Chapter 3

2186 Words
BAYARANG BABAE "SOMEONE POV" "Kamusta ang anak ko?" Tanong sakin nang boss ko nang sinagot ko ang tawag nito. "Okey naman siya boss. Kakaalis lang niya dito sa bahay". Sagot ko naman. "Sige, basta sundan mo siya kong saan siya makakarating dahil sa sunod na buwan ay uuwi na kami diyan ng mommy niya". Ani boss. "Opo boss ako na ang bahala sa kanya. Hindi ko po iwawala ang mga mata ko sa kanya at palagi ko po siyang babantayan". Tugon ko "Mabuti naman iho, malaki ang tiwala ko sayo kaya ikaw ang kinuha kong maghanap at magbabantay sa kanya habang wala kami, Oo nga pala paano mo pala siya nahanap iho?" Tanong muli nang boss ko. "Sa bar ko po siya nahanap after 1 week boss, nong time na ilalabas na siya nang matandang lalaki para dalhin sa hotel ay inunahan ko na ito para marescue siya. at nga pala boss sinusundan ko siya ngayon ang pagkakaalam ko kasi may pupuntahan ito sa ospital isa sa mga tumulong sa kanya na nanganak kahapon at need raw operahan dahil may sakit sa puso". Mahabang saad ko dito. "Magaling iho. Saka na tayo mag-usap at siguguraduhin kong pagbabayarin ang kumuha sa anak ko at kong bakit ito napunta sa bar. May trabaho pa akong dapat tapusin dito sa kompanya ikaw na muna ang bahala sa anak namin".bilin sakin nang amo kong lalaki. "I'm jack. 25 years old na ako at isa akong taohan nang tunay na mga magulang ni Binibining Riri or mariposa dahil iyon ang pinangalan sa kanya nang taong kumuha dito. Yes hindi nito tunay na ina si aleng minerva na siyang kinikilala niyang ina dahil si minerva ay isa lamang yaya noon ni mariposa nong bata pa sya. Nagkaroon nang sunog sa bahay nila mariposa noong 1 year old pa lamang ito, ayon sa kwento nang boss ko ay hindi na raw nila nakita ang anak nilang si miss riri at ang pagkaalam raw nila ay kasama ito sa nasunog. Pero dahil sa vedio niyang nag viral noong nakaraang mga buwan ay nabuhayan raw nang loob ang boss ko dahil sa balat ni miss riri sa likod nito na palatandaan nila sa kanilang anak. Kaya nila ako pinadala dito nong nakaraang buwan para hanapin ang anak nila, matagal kong nahanap ito dahil hindi na ito nakatira sa dating bahay nila. May nagsabi sakin na lumipat na raw ito sa bahay nang kinakasama nang kinikilala niyang ina sa bahay ni anton ang step father niya kuno. Kinunan ko ng picture si aleng minerva at senend iyon sa amo ko, napatunayan na ito nga ang dating yaya ni mariposa. Hindi ko muna sasabihin kay mariposa or riri ang tunay niyang pagkatao dahil gusto nang amo ko na sila ang mismong magsabi dito. Ang trabaho ko lang ay bantayan ang kanilang nag-iisang anak habang tinatrabaho nila boss ang kompanya nila at ang paghuli kay aling Minerva dahil sa pangingidnap nito sa kanilang anak. Hindi ko maitago na sa unang kita ko palang sa anak nila ay namangha ako, kahit sa vedio palang nito ay kapantasya na lalo na at wala siyang suot na kahit ano sa kanyang katawan. Lahat nang lalaki ay pinagpantasyahan siya. Inaamin ko na nagagandahan ako dito pero hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya dahil sobrang yaman nito at isa na siyang prinsesa soon. Kanika kamuntikan ko nang makalimutan ang trabaho ko, buti nalang at mabilis rin akong natauhan at walang nangyari samin. "Damm! Bakit ba kasi siya pumasok sa kwarto ko na ganon lang ang suot"! Binibining Riri (MARIPOSA)POV NAKARATING na ako sa ospital at dala-dala ko na ang perang pambayad sa pang opera ni ate Regin, May dala narin akong gamit na pamalit niya at pamalit ni baby. Nabalitaan ko na babae raw ang anak ni ate. Kinausap agad ako nang doctor tungkol sa pag oopera nila kay ate regine, sinabi nito na ngayong araw daw nila agad ooperahan si ate at aabutin raw sila nang apat na oras sa pag opera dito. Mabuti nalang at merong donor si ate kaya hindi na kami nahirapan. Nilagay na nila si ate sa oparating room at ako naman ay naghihintay doon sa kwarto kong saan sya nakahiga kanina. Kasama ko ngayon ang anak ni ate na binigay sakin nang nurse. Ako raw muna ang magbabantay at magpadede dito malamang pa nga raw ay araw-araw ko itong gagawin dahil nga bagong opera daw non si ate at hindi pa pwedeng mag buhat or magpagod. Napaisip ko rin kong saan ako kukuha nang pera kong sakaling maubos ang perang ibinigay sakin nong lalaki. 500,000 ang binigay nya sakin pero 400,000 pa naman ang natira pero mauubos rin naman siya kong panay gastos kami at walang napasok na pera sa amin. Hanggang ngayon napapaisip parin ako kong bakit ganon siya kabait sakin, kong bakit nya ako binigyan nang ganong kalaking pera na wala namang nangyayari samin. Pero bahala na, magpasalamat nalang ako dahil mabait ang tao. Napalingon ako sa baby dahil bigla itong umiyak, mabuti nalang at sanay ako sa bata dahil nong kasama ko pa si mama sa bahay ay palagi akong nasa kapitbahay namin para alagaan ang anak nito, nacucutan kasi ako sa batang iyon kaya nasanay na ako na kargahin at padedein. Minsan ako pa ang nagpapalit nang daiper kapag busy ang nanay. "Gutom naba ang baby angel namin? Sandali baby ha, titimpla lang nang gatas si tita mo". Kausap ko kay baby angel. Pero umiiyak parin ito kaya minadali ko na ang pagtimpla ng gatas siniguro ko muna na sakto lang ang lamig at init ng tubig na hindi naman mapaso si baby angel. Maya-maya pa ay binuhat ko na siya at pinadede. Gutom na talaga siya. Ang cute ni baby angel mukhang kano ang tatay nya dahil sa kanyang etsura. Sobrang puti matangos ang ilong at may dimple ang cute talagaaa. Muling nakatulog si angel, kaya pinadighay ko muna siya bago ibinaba sa kama nang sa ganon mahimbing pa ang tulog nya. Umupo ako sa isang tabi at nagbukas nang cp ko nang may kumatok na isang nurse. "Maam Mariposa?" Tawag nito sakin. "Yes po". Nakangiting sagot ko. "May nagpapabigay po sa inyo". Sagot nya. "Huh sino raw?" Pagkatanong ko non ay binuksan nang nurse ang pinto dahilan para tumambad mula sa likuran niya ang nagsabing nagpabigay raw sakin. Isang lalaki at nakashade pa. Tinanggal nito ang shade at kumaway sakin. Nagulat ako dahil ang lalaking nasa likuran nang nurse ay ang lalaking nagbigay sakin ng 500,000 "Maiwan ko na kayo maam, sir". Paalam nag nurse. Samantalang ako hindi makagalaw sa gulat. "Anong ginagawa ng lalaking to dito? At paano nya nalaman na nandito ako? Sinusundan nya ba ako? NANDITO ngayon sa kwarto ng ospital ang lalaki kong saan kasama namin si baby angel. Kaming tatlo lang ang naiwan dito mula nang umalis ang nurse na naghatid sakin nang pasalubong at nang bisitang sinasabi nya. Walang nagsasalita isa man sa amin at kapwa nag pakiramdaman lamang. Maging ako ay hindi ko magawang makakilos nang maayos dahil nararamdaman ko na parang nakatingin ito sa bawat kilos ko. Hindi ko na nakayanan pa ang katahimikan kong kayat binasag ko na ito saka ko kinapalan ang mukha ko na kausapin ito. "Ano po pala ang ginagawa nyo dito? At bakit nalaman nyo na andito ako? Sinusundan mo ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa lalaki. Tiningnan nya ulit ako nang malamig at wala atang balak magsalita. "Hello mister kinakausap kita". Pangungulit ko dito. Tumayo siya at lumapit sa baby angel ni ate Regin imbes na kausapin ako. "Ang cute nang baby." Aniya "Cute talaga sya, mana sa mommy". Sagot ko na tila nakalimutan ko na naiinis ako sa kausap. "Kamusta naman dito? Sabi kasi ng nurse inoperahan raw ang mommy ni baby. Kamusta ang pera kasya ba ang binigay ko sayo?"anito sakin. Nagulat ako sa sinabi nya, baka kasi sisingilin nya ako kapag nakalabas na si ate regin. "O-okey naman. Salamat nga pala sa perang binigay mo". Sambit ko at diniinan ang salitang bigay. "Hindi bigay iyon, may kapalit yon". Seryosong wika nya. Napangiwi ako dahil tama ang hinala ko na gagamitin rin ako nito. "Anong kapalit ang gusto mo?" Wika ko. "Maging kaibigan ko, palagi mong kasama kong saan ka at higit sa lahat bawal kanang bumalik sa bar dahil sagot ko na lahat nang needs nyo basta sundin mo lang ang gusto ko". Pahayag nito. Nagulat ako dahil sa mga sinabi nya, bakit niya ginagawa ito gayong hindi naman kami close at hindi namin kilala ang isat-isa. "B-bakit mo ginagawa to? Hindi naman tayo magkakilala para gawin sakin to". Tanong ko dito. "Wag mo nang itanong pwede? Kong ayaw mong tanggapin ang tulong ko ay fine, bayaran mo ang kalahating milyon na binigay ko sayo sa loob lamang nang 24oras". Mautoridad na utos nito sakin. "G-grabe di naman mabiro, nagtatanong lang eh. Oo na tatanggapin ko na." Biglang sabi ko dahil baka totohanin nya talagang singilin ako e wala naman akong pambayad sa kanya. Saan ako kukuha ng kalahating milyon sa loob nang 24 oras aber! Napansin ko na simpleng ngumiti ang lalaki akala nya siguro di ko nakita hmm pero kalaunay naging seryoso ulit ito. Nalaman kong jack pala ang pangalan nya. Nakauwi na kami sa bahay ni ate Regin makalipas ang isang linggong pananatili sa ospital. Kasa-kasama rin namin palagi si jack pinipilit nga kami nito na lumipat na roon sa malaking bahay para raw may kasama kami mi ate. Meron pa ngang sinabi sakin si jack na pag-aaralin daw ako nito para matupad ko ang dati kong pangarap na makapagtapos. Kukunan raw nya ako nang Private teacher na syang mag tuturo sakin kahit na sa bahay lang ako. Hindi ko alam kong bakit nya talaga ito ginagawa hindi ko rin naman ramdam na may masamang kapalit ang tulong na binibigay nya bukod pa roon hindi ko napapansin na may gusto ito sakin. Sadyang mabait lang talaga si jack. Pumayag kami ni ate Regin at umaalis sa maliit na tirahan nya. Lumipat kami sa malaking bahay ni jack para doon na titira. Nakakamangha talaga kasi sobrang laki nang bahay at para kang nasa palasyo. Lumipas pa ang mga araw at buwan ay masaya naman kaming naninirahan sa bahay ni jack until isang araw ay gugulatin nalang ako ng mga pangyayari na hindi ko inaasahan. MAHIGIT isang buwan narin kaming naninirahan dito sa bahay ni jack. Sa katunayan nga niyan ay hindi kami tinuring na ibang tao maging ng mga maids dahil parang amo kami kong igalang at pagsilbihan nila. Ganon rin si jack, imbes na siya ang gagalangin namin ay siya pa itong sobra kong silbihan kami. Tinatanong ko siya minsan pero iisa lang naman ang lagi niyang sinasagot sakin na wala lang daw. Isang araw ay inanyayahan ako ni jack na magbihis nang formal dahil may importante raw kaming pupuntahan. Tinanong ko siya if kasama si ate Regin at si baby pero madiin nitong sinabi na kaming dalawa lang. Sa higit isang buwan naming pagtira dito sa bahay ni jack ay aminin kong nagkaroon na ako nang pagtingin sa kanya pero hindi ko ito pwedeng sabihin sa kanya lalo na at alam nya ang naging trabaho ko. Baka isipin niya na pinipirahan ko lamang siya. Inisip ko na inanyayahan niya akong mag date kaming dalawa dahilan para kiligin ako ng palihim. Nagpaalam na ako dito at umakyat na sa kwarto ko para magbihis. Ilang saglit pa ay nakapag-ayos na ako. Narating namin ang isang malaking restaurant sa pilipinas isa ito sa mga sikat na dayuhin lalo na nang mga mayayaman para kumain. Hindi na ako nagtaka kong bakit dito kami napunta mayaman si jack kaya niyang bayaran ang pagkain na oorderin namin dito. Kinilig talaga ako ng husto dahil para akong especial sa kanya na dito dinala sa mamahaling restaurant. Inaya na niya ako papasok ng restaurant, inalalayan niya pa ako dahilan para kumapit ako sa kanyang bisig. Pumasok kami sa loob, huminto kami sa paglalakad dahil tila may hinahanap si jack Hanggang isang tao ang tumawag sa pangalan ni jack. "Jack, iho andito kami".anang boses nang may edad na lalaki. Kumaway naman ang matandang babae na katabi nito sa upuan at makikita mo sa mga mata nilang dalawa ang galak, tuwa at may halong pangungulila. Pagkalapit ko palang ay nagulat ako nang bigla akong yakapin ng matandang babae. "Iha, sa wakas ay nakita narin kita". Maluha-luhang sambit ng matanda. Ngumiti akong tumingin dito pagkatapos nyang bumitaw sa pagkayakap sakin. Inisip ko na ito ang pamilya ni jack na kailangan igalang. "Hello po. Ikinagagalak ko pong makilala ang mga magulang ni jack". Nakangiting turan ko. Nagkatinginan silang tatlo mata sa mata maliban sakin na hindi mahulaan ang nasa isip nila. Hanggang sa nagsalita na si jack. "Mariposa or Binibining Riri panahon na para makilala mo kong sino ka talaga at kong sino ang mga taong nasa harapan mo". Panimula ni jack. "Ha?! "Sila si madam Lhady Heart Jimenez at Boss Julio Mercedez, sila ang tunay mong mga magulang". Nagulatantang ako sa ipinagtapat ni jack. Bakit niya nasasabi iyon gayong alam ko kong sino talaga ako maging ang mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD