CHAPTER FORTY SEVEN

3094 Words

︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ CHAPTER FORTY SEVEN ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. Nasa Rovenking University na kami ngayon nagkaklase. Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang kalabanin namin si Geo. Tatlong araw na ring hindi pumapasok si Saracley. "Lunch break na pala, tara na sa cafeteria," sabi ni Oliver at tumayo. Nanatiling nakaupo lang ako. Wala akong ganang kumain at gusto ko lang manatiling nakaupo rito. "Allison?" tawag sa akin ni Oliver. Napatingin naman sa kanila. Sa kanilang R8. Hindi naman talaga ako isa sa kanila. Nasingit lang ako sa grupo nila. Hindi rin naman ako si Allison. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. "Wala akong ganang kumain," sabi ko sa kanila at ngumiti tapos ay tumingin na lang sa bintana. "Dadalhan na lang kita ng pagkain dito. Okay?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD