TAPE 1

1353 Words
FAITH DE SILVA "Kasalanan mo 'to, Kyle! Kung 'di ka lang papansin, 'di mangyayari 'to! Kung 'di ka lang isip-bata, wala tayo rito! Kung 'di ka lang..." "SHUT UP, FAITH! PLEASE, TAMA NA!" sigaw nito sabay tapon ng unan na nasa tabi niya. Tumayo ito. "Oo, kasalanan ko 'to! Okay? Happy!? Ginusto ko ba ito?" inis niyang tanong. "Sorry." Bumuntong hininga ako. "Ano na ang gagawin natin?" "I don't know! Nakidnap nga tayo, 'di ba? Isip-isip din!" sigaw niya. "May gana ka pa talagang sumagot ng ganyan? Wow, Kyle! Iba ka rin! Kung 'di ka lang talaga..." "I said, shut up! Paulit-ulit na lang, Faith! Ang sakit na sa tainga!" Tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mga mata. Napatanong ako sa aking sarili kung bakit nga ba nangyari sa 'kin ito, sa amin?! Pero hindi ko talaga maiwasang magalit kay Kyle kasi siya ang may kasalanan sa lahat ng ito. Kung 'di niya kinuha ang diary ko, 'di ko sana siya hinabol pupunta sa labas at... Napatayo ako sa kama nang may mga yabag ng paa akong narinig. Kinalabit ko si Kyle na nakasimangot sa gilid. "May tao." "I know. Pumunta ka sa likod ko," maawtoridad na utos nito. Nasa likod na niya ako. Napahawak ako sa balikat niya nang may pumasok na mga lalaking nakaputi sa kuwarto kung saan kami nakakulong. Kulay puti lahat ang makikita mo rito, parang isang hotel ang ayos. Mula sa maganda at malambot na sofa, lamesa na gawa sa puno ng narra, kumikinang na chandelier na nakasisilaw sa ganda, at iba pang mga kagamitan. May isa rin akong nakikita na bintana, pero nasa itaas ng kisame na triple ang taas sa isang pang-karaniwang bahay. Sa totoo lang, para kaming nasa langit, pero ang sitwasyon namin ay hindi kanais-nais. "Pakawalan niyo kami," pagmamakaawa ko. "Hindi puwede. Kailangan kayo ni master sa bago niyang project," sagot ng lalaki sabay tawa. "Oo, nga! Pakawalan niyo na kami! Mayaman ang pamilya ko, kaya namin kayong bayaran. Teka lang? Ano ba talaga ang kailangan niyo sa amin? Sobrang gutom niyo na ba talaga para humantong kayo sa pangingidnap?! Ano bang project ng master niyo ang pinagsasabi niyo? Baliw ba kayo?!" inis na sabi ni Kyle. "Ang talas ng dila mo. Gusto mo bang putulin ko 'yan?" pagbabanta ng lalaki rito. "Pre, 'wag mong putulin ang dila niyan kasi magagamit niya 'yan sa project ni master," sabi ng lalaki sabay tawa. Nagtawanan silang lahat kaya mas lalo akong kinabahan. Para silang mga baliw. "Huwag ka ng sumagot," bulong ko kay Kyle. He should know how to control his temper. Mapapahamak kami nito. Lumingon ito sa akin at inirapan ako. "Huwag mo 'kong bulungan, 'di tayo close." Nahampas ko ito. "Sh*t!" "Psst! 'Wag kayong mag-away dahil mamayang gab—basta!" natatawang sabi ng lalaki. Nakakikilabot iyong tunog ng tawa niya. Parang isang demonyo. "Ano ba ang gagawin niyo sa amin!?" inis na tanong ni Kyle. "Sekreto. Ganito na lang, dahil mabait ako. Clue? Hmmm?" pang-aasar nito. "Bilis! Buwesit!" galit na sigaw ni Kyle. Tinutukan ng lalaki si Kyle ng baril. "Umayos ka!" "Manong, 'wag!" pagmamakaawa ko. Baka ano pa ang mangyari kay Kyle. Lumapit sa akin ang lalaki at tinitigan ako habang nakangiti sabay labas ng kanyang matalim na dila. "Sobrang ganda mo pala." Susubukan niya sana akong hawakan pero umiwas ako. "Aba, maarte!" Tinutukan niya ako ng baril. "Huwag kang gumalaw may hahawakan lang ako," batid nito sabay titig nang masama sa dibdib ko. Nasuntok ito ni Kyle. "Gago ka!? Bastos!" "Aba! Matapang ka talagang bata ka!" sigaw ng lalaki sabay tutok muli ng baril sa noo ni Kyle. Nanginginig na ako sa takot. "Pre, hali ka na! Labas na tayo, baka mapagalitan tayo ni master. 'Di ba ang sabi niya, 'wag saktan ang dal'wa?" wika ng kasama niyang lalaki. "Pasalamat ka, Kyle Ferrer!" sagot ng lalaki bago umalis at tinitigan pa kami nang masama. Pag-alis ng mga lalaki ay nagtinginan kaming dal'wa ni Kyle. "Kilala ka niya," sabi ko. "Malamang nakita nila sa ID natin." "Hindi! Basta iba! Sa pagbigkas niya ay parang matagal ka na niyang kilala," sabi ko. May kutob akong matagal niya ng kilala si Kyle. "Huwag mo na lituhin ang utak mo," asik niya. Nilibot ko ang buong kuwarto at naghahanap ng bagay na puwedeng makatulong sa amin para makatakas, pero wala! Saan ba talaga kami? Gusto ko man sumigaw, pero wala rin taong makakarinig sa amin. Napatakbo ako pabalik sa kama nang makarinig muli ng yabag ng mga paa na papunta rito sa kinaroroonan namin. "Kyle, may taong muli," sambit ko. "Dito ka lang sa tabi ko. 'Wag kang kabahan. Sorry pala ah? Kung dahil sa akin napunta tayo sa sitwasyon na ganito." Pagbukas ng pinto ay may ipinasok ang lalaki. Isang panibagong sofa bed na kulay puti. "Maghanda kayo mamaya," bilin niya. Hindi ko na inisip ang sinabi ng lalaki basta nagugutom na ako. "Pagkain?" tanong ko. "Maghintay ka!" sigaw niya. "Nagtatanong lang naman! Ba't mo sinisigawan!? Ang bobo mo!" sabat ni Kyle. "Tumahimik ka! Gusto mo? Putulin ko ang ulo ng pinakakamahal mong kapatid na si Karlito?" pagbabanta ng lalaki. Tiningnan ko si Kyle at tumulo ang luha nito. "Umalis na kayo, Manong! Kyle? Tahan na. Nanakot lang 'yan." "Paalam!" pang-aasar ng lalaki. Stupid! "Paano kung hindi, Faith? Ba't alam niyang may kapatid ako? Pati pangalan pa talaga? Sino ba sila?! Mukhang tama ka nga, kilala nila kami." "Mga demonyo ang mga 'yon, iyan ang pagkakaalam ko. Kyle, kilalang mayayaman ang pamilya mo baka isa 'yon sa dahilan kaya kilala nila kayo," litanya ko. "Sorry, Faith. Nadamay ka pa sa malas ng buhay ko." "Huwag mong isipin 'yan. Ang isipin natin ay kung paano tayo makakatakas dito." ••• HOURS LATER. May pumasok muling mga lalaki at laking gulat namin na may dala silang gamit na pang filmography. Ano ba talaga ang balak nila? "Ano gagawin niyo sa amin?" pag-aalalang tanong ko. "Gusto niyo malaman? s*x TAPE," nakangiting saad ng lalaki. "Nababaliw na ba kayo!?" Inis na tanong ni Kyle. "Ano?! Magkamatayan man, 'di namin gagawin 'yang ipapaggagawa niyo," naiiyak kong sabi. "Talaga lang, Ms. Faith? May kuwento ako. Bunsong anak ka ng isang tindera't tindero ng isda sa palengke sa kalapit ng mall. Gusto mo patayin ko ang isa sa magulang mo o sila na lang kayang dal'wa? At alam mo kung ano ang mas masakit? Ikaw ang dahilan dahil sa kaartehan mo." Tumawa ito nang napakalakas. "So parang ikaw na rin ang pumatay sa magulang mo." Hindi ako nakasagot at napa-upo na lang sa kama. Umupo sa tabi ko si Kyle at niyakap ako. Iyak lang ako nang iyak. Bakit nangyari ito sa amin? Bumuwag ito sa pagyakap sa akin at hinawakan ang buo kong mukha sabay punas ng luhang nagsilabasan sa aking mga mata. "Mapaparusahan sila, magtiwala lang tayo sa itaas. 'Di man sa ngayon, pero ipinapangako ko 'yan sa'yo, Faith." "Ikaw, Kyle. Mag-iinarte ka rin ba?" tanong ng lalaki. Tiningnan niya ito nang masama. "Demonyo kayo! Tandaan niyo 'to! Lintik lang ang walang ganti! Mapaparusahan kayong lahat!" "Cardo Dalisay?! Ikaw ba 'yan?!" pang-aasar nito. "Magsimula na kayo!" tugon ng isang lalaki. May inihagis siya sa kama. "Basahin niyo 'yan." "Paalala ni master ay umarte kayong magkarelasyon at 'wag na 'wag kayong magpapahalata na napipilitan lang kayo sa ginagawa niyo dahil kung hindi? Alam niyo na ang mangyayari. Good luck!" pananakot ng isa sa kasamahan ng lalaki. "Simulan niyo na!" sigaw ng isa sa mga demonyong nasa harapan namin. "Umalis muna kayo rito! Paano namin sisimulan ito?! Ano? May live audience? Tang-ina! Sa'n kayo nakakita ng s*x with fans?! Kami na ang bahala rito!" nagliliyab sa galit na sigaw ni Kyle. "Ang talas ng dila mo. Nanggigil na ako." "Pre, okay lang daw, sabi ni master! Labas daw muna tayo," pagsabat ng isa sa kasamahan ng lalaki na may kausap sa phone nito. "Mga demonyo! Pakisabi sa master niyo kung sino man siya, gago siya! Duwag siya at panghuli, baliw siya!" sigaw ni Kyle. Lord, please. Kailangan namin kayo ngayon. Tulungan niyo po kami. Iligtas niyo kami rito. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD