Chapter 10

1237 Words

Enjoy reading! Zaphire's PoV, KINABUKASAN ay nagulat ako nang pagdating ko sa office ay mukha agad ni Denzel ang sumalubong sa 'kin pagpasok ko. At dahil sa gulat ay napahinto ako sa pinto. Nakaupo siya sa swivel chair ko at ang ikinagulat ko pa ay tinitignan niya ang picture ko sa lamesa na naka display. Dali-dali kong kinuha 'yon at itinago sa likod ko. Tumingin siya sa 'kin na may nakakalokong ngiti. "U-umalis ka nga d-diyan," nauutal kong sabi sa kanya. Tumayo siya at umupo sa sofa na nasa gilid. Agad akong pumunta sa swivel chair ko at umupo roon. Pinatong ko ang picture frame ko sa mesa. "Good morning, baby." Bati niya at ngumiti sa akin. Hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha niya. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD