Chapter 4

1913 Words
Nang makatulog na ang babaeng nagpakilalang Savannah sa kan'ya, nagbatsi na rin si Nathaniel. Gamit ang kan'yang lumang motor na minana pa niya sa Mama Gillian niya. Habang nagmamaneho siya palalayo ng nasabing lugar napapa isip siya kong ang babae ba ay muli pa niyang makikita. Naawa talaga siya dito at mukhang malaki ang problema ng babae. Pero, ang mahalaga may pang bayad na siya ng renta kay Madam Tasya at hindi na niya kailangang gawin ang gusto ng byudang matanda. Matandang manyakis na mang gagamit ng sitwasyon. Habang palapit nang palapit siya sa bahay niya sa Tondo Manila. Nararamdaman na niya ang pagod at gutom na rin. Naalala niyang hindi pa pala siya nakain kaya dadaan na muna siya sa paresan ni Mang Labro. Ang sikat na paresan sa kanilang barangay, etneb lang ang bayad mura na busog ka pa. Sikata ang paresan nito at dinarayo pa. Nafeatured na rin ito ng ilang vlogger kaya medyo nakilala pa lalo ang paresan ng matanda. Pag daan niya nga sa nasabing kainan. Naupo siya sa mahabang silya na gawa sa kahoy at nag order agad. "Mang Labro, isang pares nga ang sa akin." saad niya sa hindi namang masyadong katandaan na si Mang Labro siguro'y wari'y niya na sa kwarenta'y pataas na rin ang edad ng matanda, ngunit maliksi pa ito kong kumilos. Papasa pa itong runner sa marathon pero, joke lang 'yon. "Sige," sagot ng matanda habang hinahanda ang kan'yang order. Habang naghihintay siya ng kan'yang order napapalinga linga siya baka may mga sugarol na naman sa paligid niya. Mga kabataang lulong na nga sa bisyo pati naman sa sugal. Nang ilapag ni Mang Labro ang pares niya sa harapan niya, kaagad niya itong linantakan at hindi naman halatang gutom na gutom siya at naubos niya agad ang pares. "Pahingi ho, tubig." ani niya sa matanda. "Aba'y nar'yan lamang ang tubig at maabot mo naman." sagot ng matanda. Hindi naman kasi niya napansin ito. Nang makita agad siyang tumayo at kinuha ang baso at nagsalin ng tubig sabay lagok at abot ng bayad niyang etneb sabay nagbatsi na rin. Nakarating siya ng bahay at pumasok sa loob. Pagod na pagod ang katawang lupa niya. Napasalampak siyang napa upo sa sofa nilang niluma na ng panahon. Hindi na nga ito malambot at labas na rin ang spring nito. Pero, kailangan niyang pagtyagaan muna at wala pa siyang pang bili ng mga kagamitan sa bahay na bago at isa pa ayaw niya ring palitan ito, dahil memorabilya niya ito sa yumaong Mama. "Mama Gillian. Miss na Miss na kita.." usaa niya habang nakatingin sa kisame nila na tagpi tagpi na rin. Hindi talaga niya mapaayos ito gawa ng nilalaan niya ang mga kinita muna sa kan'yang pag-aaral at ayaw niyang biguin ang pangako sa kan'yang Mama na kahit anong mangyari magtatapos siya ng Kolehiyo. Isang taon na lang naman at graduating na rin siya sa night schoo niya. Business administration ang kinuha niyang kurso at gusto niyang mag business kong papalaring maka ipon siya ng malaki. At makapag tayo ng kan'yng sariling negosyo. Tumayo na siya at umakyat sa hagdanan na marupok na din. Mabuti na lang napagtya tyagaan pa kahit papaano. Maging ang kama niya ay hindi na rin ganun kaayos at unting likot niya na lang siguro dito ay wala na siyang higaan pa. Napatingin na lang siya sa kisame hanggang sa nakatulog na rin siya. KINABUKASAN Nagising siya sa ingay na nagmumula sa labas. At kahit hindi niya pa nakikita ang tao alam niya kong sino ito. Ang matandang byuda na si Madam Tasya. At kahit nakakaramdam pa ng antok bumangon ito at bumaba ng hagdanan. Pag bukas niya ng pinto alam niyang dadakdakan siya ng matanda at hindi siya sumipot sa usapan nila. "Heto ang bayad ko may advance pang isa." wika niya sabay abot ng siyam na libong piso. Hindi makapaniwala ang matanda na kayang magbayad nito sa kan'ya ng ganyang halaga agad. Alam kasi nito kong ano ang trabaho niya. Hindi nga ata aabot ng limang libo ang araw niya. "Wow! May pang bayad ka naman pala, ayaw mo lang. Kong hindi pa kita idi dare hindi lalabas ang pera mo pogi. Sige bayad ka na hanggang susunod na buwan at babalik na lang ulit ako pag natapos ang advance mo." ani ng matandang nakangisi pa sa kan'ya bago umalis. Sinara na niya ang pintuan at hindi na nakabalik sa pagtulog. Nag asikso na siya para sa pagta trabaho na naman at mamayang gabi naman ang schooling niya. Nakakapagod man pero, kinakaya niya para sa kan'yang pangarap. Hindi sa minamaliit niya ang pagiging delivery boy kasi heto ang nang bubuhay sa kan'ya. Ang sa gusto lang niya kahit papaano naman umangat ang buhay niya. 'Yong hindi na siya sa bilad ng araw magta trabaho at hindi na ulan at init ang kan'yang susuungin para sa kakarampot na halaga lamang. Nakahanap siya ng itlog at prinito niya ito ng mabilisan lang sinangag niya rin ang bahaw na kanin at may lamang tyan na siya para sa umaga. Mabilis niya lang linantakan ito at okay na lahat. Naligo rin siya para naman fresh siya at hindi nakakahiyang humarap sa mga customer. Maya maya lang suot na niya ang uniporme sa pagdedelivery boy at sinuksok na rin niya ang uniporme naman sa eskwelahan. Tiniyak niyang maayos ang pagkakasalansan niy, dahil hindi ito pwedeng magusot at isa lamang ang unipormeng ginagamit niya sa pagpasok sa eskwelahan. Kong minsan pa nga kapag nagmamadali na siya pag delivery boy shirt ang suot niya at madalas siyang pulaan ng iba. Hindi na lang niya ito pinagpapansin pa. Habang paalis na siya may pumasok na agad na booking kaya napangiti siya at napa; "Thank you, lord." anas niya. Lumabas na siya ng bahay at sumakay sa motor niya sabay pinaharurot na ito papalayo. Nakita pa niya ang mga kaibigan niyang si Liam at Kidlat na nagbabarek na naman kaso nagsabi siyang pass muna at may trabaho pa siya at pasok sa eskwelahan mamaya. Hindi siya pwedeng magbarek ngayon. Habang nasa daan siya nakikinig siya ng music para iwas bored sa mahabang byahe. Nang maalala niya ang babaeng nagpakilalang Savannah sa kan'ya. "Kamusta na kaya siya? Nakakatulog kaya siya ng mahimbing?" tanong niya sa sarili. Sa totoo lang kasi naawa siya sa babae ng gabing 'yon at kahit hindi niya kilala ito sinamahan niya para may kasama, dahil na rin sa paki usap nito sa kan'ya.. Nang makarating siya sa nasabing lugar hinanap niya lang ang lugar kong saan ang nagbook, medyo masukal at nakakatakot ang lugar kaya nag-iingat rin talaga siya para sa siguridad niya. Hindi siya sumusuong sa alam niyang ikakapahamak niya. Tinawagan niya ang nabook at sumagot naman ito. "Ma'am, san na po kayo?" tanong niya. "Pasok po kayo kuya dito na po sa pangalawang bahay mula sa eskinitang nilusutan niyo. "Sige, sige.." Pinaandar niya pa ang motor hanggang sa makarating siya sa sinasabi ng babaeng kausap. "Heto po kuya ang ipapadala." sagot ng babae na hindi maiwasang 'di mawala ang ngiti ng makita siya. Halatang kinikilig ang babae sa kan'ya, ngunit hindi niya na lang ito pinapahalata pa. Nang makuha niya ang bayad at idedeliver nagbatsi na rin siya agad para makarami naman siya ng booking ngayon. O kong maswertehan na ma book siya ulit ng magandang babae. Habang nagda drive siya nakatingin ito sa kaliwa't kanan at baka mahagip siya ng mga naglalakihang truck sa highway kaya madalas gumigilid lamang siya. Hindi siya pwedeng makipag sabayan sa mga ito at baka tumalsik lang siya. Mahaba haba pa ang byahe niya ng biglang nag red light. Palinga linga siya sa paligid at baka kasi makita niya ulit ang babaeng Savannah ang pangala. Tila hindi siya pninatulog ng babae ng nag daang araw. Habang nagtitingin tingin ito nakita naman niya ang isang magarang motor na sinadyang tumabi pa sa kan'ya at nang mapalingon siya dito nakilala niya agad ang mga sakay nito. Si Amber Rose at Davis. Nagpatay malisya siya at kunwari hindi niya ito nakita. Kaya nang nag green light na nauna siyang umandar at nang sumunod ito sinadya nitong banggain siya kaya tumilapon siya sa gilid sabay harurot nito ng mabilisan at hindi man lang nagawang mag sorry sa kan'ya. "Putang-na mo!!" malakaw na sigaw niya habang tinatayo ang motor niya sa gilid. Mabuti na lang sa gilid siya tumalsik at hindi sa gitna kundi lasog lasog na ang katawan niya. Nang tinatayo na niya ang motor may isang taong motorista rin ang lumapit sa kan'ya at nag magandang loob na tulungan siyang itayo ang motor. "Ayos ka lang ba boss?" tanong nito. "Oo, boss. Maraming salamat." sagot niya naman. "Mabuti naman boss, marami talagang gagong rider ngayon. Akala mo sila ang may-ari ng kalsada kong makaharurot, akala mo wala ng bukas. Hindi man lang nag-iingat kong may maaagrabyado ba sila. "Kaya nga boss, nagulat na lang ako ng sagiin ako." sagot niya. Hindi na niya sinabi pa na kilala niya ang gagong sumagi sa kan'ya at ano bang laban niya sa anak ng Mayor ng nasasakupan nito. Isa lang naman siyang hamak na mahirap kaya wala siyang mailalaban kahit na patayin pa siya nito. "Hayaan mo boss may mga araw din ang mga yan." dagdag pa niya. "Oo, may balik yan sa kan'ya. Sige na mauuna na ako kong hindi mo na kailangan ng tulong pa." aniya. "Oo, boss. Maraming Salamat." wika ni Nathaniel. Nakabalik na siyang nakaupo sa motor at pinaandar pagka alis ng lalaking nag magandang loob na tumulong sa kan'ya. Habang nagmamaneho siya at naghihintay ng booking napadaan siya sa isang bakery store. Napatigil siya at may biglang sumagi sa isipan niya. Naalala niya na palagi niyang pinapasalubungan ang Mama Gillian niya noong buhay pa ito. Sana lang talaga buhay pa ito hindi sana mahirap ang buhay niya ngayon. At hindi ganito kalungkot na mag-isa na lang siya. Pinaandar na niya ulit ang motor at nag hintay ng papasok na booking kaso bigo siya. Kaya naman nag hintay pa siya ng isang oras bago naka kuha ng booking. Agad niyang pinuntahan ang lokasyon at hinahanap ito na madali lang naman niyang nakita. Ang booking na pumasok sa kan'ya ay sa isang fastfood chain. Agad niyang pinuntahan ang lugar at nang makararing siya dito. Inorder niya na ang pinapa order ng customer. Maghihintay lang siya ng trenta minutos at niluluto pa ang manok kaya naupo muna siya sa labas ng fastfood. Nilibang niya ang sarili sa mga nagdaraan na sasakyan para hindi siya mainit. Nangangarap siya na baka sa futute makabili siya ng kotse. At mapalitan na rin ang motor niya. Pwede naman siya magpa upgrade sa application katulad ng ginagawa ng iba kapag gusto nilang mag drive ng sasakyan at maghatid ng pasahero, sabi kasi ng ilang kakilala niya na nagda drive medyo malaki raw ang kitaan dito kumpara sa pagiging delivery boy. Gustuhin man niya kaso hindi naman niya pa kayang bumili ng sasakyan kahit nga loan e, mahihirapan siyang makpaag hulog nito. Renta nga ng bahay niya nauubusan pa yan pa kayang kotse. Nang matapos ang order niya agad niya itong inabunuhan muna para kunin amg order niya at maka alis na siya sa lugar, baka kasi kanina pa rin naghihintay ang nag order ng pagkain sa kan'ya. Nag iwan lang siya ng messages dito at sinabi na malapit na siya sa lokasyon. Nag okay lang naman ang reply ng customer. Pinaharurot niya na ang sasakyan patungo sa lokasyon na naka pinned sa application na nakita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD