Prologue
Napatingin ako sa isang Restaurant na malapit lang dito sa eskwelahan na natanggapan ko ng scholar. Nagbabakasakali akong baka makapagtrabaho ako dito.
Pumasok ako sa loob. Malaki ito at malinis ang paligid. Five star restaurant.
Nagtungo ako sa counter. Nakailang lunok na ako ng laway. Sana naman hiring sila.
"Hi, Good Morning. May hiring ba kayo dito?" Napatingin ako sa mga staffs dito na sandaling napatitig sakin. Isang sigundo rin ang katahimikan na iyon at tumitig lang sa akin hanggang tumikhim yung isa kaya bumalik sila sa mga sarili nila.
"Miss? Mag-aapply ka? Sa hitsura mo mukhang hindi ka sanay sa trabaho ah. May experienced ka ba?" tanong sa akin nung isang babaeng nasa 20's na ata ang edad.
Napayuko ako at marahang umiling. Namuhay ako sa isang marangya kaya kailanman hindi ko naranasang magtrabaho. Hindi ko naranasang maghugas ng plato, maglaba, magwalis. Lahat ng maliliit na bagay na 'yon ay hindi ko naranasan.
"Nako hija, malabo kang matanggap dito lalo na't wala rin kaming bakante. Kailangan kasi dito may experienced." sabi nung isa pa. Gusto kong maiyak dahil pakiramdam ko hindi ako makakapagtrabaho sa ganitong estado.
"M-Marunong akong magtupi ng damit." daing ko. Nagkatinginan sila at natatawang napailing. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.5
"Miss, hindi yan pwede dito." sabi nung babae kanina.
Napabuntong ako ng hininga. Ito yung Restaurant na malapit lang sa eskwelahan na papasukan ko kaya pabor ito sa akin. Ano bang trabaho ang papasukan ko?
"Hey... may problema ba dito?" Nakuha ng isang malambing na boses ang buo nilang atensyon. Ang ganda ng boses nito.
"Ah Sir ito po kasing babae naghahanap ng trabaho."
Napakurap ako dahil sa sinabi nung babae. Sir? Mabilis ko itong nilingon. Kunot noo niyang ibinaling sakin ang buo niyang atensyon. Napaawang ang bibig niya sandali na para bang may gusto siyang sabihin pero itinikom niya at pinasadahan ng tingin ang mga empleyado.
"Good Morning po Sir." Marahan akong yumuko. Sa pustura nito parang magkaedad lang kami.
"No. Don't do that Miss. Nakakahiya. Kaedad lang ata tayo." Humalakhak siya na ikinatitig ko sa mukha niya. Yung mga mata niya ngumingiti rin. Posible pala 'yon? Ang gwapo niya. Sumisigaw sa karisma ang buo niyang hitsura.
"Teka, trabaho ba? Hire kana." Nginitian niya ako at tiningnan ako ng maigi. Lumiwanag ang mukha ko.
"T-Talaga? Thank you!" Sa sobra kong saya ay napayakap ako sa kanya. Ilang sigundong prinoseso ng utak ko ang ginawa ko hanggang kumalas ako sa pagkakayakap.
"S-Sorry." Namumula ang pisngi kong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Okay lang. Akala ko nga hahalikan mo ako." Tumawa ulit siya. Nakakatulala ang tawa na 'yon. Lalo na ang mga mata niyang nawawala agad at ang halakhak niyang ang ganda pakinggan.
"P-Pero Sir Brancen, wala po siyang experienced." sabi nung babae.
"Wala rin akong experienced. Matututunan niya rin yan. Miss, nice meeting you. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Inilahad niya sakin ang kamay niya.
"S-Snow. Snow Alvarez." Nakipagkamay ako sa kanya pero nagulat ako nang hinalikan niya ang tuktok ng kamay ko. Napakalambot ng labi na 'yon. Namumula akong napatingin sa mukha niyang nakangiti na sa akin.
"Hi Snow. I'm Jame Brancen. Sige, alis na ako. Mukhang may babalik balikan na ako dito." Binitiwan niya ang kamay ko at ngumisi. Pinanood ko ang likod niyang lumalabas na. Perfect tone of muscles. Lalo na 'yong pwet--God Snow! Clear your mind! Kadiri ka.
"Basta magaganda talaga walang pinapalampas itong si Sir Brancen. Ang laking kaibahan nila ng kapatid niya." sabi nung babae.
"Miss, mukhang may trabaho kana. Pwede kang tagabigay ng order total maganda ka naman. Bagay ka doon sa black and white outfit. Para naman hindi lang puro babae ang kumain dito. May lalake rin." Humagikhik 'yong babaeng kaedad ko lang ata.
Tumango ako. Waitress. Okay narin 'yon. Kailangan kong tustusan ang sarili ko. Gusto kong ipamukha sa mga magulang ko na kaya kong mag-isa. Gusto kong maranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan simula nang isinilang ako sa mundong 'to.