Enjoy reading! Zaphire's PoV, "This is my room." Sabi niya pagkapasok namin sa kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na pumasok sa kwarto niya. Siguro dahil gusto kong makita kung ano ang nasa loob? Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya. Malinis ang kwarto niya at hindi magulo ang mga gamit. Naglakad siya papunta sa kama habang ako ay nakatayo lang sa may pintuan. "Pwede kang maupo," sabi niya pero hindi ko 'yon pinansin. Kailangan ko ng lumabas. Baka kung ano pang isipin ni tita Darcy at ng mga kasambahay kapag nakita niya kami na lumabas ng kwarto niya. "Lalabas na ako." Mahinang sabi ko at binuksan ang pinto. Pero nagulat ako dahil naka lock. What the heck! Napalingon ako kay Denzel na ngayon ay nakangiti sa 'kin ng nakakaloko. "Not so fast,