Alazne
*
*
" Huninga ako ng malalim, Nag umpisa akong umiiyak sinikap ko na makuha ang atensyon ng next target ko. Naupo ako sa ilalim ng puno nakayakap sa tuhod patuloy parin ako sa pag-iyak
" Ahemmm! Miss." Tawag ng lalaki
Ingatan ko ang mukha ko luhaan ako na tumitig sa lalaki na nakatayo sa harapan ko
" Bakit po?" tanong ko
" Malik Cooper! tagapagmana ng car company kasalukuyan nasa panganib ang buhay dahil sa Alitan sa negosyo ng kanyang mga magulang. Siya ang next target ko kung mapapalapit ako sakanya, Siya na ang susunod na client ko ililigpit ko lang ang kalaban ng pamilya niya tapos kapalit ng ibabayad niya saakin. Win-win hindi ko na kailangan maghanap ng client ko sa painting's." Sambit ng isipan ko
" Ahemmm! Nakita kasi kitang umiiyak? Pasensya kana miss kung nakikialam ako. Pero kung wala ka kaibigan na pwede pagsabihan ng sama ng loob, Pwede mo ako maging kaibigan " Mahinahon wika ng binata
Naupo siya sa tabi ko inabot saakin ang puti na panyo.
Kahinaan ni Malik ang umiiyak na babae.
" Nalulungkot lang ako! May nagugustohan kasi ako tapos nakita ko siya na may kahalikan na ibang babae." pagsisinungaling ko
" I'm Malik Cooper." Nakangiti na Pakilala ng binata
" Ash! " Pakilala ko nagkamay kaming dalawa
" Huwag mo na iyakan ang crush mo, May lalaki nakalaan sayo, Darating ang araw na kusang darating ang tamang tao na nakatadhana sayo. " Nakangiti na wika niya
" Ikaw bakit ka malungkot?" tanong ko
" Wala! Tara samahan mo ako magdinner." Nakangiti na aya ni Malik
" Siguro sa ibang araw nalang " Tugon ko tumayo ako binalik ko ang panyo sa binata
" Maganda ka pag nakangiti." Wika ni Malik
" Ito pagkailangan mo ng kahit na anong tulong, Tawagan mo ako kahit na ano na ha. Salamat Malik pinagaan mo ang bigat na nararamdaman ko." Nakangiti na Wika ko Naglakad na ako pabalik sa bigbike ko,
Habang nagmamaneho ako napapangiti ako, Second target ko ang matandang lalaki na laging nakatambay sa tabing dagat. tatlong oras ang byahe pero baliwala ang layo, Basta pera ang pinag-uusapan, Leader ng maliit na clan ang matanda na target ko. Walang anak niloloko lang ng kinakasama hindi rin alam ng matanda na nilalason siya paunti-unti ng kanyang Asawa para lang makuha ang kayamanan ng kawawang matanda. Kasabwat ang kanan kamay mismo ng nasabing matanda. Siya si Wesley Von 50 years old. siya ang pangalawa sa target ko para maging client dalawang buwan ko pinag aralan ang kabuohan ng business niya pati ang pag imbistaga sa kanyang pagkatao.
Pagkalipas ng tatlong oras hininto ko sa tabing kalsada ang bigbike ko, May bitbit akong plastic bag na may laman can beers.
" Mr Wesley Von! Don't worry wala yan lason. Lagi kitang natatanaw sa tuwing dumadaan ako, Nakatanaw ka sa papalubong na araw. " Nakangiti na wika ko Ngumiti ang matanda kinuha ang beer na bigay ko binuksan at tinungga ang laman
" Hindi na ako magpapakilala sayo. Kilala mo na ako, Sabihin mo papatayin mo ba ako? " Mahinahon wika ni Wesley
Naupo ako sa tabi ng matanda binuksan ko ang beer at tinungga ko ang laman.
" Ikaw ang may kailangan saakin, Matutulongan kita, Ito panoorin mo ang video ng kataksilan ng asawa at taong pinagkatiwalaan mo. Ang gatas na iniinum mo tuwing gabi may lason. Nakakalungkot lang minsan kahit na anong bait at tulong mo sa isang tao sasaksakin ka parin ng patalikod. Ako si Ash ang katulad mo ang hanap ko bilang client ko. Papatayin ko lahat ng taong may kasalanan sayo lilinisin ko ang lahat-lahat ng kaso mo at mamumuhay ka ng masaya. Maybe mag ampon ka ng bata na magmamana ng lahat ng ari-arian mo. " Mahabang paliwanag ko
Hindi sumagot si Wesley nakatutok ang paningin sa cellphone ko tahimik siyang nanonood ng kuha ko na video naglagay ako ng spy cam sa kabuohan ng bahay ni Wesley.
" Mga hayop sila! Papatayin ko silang lahat! Wala akong ginawang mali sakanila, Trinato ko sila ng maayos ito pa ang igaganti nila. Paano mo ako matutulongan?" Galit na sabi ni Wesley
Ngumisi ako ng nakakaloko tumayo ako inabot ko ang maliit na papel.
" 300k USD deposit mo nalang d'yan sa account ko. Mas gusto ko ang dollar bills. Bigyan mo ako ng isang linggo tapos na ang problema mo. Mag bakasyon ka muna abroad magpagamot ka. Kalimutan mo ang lahat ng problema at sama ng loob mo ako na ang bahala sa problema mo. " nakangiti na wika ko sabay abot ng kapirasong papel
" Sige! Makukuha mo ang bayad sa Oras na matapos mo ang trabaho mo. Hindi tayo magkakilala hindi rin tayo nagkita mananatiling lihim ang gabing ito." Kalmado na tugon ni Wesley
" Magpakasaya ka habang malakas ka. Mag ampon ka ng bata itrato mo bilang sarili mong Apo. " Nakangiti na wika ko
" I well! " Tipid na tugon ng matanda
Habang nagmamaneho ako pauwi hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko, Sa nakalipas na limang taon simula ng mamuhay ako mag-isa makapag ipon na ako. Gusto ko kasi pag-may anak na ako ititigil ko na ang trabaho ko. Gusto ko mamuhay ng tahimik at semple. gusto ko bago ako dumating ng 30 years old may anak na ako.
Dumaan muna ako sa 24/7 fast-food bago ako tuloyan umuwi, Inaasahan ko na wala si Jaleel ilang buwan na kami mag-asawa pero madalas mag-isa ako sa bahay, Minsan sa sarili kong bahay ako natutulog. Pero mas pinipili ko ang umuwi sa bahay namin mag-asawa kahit na madalas mag-isa lang ako. Madalas hindi ako pinapansin ni Jaleel kahit paano hindi na niya ako sinisigawan, Maayos na din ang pag-uusap namin madalas lang siya umiiwas sa tuwing inaakit ko.
Habang nagmamaneho ako pauwi napansin ko ang kotse na sumusunod saakin. Napailing nalang ako kalaban siya ni Jaleel o ni Kuya, Madalas nila ako pagtangkaan patayin pero hinayaan ko lang. Dahil sakanila kaya nagagawa ko maging inosente sa paningin ng pamilya ko.
Kunway wala akong alam napansin ko ang mga tauhan ni kuya na pasalubong saakin nilagpasan ko lang sila pinaharorot ko ang sasakyan hanggang sa tuloyan ako makalayo pumasok ako sa gate ng private subdivision na tinitirhan namin ni Jaleel
" Kumain kana?" Tanong ko kay Jaleel Pagpasok ko sa bahay. nakaupo siya sa sofa nakasimangot
" Walang pagkain bakit ngayon kalang?" Nakasimangot na tanong ni Jaleel
Tinaas ko ang dala kong na pagkain nagmamadali na tumayo si Jaleel agad na lumapit saakin napangiti nalang ako ng kunin niya ang dala ko na pagkain
" Magbihis kana ihahanda ko ang hapag kainan." Utos ni Jaleel
Pagkalipas ng ilang sandali nakasuot na ako ng manipis na loose dress. habang papalapit ako kay Jaleel napapalunok siya nakatitig saakin.
Naupo ako sa harapan ni Jaleel, Nakangiti na nag-umpisa ako kumain, Tahimik kami na kumain ng haponan hindi na pala haponan 11 pm na kasi.
" Jaleel! Kailan tayo mag honeymoon?" tanong ko
Naubo si Jaleel nagulat siya sa tanong ko natawa ako pinagpatuloy ko ang pagkain
" Hindi kita papakialaman kung hindi kita kayang damayan ng habang buhay. After three years kung mahal natin ang isa't isa. Papakasal tayo sa simbahan o kaya beach wedding. Pero pagkalipas ng tatlong taon na hindi parin kita mahal maghiwalay tayo. Kalimutan ang tatlong taon na pinagsamahan natin. " Seryoso na wika ni Jaleel
Hindi na niya hinintay ang sagot ko iniwan na niya ako pumasok siya sa kwarto namin. Maglinis ako ng pinagkainan namin pagkatapos ko maglinis ng kusina pumasok ako sa kwarto nakaupo si Jaleel sa gilid ng kama pumasok ako sa banyo nag toothbrush.
" Gusto mo beer?" tanong ko
" Sige! Susunod ako sa labas." Tugon ni Jaleel naglakad na ako palabas kumuha ako ng beer sa ref pagdating ko sa sala nakaupo na si Jaleel naghihintay saakin pinili ko ang maupo sa tabi niya
" Himala wala ka ata kasamang babae ngayon." Wika ko tumawa siya
" Alam ko kung bakit ka papalit-palit ng babae." Nakangiti na wika ko
" Bakit na naman? " Naiiling na tanong niya tinungga ang beer
" Maliit ang itits mo kaya papalit-palit ka ng babae dahil naghahanap ng kasukat." Pabiro na tugon ko naibuga ni Jaleel ang beer
" What?" Natatawa na tanong niya
" Hahaha." tawa ko
" Pasaway! Matulog na tayo magpasok pa tayo bukas." Naiiling na wika ni Jaleel tumayo siya hindi na naubos ang beer
Tumayo narin ako pinulopot ko ang kamay ko sa braso niya
" Hindi kaba susuko saakin?" tanong niya Pagpasok namin sa kwarto
Naupo siya sa gilid ng kama naupo ako ng paharap sa kandungan niya pinulopot ko ang braso ko sa kanyang leeg, naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko, Napangiti ako naramdaman ko ang matigas na bagay na naupuan ko.
Gumalaw ako ng kaunti habang nagsalita kagat labi lang si Jaleel namumungay ang mga mata natitig saakin.
" Ayaw kitang isuko kahit na nahihirapan na ako. Ayaw kitang pakawalan kahit na baliwala ako sayo, kahit na wala akong halaga sayo, kahit na hindi mo ako mahal. Kahit anong gawin ko mahal na mahal parin kita, Ikaw at Ikaw parin ang tinitibok ng puso ko Jaleel." Makayuko na tugon ko
Inangat niya ang mukha ko dahan-dahan na inangkin ang labi ako. Sinubukan kong tumugin ang kanyang halik
" Ouch!" daing niya nakagat ko ang pang-ibabang labi niya
" Sorry! Sa totoo lang fake lang lahat ng kumalat na kiss ko kasama ang ibang lalaki, Wala pa talaga ako naging kahalikan. Ikaw palang ang nakahalik saakin." Nahihiya na wika ko hinalikan niya ang noo ko
" I pretend to hate you but I really just miss you. I know! i know everything sorry to judge you. " Malambing na wika niya
Hindi ko alam kung bakit ako umiyak
" Tahan na! Hindi ko maipapangako na masusuklian ko ang pagmamahal mo saakin, Salamat sa pagmamahal mo Alazne patawarin mo ako sa lahat ng masasamang salita na sinabi ko sayo. " Mahinahon na wika ni Jaleel habang pinupunasan ang pisnge ko na basa ng luha
Pinahiga niya ako kinulong ako sa kanyang braso sumubsub ako sa kanyang dibdib. Sobrang saya ko kahit na hindi niya ako mahal okay lang basta makasama ko siya at masilayan na masaya. Alam ko tanga ako matagal na akong tanga.
" Goodnight." Garalgal na wika ko akmang babangon ako ng magsalita siya
" Gusto kitang mayakap habang natutulog ako. " Inaantok na bulong niya yumakap ulit ako naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko
" I promise I'll be here no matter what happens. I will never give up, I will never want you to love me back. You are free to choose which woman you want to be with for the rest of your life." Pabulong na wika ko
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya saakin hindi siya sumagot sa mga sinabi ko. Napangiti ako na pumikit para matulog