Don't talk to stranger. Noong bata pa ako ay iyon ang laging bilin ni Mommy sakin tuwing ihahatid niya ako sa school. Paglaki ko ay sinusunod ko parin ang sinasabing iyon ni Mommy hanggang sa kasalukuyan. Pero five minutes ago ay sinuway ko iyon dahil di lang ako nakipag-usap sa stranger pero heto at sumakay pa ako sa sasakyan niya. "You know, it's not part of my plan for today to get lost but unfortunately the luck is not on my side." Blah..blah..blah...ang ingay nitong stranger na kasama ko . Promise! Kanina ko pa tinitiis iyong kwento niya kung paano siya pilit na pinadala ng mga magulang niya dito sa lugar namin. Kanina pa niya nilalait ang kinalakihan kong lugar. E, kesyo daw tinaguriang siyudad pero ang daming kulang na facilities. Wala man lang daw road map na makikita sa