Chapter 38

1329 Words

Nang makarating si Hannah sa ospital sumunod na lang ang mag-ama niya. Kinausap siya agad ng doctor na kagagaling lang sa emergency room at hinihintay talaga sila para isagawa na ang procedure. Awang awa naman si Hannah sa sinapit ng panganay na anak niya halos hindi na nga makilala ang mukha nito. Medyo malalim ang pinagbagsakan nito mula sa hiking nito. Ayan na nga ang takot niya kapag nagha hiking ito kaso matigas naman ang ulo ng anak at hindi nakikinig. Kaya wala rin siyang magawa pa. Iyak siya ng iyak habang pinipirmahan ang papel pagkatapos dinala na agad sa operating room si Harold. Nanghihina ang tuhod niya at hindi malaman ang kan'yang gagawin. Naupo siya sa upuan at muntik ng mabuwal kanina mabuti na lang nakakapit siya. Hindi niya alam ang gagawin wala pa ang asawa at anak niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD