hindi na ulit nabuntis. Kaya gustong ka ni mommy." Paliwanag ni Jaleel " Gusto ako ng mommy mo o ikaw ang may gusto saakin? Sabihin mo lang sasagutin agad kita hindi mo na kailangan manligaw." Pang-aasar ko " Tsk! Hindi kita gusto nagugutum lang ako walang pagkain sa penthouse ko. Ayaw ko ng pagkain sa restaurant nakakasawa na. Gusto ko lutong bahay pagluto mo ako " mahabang tugon niya na may kasamang utos " Magbihis lang ako maupo ka muna. " excited na utos ko nagmamadali ako umakyat sa hagdan " Ayeeeh! Nandito siya sa bahay ko." Kinikilig na sambit ko Nagsuot ako ng cotton shorts at black shirts nag spray ako ng pabango. Nag pahid ako ng manipis na makeup Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko, Kinakabahan ako tapos para bang nanginginig pa ang tuhod ko, Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kasama ko si Jaleel lakas ng kabog ng dibdib ko. Minsan nilalaggpasan ko nalang sya dahil nauutal ako naunahan ako ng kaba at hiya. " Anong gusto? Kape o soda?" tanong ko habang pababa sa hagdan " Coffee." Tugon niya nagkalad na ako patungo sa kusina nagtimpla ako ng dalawang tasa na kape nagulat pa ako nakaupo si Jaleel sa harapan ng table dito sa kitchen " Ikaw lang ba ang nakatira dito?" tanong niya inilapag ko ang kape sa harapan niya inilabas ko ang pork meat. " Dalawang taon na ako nakatira dito, Pasensya kana kung makalat hindi ako nakapag linis kanina." nahihiya na tugon ko " Marunong kaba maglinis ng bahay? Magluto at maglaba?" Tanong niya nagsalang ako ng bigas sa rice cooker pagkatapos, Naghiwa ako ng bawang sibuyas nagpiga ako ng kalamansi. Ihinanda ko ang toyo, oyster sauce. sprite at iba pang rekado. Nag-umpisa ako magluto, nakatitig lang saakin si Jaleel kunwari hindi ko siya pinapansin. Lumipas ang 45 minutes na hindi kami nag usap, Si Jaleel ang unang nagsalita " Gusto ko sa babae ang marunong ng gawain bahay, Yon Wife material." Wika niya Jaleel " Baka kasambahay ang gusto mo Jaleel, Ayaw ko sa lalaki ang babaero laging galit at hindi marunong tumupad sa pangako. " Inis na tugon ko inilapag ko sa table ang pork adobo naghain ako ng pagkain sa hapag kainan Hindi pa ako nakakaupo nag-umpisa ng kumain si Jaleel " Hindi masarap ang luto mo, Mas masarap ang luto ng girlfriend ko. " Tugon niya habang sunod-sunod ang pagsubo ng adobo. " Sabi ni kuya masarap ako magluto ng adobo, oyster sauce at sprite ang gamit ko hindi ako naglalagay ng tubig. Layassss! ikaw na nga ang pinagluto tapos sasabihin mo hindi ako masarap magluto." Galit na bulyaw ko " Nasa hapag kainan tayo Alazne huwag kang sumigaw! Kumakain ako ingay-ingay mo. " Yamot na tugon niya Naiinis na naupo ako nakita ko ang kakaiba ang ngiti sa labi ni Jaleel hindi ko alam kung nang-aasar ba sya. " Nakakainis na ang lalaking to. Pakipot ang Gago" Inis na kausap ko sa sarili ko habang kumakain " What? " Gulat na tanong ni Jaleel " Pagnawala ang pag kagusto ko sayo who you ka saakin." Inis na tugon ko " Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo, Hindi talaga kita gusto pasensya kana." mahinahon wika niya " Okay lang! Hindi ko naman sinabi na gustohin mo rin ako, Hayaan mo lang ako sa kakulitan ko. Siguro dahil sa bata pa din ako kaya hindi ko mapigilan kiniligin sa tuwing nakikita ka." Nakangiti na wika ko " Move-on kana, Hinding-hindi kita magugustohan huwag kang umasa." Baliwalang tugon niya " Kaya nga lumipat ako ng school tapos sinundan mo naman ako." Inis na tugon ko " Tsk! Dami mong sinasabi." Inis na tugon niya dinampot ang baso na may laman tubig " Lilipat ako ng school pag college ko. Gusto ko lumayo sa siraulo na to paano mawawala ang pagkagusto ko sakanya kung lagi siyang nakaabang sa gate ng campus sa tuwing papasok at lalabas ako ng school. Kahit na wala siyang pasok nakaabang siya sa gate." Piping sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD