Enjoy reading! Zaphire's PoV, PALAKAD-LAKAD lang ako sa loob ng opisina ko. Iniisip ko kung kakausapin ko ba si Denzel o hindi? Sa ginawa ko sa kanya kanina mukhang wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya. I slapped him. Pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Hinuhusgahan niya na kaagad ako porket nakita niya ako na nakikipag-usap sa isang lalaki. Pero ayaw ko rin naman na magalit si daddy sa 'kin kapag hindi tinanggap ni Denzel ang proposal ko. Kailangan ko siyang maka-usap. Kakapalan ko na ang mukha ko. Bahala na. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa mesa ko at tinawagan si Denzel. Ilang ring lang ay sinagot niya agad. "Hello," sagot niya. "H-hello, D-denzel. Pwede ba tayong mag-usap? T-tungkol doon sa proposal ko," nauutal kong sabi. "Matapos mo akong sampalin