︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Sixty Six ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Oliver's P.O.V. "Don't worry about me, Oliver," sabi ni Mommy at niyakap ako. "Madami nang nagbabantay sa akin. Hindi na ako ulit mapapahamak." Niyakap ko rin sya at huminga ako ng malalim. Kumuha ako ng maraming mag-babantay kay Mommy at dito na muna maiiwan sila Mark sa tabi ni Mommy hangga't hindi pa natatapos ang lahat. "Please, mag-iingat ka Mommy," sabi ko sa kanya at humiwalay na sa pagkakayakap. "I will, Oliver," sagot nya at ngumiti sa akin. Tinignan ko naman sila Mark na nakatayo sa gilid ni Mommy. Nakangiti sila sa akin at kumaway. "Kayo rin. Mag-iingat kayo," sabi ko sa kanila. "Syempre naman! kami pa ba?" sabi ni Mark at tumawa. "Wag kang mag-alala, babantayan namin ang Mommy mo. Kaya mag-focus kana