•••
Pagdating namin sa bahay ni Kuya, kabaong ng aming ina ang bumungad sa amin. Napatakbo ako papunta rito at iyak lang ako nang iyak dahil sa sobrang sakit. This is too much. Hindi ko mapapatawad ang panginoon sa nangyari sa amin! Sa buong pamilya ko!
Niyakap ko ang kabaong ni Mama. "Ma, gising na! Nandito na ako, oh. Ma, si Pit ito, oh. Ma, ang ganda ko, oh. Ma, gising ka na riyan. Ma, sabi mo ikaw magsasabit ng medalya ko? Ma, sabi mo gusto mong makitang suot ko ang uniporme nang magiging profession ko? Ang daya mo naman, Ma! Gising na! Ma, gising ka na!"
Wala nang mas masakit pa na makita ang magulang sa kabaong. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang namatay. Puwede naman sana ako. Bakit hindi ako? Bakit?
---
Nasa hospital ako ngayon kung saan naka confine si Papa. He is still unconscious. Lumipas ang mga dalawang oras, binisita ko naman si Kyle na nasa hospital lang din na ito. Gabi ngayon kaya iyong mabait na Kyle ang gising ngayon. Anyway, he is okay at masaya ako roon.
Pagdating ko, nadatnan ko roon ang buong pamilya niya sa labas ng kuwarto. Niyakap nila ako at nakikiramay sila sa pagpanaw ni Mama.
"Stay strong, Faith. Alam kong malalagpasan mo ito," wika ng Mommy ni Kyle.
Napangiti ako habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. "Yes po. Sana."
"Don't worry, makukulong sa mental si Manuel, ang kapatid ko. At mabubulok siya sa kulungan dahil sa ginawa niya sa mga anak ko."
Napamulat nang malaki ang mga mata ko sa narinig.
"M-mga?" paninigurado ko.
"Yes. Karlito admitted it to me. Sinabi niya sa akin ang panggagahasa ng uncle niya sa kanya. At siya rin ang may sabi na baka may kinalaman ito sa pagkawala ng Kuya niya. Kaya pinasundan ko si Manuel at kumpirmado nga na hawak niya kayo. Naklulungkot lang na dinamay pa ang kapatid mo."
Tiningnan ko si Karlito na naglalaro ng mobile legends sa phone niya. Nasa 14 taon gulang pa lang ito. Pero biktima rin pala siya ng uncle niya. Kawawang bata. His evil uncle deserves in hell. Periodt.
---
D
ALAWANG BUWAN ang nakalipas. Sabay-sabay kaming pumupunta sa isang psychologist for our therapies. Tama nga ang hinala ko, may sakit si Kyle, pero puwede naman ito maagapan. Malaki nga ang epekto sa utak niya ang ginawa ng uncle Manuel niya. Pero ngayon, desido siyang gumaling through a therapy. Kahit si Karlito ay nagpakunsulta rin dahil may posibilidad na matulad siya sa kapatid niya na dulot ng trauma.
Sa ngayon, nasa mental pa rin ang uncle niya. Lagi itong tulala at lumuluha. Hindi nga makaka-usap ng nurses na mga bantay roon. Wala ito sa kanyang sarili.
Si Papa naman, naabutan pa niya ang huling lamay ni Mama noon. Sa totoo lang, nahimatay ako nang mangyari iyon. Hindi ko nakayanan ang sakit sa mga panahong iyon. Nakalulungkot man aminin, pero sariwa pa rin sa aking isipan ang mga alaala no'ng nasa kamay pa kami ni Manuel. Gabi-gabi ay lagi ko iyon napapaginipan. Palagi akong dinadalaw kahit sa aking panaginip. Naririnig ko 'yong mala-demonyo niyang tawa.
Sa mga araw at buwan na lumipas, unti-unti na rin naunawaan ng mga tao, na ang s*x videos na iyon ay hindi namin ginusto. Matapos kaming humarap dalawa sa isang interview sa balita. Nilinis namin ang aming pangalan, na inosente kaming dalawa at kami lamang ay biktima. But still, I felt sorry for Mama.
I love you, Ma!
Napakapait man nang nangyari sa amin sa puting kuwartong iyon, pero nakabuo iyon ng pag-iibigan naming dalawa ni Kyle. No'ng mas nakilala ko ang pagkatao niya ay mas lalo ko siyang nagustuhan. Mahal ko ang lalaking iyon kahit sino man siya, kahit dalawa pa ang katauhan niya. Kahit maging anim pa siya. Basta nangako ako sa sarili ko na mamahalin ko siya sa hirap at ginhawa. At masaya ako dahil boto sa akin ang pamilya niya.
Nagbalik-loob na rin ako sa Panginoong Diyos na dating itinakwil ko dahil akala ko wala na talaga siya at kailanman walang siya. I believe, he is only just a statue. Pero laging pinapaalala ni Kyle sa akin na hindi natutulog ang Diyos, na lahat ng nangyari sa amin ay isang hamon to test our faith.
Ngayon, ipagpatuloy ko ang daloy ng buhay kasama ang bagong hamon ng Panginoong Diyos at iyon ay isang pagiging isang batang ina. Nakabuo kami ni Kyle ng munting anghel sa puting kuwartong iyon. Pangako ko sa sarili ko na maging isang mabuting ina para sa kanya at kailanman hindi iparanas sa kanya na isang pagkakamali ang nabuo siya.
Wakas!