bc

HBBF 2: Her Perfectly-Imperfect Boyfriend

book_age16+
746
FOLLOW
2.8K
READ
sex
second chance
self-improved
student
drama
bxg
humorous
lighthearted
campus
coming of age
like
intro-logo
Blurb

This is the book two of His Boyish Best Friend.

When Gabriella finally let go of her "bad girl" self and started living her life the way she should be, she then received a challenge that will teach her something that relates to her past.

chap-preview
Free preview
Prologue
HBBF 2: Her Perfectly Imperfect Boyfriend Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi maghanap ng kukumpleto sakin. Buong buhay ko, nasanay ako na nakukuha lahat ng gusto ko. Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi ipagdamot lahat ng meron ako. Akala ko, kumpleto na ako kasi lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Lahat ng mga bagay na gusto ko, ibinibigay sakin ng Tatay at Kuya ko. Kahit kailan, hindi nila ako binigo. Hindi sila nagkulang ng pagmamahal sakin. Ibinigay nila sakin lahat ng mayroon sila. Pero hindi parin ako nakuntento. Anim na taong gulang ako noong magkaroon ako ng bestfriend. Bestfriend na nangakong kailanman, hindi ako iiwan. Bestfriend na itinuring akong prinsesa sa kabila ng napaka makasarili kong ugali at lalaking pagporma. Hindi ko inaasahan na mamahalin ko ang bestfriend ko higit pa sa pagkakaibigang mayroon kami. Hindi ko sinabi sa kanya. Itinago ko nang matagal na panahon dahil natatakot akong mawala siya sakin. Natatakot akong iwan ako ng taong kinatatakutan kong mawala sakin. Pero isang araw, nagmahal siya ng iba. Pakiramdam ko, naiwan akong mag isa. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon. Hindi ko magawang tanggapin ang katotohanan na mawawala siya sakin dahil lang sa babaeng mahal niya. Ginawa ko ang lahat wag lang siyang mawala sakin. Nagpaka-kontrabida ako sa love story nila ng babaeng mahal niya para lang hindi niya ako iwan. Pinapili ko pa siya sa pagitan naming dalawa ng taong mahal niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko noong sinabi niyang ako ang pinili niya. Na tinutupad niya ang pangako niya sakin na kailanman ay hindi niya ako iiwan o ipagpapalit sa kung sinuman. Dapat masaya ako. Pero hindi. Pinili niya lang pala ako sa salita. Kasi 'yung puso at isip niya... Nasa taong mahal niya. Akala ko, nanalo na ako. Akala ko, magiging masaya ako kapag pinili niya ako. Hindi pala. Kasi lalo lang sumakit ang nararamdaman ko. Napaka hirap. Napaka sakit. Sa lahat ng ibinigay sakin ng Tatay at Kuya ko na mayroon sila, hindi pa ako nakuntento. Kasi, kulang talaga. Lalo na kapag lumaki kang walang Nanay sa tabi mo. Isa sa napakahirap na pinagdaanan ko. Buti nalang, nagbalik siya at kailanman, hindi niya ako sinukuan hanggang sa mapatawad ko siya mula sa pag iwan niya sakin noong sanggol palang ako. Hindi rin ako nakuntento sa pagkakaibigan na mayroon kami ng bestfriend ko. Naging sobrang makasarili ako. Puro sarili ko lang ang inisip ko. Gusto ko kasi, ako lang ang babae sa buhay niya. Gusto ko, nasa akin lang ang buong atensyon niya tulad ng nakasanayan ko. Gusto ko, ako lang. Wala nang iba. Hindi ko siya inisip. Hindi ko inisip ang nararamdaman niya. Ito na siguro ang kaparusahan ko sa lahat ng kasamaan na ginawa ko noong mga panahon na 'yon. Umalis ako ng bansa. Nagpakalayo-layo. Hindi ako nagparamdam sa bestfriend ko pero nakakausap ko ang pamilya ko pati mga kaibigan ko. Habang nasa ibang bansa ako, hindi siya naalis sa puso at isip ko. Naging miserable ang mga unang linggo ko sa ibang bansa habang pilit ko siyang kinakalimutan. Habang pilit kong kinakalimutan lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Pinilit ko kahit na hindi ko nagawa. Dahil kahit na ilang taon na ang lumipas, siya parin. Pero may isang tao na hindi sumuko sa pagmamahal sakin sa kabila ng pagiging masama kong tao at sa pagiging malayo ko sa kanya. Kahit kailan, hindi niya pinaramdam sakin na hindi niya ako mahal kahit na minsan niya na akong tinalikuran. Masaya ako na kahit na ganito ako, may taong nagmamahal parin sakin at naghihintay sa pagbabalik ko. At sa pagbabalik ko, may pusong muling mabubuksan at may bagong love story na mabubuo. Pero handa na nga ba akong bumalik sa bansa? Handa na nga ba akong makita ulit silang lahat matapos ang lahat ng sakit na naranasan ko? Hindi ko rin inasahan na pagbalik ko sa Pilipinas, may madadatnan akong bagong taong sisira na naman sa nakasanayan ko. 'Yung taong sisira ng masaya naming pinagsamahan. Akala ko, maayos na. Akala ko, okay na ang lahat. Hindi pa pala. Ito na siguro ang pinaka malalang parusa na ibinigay Niya sakin dahil sa pagiging masama at pagiging makasarili kong tao... Ang makita ko ang taong mahal kong unti unti nang nahuhulog sa iba dahil sa pagiging bato ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
98.1K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook